Chapter 20

5 2 0
                                    

Nung sumilay na ang umaga ay sabay kaming namangha sa bukang liwayway at saka ko siya hinatid sa hotel kung saan sila nakain. Narito ako ngayon kay Pau habang sina tita nasa hotel nila, kumakain kami ng breakfast habang nanonood ng balita.

“kalat ngayon sa internet ang video na ito kung saan makikita ang gutaristang si Alec Fransico ng bandang Fly ay may nilapitang isang babae na nanood ng music fest sa Roxas, Capiz sa kanilang Capiztahan 2014. Magpahangang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ni ng guitarista.” Sabi ng showbiz anchor na ikinasamid ko naman at nakita naming yung video kagabi.

Teka papaanong nangyari yun? Ganon talaga ka hot topic yun na pagkakinabukasan headline?

“Girl diba ikaw yan kagabi?” tiling tanong ni Pau sa akin na dahan dahan kong ibinaling ang tingin sa kanya.

“O-oo, pa-paanong nasa balita yan?” gulong tanong ko sa kanya habang kumakain kami.

“Dzah di mo ba narinig kumalat nga sa internet.” Maarteng sagot nya sa akin kasabay ang pagsubo ng pagkain.

Napasubo ako na wala sa sarili habang iniisip na nagviral yung video and now I’m being hunt.

“Sabihin mo nga anong meron sa inyo ni Alec na to at hindi ko alam na tinutuhog mo na ang mga idol mo ha.” Saad nya sa akin na ikinsamid ko, agad naman akong uminom ng tubig sa aking narinig mula sa kanya, anong tinuhog?

“Gaga, magkaibigan lang kami ni Alec at saka nagging closed ko sila dahil kay Nycole.” Saad ko sa kanya kasunod ang pagpatay ko ng tv, baka ano pa kasi ang mapabalita jan.

Tiningnan nya ako ng nakakaloko saka ngumiti sa akin ng nakakaloko.“Magkaibigan lang ba?” nakakalokong ngiti nya sa akin.

“hmm--.” Pagbibiro ko sa kanya.

“Sinungaling ka so kayo nga?” kinikilig nyang saad sa akin kasabay ang pagkumpay ng kanyang kamay.

Nagulat naman ako sa sinabi nya sa akin“Hindi nagconfest siya kagabi.” Sagot ko sa kanya at saka sumubo ng pagkain habang siya anamn ay napatili.

“Oh sinagot mo?” kinikilig nyang tanong sa akin, napailing lang ako bilang sagot at saka tiningnan ang kanyang reaksyon; napangiwi lamang siya sa akin.

“Gaga bakit?” dismayadong tanong nya sa akin.

“Nasabi ko bang personal chef ako ni Rhys Volcaro?”pabibitin ko sa kanya, agad na namilog ang kanyang mga mata nang marinig nya iyon.

“Gaga wala pero wag mong sabihing si Rhys ang laman nyan?” tanong nya kasabay ang pagturo nya sa puso ko na ikinatango ko lang bilang sagot, napatili lang siya sa akin. Siguro kung katabi ko to ay kanina nya pa ako binugbog sa kilig nya.

“Diba wala pa yun napabalitang nakarelasyon?” tanong nya sa akin, tumango lang ako bilang sagot sa kanya habang nginunguya ang kinakain ko.

“Ano ba si Rhys? Kauri ko rin ba o ano?” tanong nya sa akin kawabay ang paghalukipkip.

“H-hindi ko alam, wala kaming pakealamanang dalawa.” Pagsisinungaling ko sa kanya at saka umiwas ng tingin.

“Don’t lie.” Seryosong saad ko sa kanya, ngumiti ako sa kanya ng nakakaloko.

“Ok fine...” saad ko sa kanya at ikinuwento ang lahat lahat kung papaano ako napalapit kay Rhys at kung ano ang kwento ng kanyang buhay maging yung mga nangyari sa amin ni Rhys ikinuwentoo ko sa kanya, hindi ko kayang itago sa kanyaang mga nangyayari sa buhay ko.

“Gaga bakit mo ginawa yan?” suway nya sa akin, itinaas kolang amg aking mga balikat bilang sagot sa kanya.

“Gaga tigilan mo na yan baka mamaya hindi kana makawala jan.” Payo nya sa akin.

Tama nga naman siya baka hindi na ako makawala sa kanya lalo na ngayon na dahan dahan na akong nahuhulog ng husto sa kanya.

After 3 years

This is my 4th year working to Rhys and each day I saw him it makes me feel that it is really hard to get out of his banquet, tama nga si Pau dati na dapat iwasan ko na si Rhys kung hindi ako lang rin ang masasaktan. For this past 3 years hindi lang kami kadalawa nag make out kundi maraming beses na buti na lang nga at walang nabuo kung hindi, hindi ko kayang makita ang magiging anak namin na nahihirapan dahil ang kanyang ama ay nakakulong pa rin sa alalaala ni Carmen. And this past 3 years ay medyo ok na rin si Rhys, hindi nya na binabalak patayin ang kanyang sarili at lumalabas na siya ng condo nya at hindi na siya umiinom.

Pagkapasok ko ng unit nya ay agad ako nakarinig ng mga kamabog sa kwarto nya kaya agad akong kinabahan, dali dali akong pumasok sa kwarto nya at nakita ko siyang nakaupo sa may pader ng kwarto nya at nakita ko ang mga nagkalat na mga gamit nya sa kwarto at mga nabasag na salamin. Agad ko siyang nilapitan at nakita kong may dumudugo ang kanyang kamay, ano bang nagyari sa kanya?

“Rhys, Rhys, humarap ka sa akin, ano bang nangyayari sa iyo?”  tanong ko sa kanya habang hinahawakan ko ang kanyang mukha pero iniiwas nya lang ito.

“Ano ba bitawan mo nga ako.” Saad nya sa akin kasabay ang pagtulak sa akin papalayo sa kanya.

Nakaupo lang siya habang natatabunan ang kanyang mahabang buhok ang kanyang mukha, agad akong lumapit sa kanya. Hindi naman kaya binalak nya namang patayin ang sarili nya ngayon? Wag naman sana.

“Rhys ano bang pinanggagawa mo bakit may sugat ang kamay mo?” nagaalalang tanong ko sa kanya habang hinahawakan ko ang pisngi nya at ang kamay nya na may sugat.

Pansin kong basa ang kanyang pisngi, umiiyak ba siya? Ano bang nangyari kanina sa kanya? Iniwas nya ang kanyang mukha para maalis ang aking kamay sa kanyang pisngi.

“Ano bang pakealam mo Fryle ha? Bakit this past 4 years napakaconcern mo sa akin ha? Ano bang gusto mo?” galit nyang saad sa akin.

Nagulat naman ako sa sinabi nya, ano bang nagyayari sa kanya?

“Sagutin mo muna ako, bakit mo to ginagawa?” Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko habang sinasabi iyon ayaw kong haluan ang galit nya ng galit ko.

“Gusto ko nang makasama si Carmen. Hindi ko na kaya.” Saad nya sa akin.

Hindi ko napigilan ang sarili kong masampal siya, ano na naman ba ang nasa isip nya at ginagawa nya to ulit akala ko ba ayos na ang lahat pero bakit after 3 years ganito na naman ang nagyayari?

“Akala ko ba may usapan tayong dalawa na hindi mo papatayin ang sarili mo, gagawin ko ang lahat para lang hindi mo patayin ang sarili mo pero ano pa ba ang kulang Rhys ginawa ko na lahat ng gusto mo.” Galit kong saad sa kanya naramdaman ko ang sakit ng ulo ko dahil sa galit at pagkabog ng puso ko.

“Hindi, hindi mo pa nagawa lahat.” Mahinang saad nya sa akin.

“Anong hindi?” nalilitong tanong ko sa kanya.

Ano pa ba ang kulang par amaging buo? Ginawa ko na ang lahat lahat sa kanya pero ano pa rin pa ang kulang?

“Hindi mo binalik sa akin si Carmen.” Saad nya sa akin.

Bigla akong natauhan sa sinabi nya, papaano ko ibabalik ang taong patay na sa mundong to eh hindi naman ako DIyos para gawin yun. At hindi pa ba sapat para sa kanya na gamitin nya ako bilang si Carmen kahit masakit?

“Hindi pa ba sapat na ginamit mo ang katawa ko bilang si Carmen?” naluluha kong saad sa kanya.

“You never be Carmen, everytime I touched you it felt like I was---.” Saad nya sa akin pero napatigil siya nang sampalin ko siya at saka tumulo lahat ng luha ko.

I will never be Carmen but I’m trying to be Carmen, why he can’t see it? Pakiramdam ko nga nakakalimutan ko na nga kung sino nga ba ako, kung sino nga ba si Fryle Amandaris bago ko pa nakilala si Rhys Volcaro. Hindi nya bay un nakikita?

“Alam mo Rhys, akala ko nung una nagbago kana, akala ko nakalimutan mo na si Carmen. Akala mo ba Rhys ikaw lang ang nahihirapan sa ating dalawa? Ako rin Rhys nahihirapan na ako na sa tuwing may mangyayari sa ating dalawa parating si Carmen ang laman ng bibig mo pero tinitiis ko ang sakit na ang taong mahal ko nakakulong pa rin sa nakaraan kung saan patay na yung taong yun. How can I love you if you can’t love yourself Rhys?” umiiyak kong saad sa kanya.

Nakita kong iniangat nya ang kanyang ulo para tingnan ako pero tahimik lamang siya at nakikinig habang patuloy pa rin ang pagagos ng luha ko. I love him but my love for him is too much.

“Alam mo hindi si Carmen ang kailangan mo sa buhay mo kundi ang kilalanin ang sarili mo, mahal kita Rhys pero hindi ko na kaya. Hindi ako robot para hindi mahulog sa iyo Rhys para hindi masaktan at hindi mapagod. Pero Rhys pagod na ako na nakikita kitang puro Carmen na lang ang nasa puso mo hindi ko alam ang gagawin ko para lang naman magkaroon ng puwang jan sa puso mo.” Saad ko sa kanya kasabay ang pagturo ko sa kanyang dibdib, wala lang siyang pakealam sa lahat ng ginagawa ko sa kanya.

Tumayo ako at saka ko pinunasan ang mga luha ko saka ako huminga ng malalim at hinarap siya.

“I resign to be your personal chef and your friend with benefits. And please kalimutan mo na lang na may Fryle Amandaris na dumaan sa buhay mo.” Pagkasabi ko ay biglang nabasag ang boses ko at saka ako umalis ng kwarto nya at kinuha ang bag ko na naiwan sa sala.

Umalis ako ng condo nya, habang nagmamaneho ako ay patuloy pa rin ang pagiyak ko.

Ang sakit marinig mula sa taong mahal mo na lahat ng ginawa mo ay hindi pa enough sa kanya para punan mo ang kanyang sarili.

“Ang tanga tanga mo Fryle.” Iyak kong saad sa sarili ko.

Pagkarating ko ng bahay ay agad akong umakyat ng kwarto ko at dun ko ibinagsak lahat ng sama ng loob ko.

Papaano ko na ibabalik ang dating ako? Na ngayon ay nasanay akong parati ko siyang nakikita, parati kong gustong makita ang nakangiti nyang mukha, paano nga ba si Fryle Amandaris bago nya nakilala si Rhys Volcaro?

The chords of my torchWhere stories live. Discover now