Chapter 4

20 3 1
                                    

Fryle's POV

Dalawang araw na ang nakakalipas simula anng offeran ako ni Rhys ng trarbaho at ngayon daw ako magsisimula sabi nya sa akin kahapon. Mag seseven pa lang ay nandito na ako sa labas ng condo nya at pinipindot ang code ng pinto nya.

Nang bumukas na ang pinto, pagkapasok ko madilim ang buong paligid kaya binnuksan ko ang ilaw saka ako naglakad papuntang bintana at hinawi ang kurtina nang mag kailaw naman. Nakita kong napakagulo naman ng condo nya.

"Ano bang nangyayari sa kanya?" tanong ko sa sarili ko habang isa isang pinupulot ang mga basurang nakakalat sa kanyang unit.

Na pansin kong may basag na bote at may nakita akong may nanuyang dugo rito, ano bang nangyari sa kanya? Nycole never talked about Rhys and his past even their long break even though they were in one industry and they were closed.

Agad kong nilinis ang buong kalat saka ako punta ng kusina para tingnan kong ako ang pwede kong lutuin para sa kanya, pagbukas ko ng refrigerator nya walang kalaman laman kudi puro alak ang nasa loob nito. Binuksan ko ang freezer at may nakita akong karne ng manok, kinuha ko iyon minarinate ko muna ang manok habang nagsasaing ako ng kainin para gawaing rice bowl,habang nagaantay ay gumawa ako ng sauce para sa rice bowl ko at gumawa ako ng coffee. Nang maluto ang kanin ay iprinito ko ang manok. Nang maluto na ang manok ay inilagay ko na sa bowl ang kanin saka ko ipinatong ang manok saka ko inilagay ang sauce sa itaas ng manok. Pagkatapos kong iprepare ang pagkain ay naglagay ako ng kape sa baso.

Nang matapos ko nang iprepare ay dahan dahan akong pumasok sa loob ng kwarto nya, pagkapasok ko ay nakita ko si Rhys na nakahiga sa sahig habang umaagos ang dugo sa kanyang pulso kaya dali dali ko siyang nilapitan at tinapik ang mukha nya pero hindi siya nagigising. Iningnan ko ang pulso nya. Meron pa rin naman mahina, pinakingan o ang tibok ng puso nya. Pumipintig pa naman pero mahina na ang hanyang hininga kaya dali dali akong lubas para kumuha ng first aid pero wala kaya wala akong nagawa kundi kumiha ng damit nya at saka ko pinunit saka ko itinali sa kanyang pulso para hindi na umagos pang muli ang dugo. Dali dali akong tumawag sa emergency para magpadala ng ambulansya rito.

Ano ba ang nangyari sa lalaking to at hiniwa ang kanyang pulso? Maya maya pa ay dumating na ang ambulansya at dali dali nilang kinuha si Rhys saka namin dinala sa hospital. Pagkarating sa ER ay pinalabas ako kaya umupo na lang ako sa waiting shed sa labas habang tinatawagan si Nycole.

"Cous bakit?" sagot ni Nycole sa tawag ko halatang nasa studio siya ngayon dahil sa ingay sa likud ng kanyang boses.

"Si Rhys cous nandito sa hospital nakita ko kanina sa kwarto nya nawalang malay at may hiwa ang kanyang pulso." Balisa kong saad sa kanya.

"Sige sige tatawagan ko sina Von." Saad nya sa akin at saka binababa ang tawag.

Ilang minute pa lang ako nakaupo ay may lumabas na isang doctor at nilapitan ako.

"Kayo po ba ang kasama ng pasyente?" saad ng doctor sa akin kaya agad naman akong napatayo.

"Opo doc kamusta po siya?" tanong ko sa kanya.

Sana ayos lang si Rhys. Bakit nya kaya nagawa iyon? Bakit nya namna naisipang patayin ang sarili nya?

"Kinakailangan siyang saliran ng dugo dahil maraming dugo ang nawala sa kanya buti na lang ho at naagapan kung hindi maari siyang namatay dahil sa pagkakaubos ng dugo sa kanyang katawan." Pagpapaliwanag sa akin ng doctor kaya napatango naman ako sakanya.

"Ganon ho ba sige po salamat po." Saad ko sa kanya.

Tinapik nya ang balikat ko saka ako iniwan. Naglakad ako papasok ng ER nakita ko si Rhys na nakahiga sa at walang malay. May nakita akong isang bag ng dugo na dumadaloy sa kanyang kamay. Lumapit ako at umupo sa gilid nya habang pinagmamasdan ang payapa nyang mukha. Hinawakan ko ang kanyang kamay habang nakatingin rito.

"Bakit mo yun ginawa Rhys?" saad ko sa kanya at namalayan ko na lang na may tumulong luha sa aking mga mata.

"Malapit mo nang ikamatay yun." Saad ko sa kanya.

Napakasakit na makitang mamatay ang idol mo. Yung nasa mismong mga kamay monng binawian siya g buhay buti na lang at naagapan kaagad. Paano na lang kung namatay si Rhys para akong nawalan ng isang pangarap. Alam kong paghanga lang ang meron ako pero masakit din naman iyon.

Napatigil ako sa pagiyak nang may pumasok na nurse at sinabihan akong aasikasuhin ko ang transfer papers ni Rhys, tama tama rin ang pagdating nila Alec kaya sila na ang nagasikaso ng mga papers.

Agad na inilipat si Rhys sa isang VIP room kung saan magpahangang ngayon ay mahimbing pa rin itong natutulog. Umupo kaming lima habang binabantayan si Rhys.

"Fryle salamat ha at naligtas mo ang buhay ni Rhys." Saad ni Dave sa akin habang nakatingin pa rink ay Rhys.

"Wala yun Dave kahit sino naman ang nasa pusisyon nay un tutulong at tututlong ka rin naman." Saad ko sa kanya.

Napabuntong hininga siya habang nakatingin kay Rhys.

"Ilang beses na ito." Saad ni Von kaya napatingin ako sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.

Bumuntong hininga siya at saka ako tiningnan.

"Kada taon binabalak nyang patayin ang sarili nya akala nga namin nagbago na siya pero hindi pala mas malala yung unang taon parang araw araw nya nang gusting patayin ang sarili nya pero naawat namin tapos ngayong taon ang pinakamalala buti na lang at naagapan mo kung hindi malamig na lang na bangkay ng kaibigan namin ang matatagpuan namin." Pagkwekwento nya sa akin.

Naguguluhan ako bakit nya naman yun gagawin? Hindi ba siya Masaya sa buhay nya?

"Bakit nya ginagawa yon?" nalilitong tanong ko sa kanya.

"Gusto nya kasing sumunod kay Carmen na ngayon ang death anniversary." Sagot ni Nycole sa akin.

Sino naman si Carmen at bakit gustong sumunod ni Rhys sa kanya?

"Sino si Carmen?" tanong ko sa kanya.

"Siya ang una at huling baabeng minahal ni Rhys kahit kalian hindi nya pinagpalit yan. 4 years ago namatay si Carmen dhil sa bone cancer 1 week before ng kasal nilang dalawa. Nung araw na iyon gumuho ang buong mundo nya kaya magpahhangang ngayon hindi pa rin siya nakakaget over kay Carmen kaya gabi gabi umiinom siya para makalimutan si Carmen pero kahit ganon hindi pa rin maalis sa kanyang isip at damdamin si Carmen. Desperado na siyang sumunod kay Carmen pero palaging nauudlot." Pagkwekwento sa akin ni Alec.

Napatango naman ako sa mga nalaman ko kaya pala this past few years walang balita kay Rhys at kahit si Carmen hindi kilala ng buong bayan. Kaya pala ang last album nila ay puno ng mga sad songs dahil pala yun kay Carmen ang akala ko trip lang nila iyon. Rhys do really love Carmen isn't he? How I wish there was a man who will love me the way Rhys Volcaro loves Carmen. 

The chords of my torchWhere stories live. Discover now