Chapter 14

4 2 0
                                    

Rhys’ POV

Aalis si Fryle for 8 days at wala akong magagawa kung hindi umorder na lang sa restaurant nila, nandito ako ngayon sa working room ko at nagsusulat ng kanta nang biglang tumawag si Alec sa akin.

“Yo bro bakit?” sagot ko sa kanya kasabay ang pagsandal ko sa upuan ko.

“Bro si manager kasi may kumausap daw sa kanya na nagrerequest kung maari daw ba tayong tumugtog, sabi ko tingnan na lang kung papaya ikaw.” Nagaalalang saad nya sa akin.

A gig? That is new.

“Saan ba yan?” tanong ko sa kanya habang pinapaikot ikot ko ang aking upuan.

“Sa Roxas, Capiz daw bro.” Kabado nyang saad sa akin.

Teka Roxas, Capiz? Diba don pupunta si Fryle?

“Kailan naman?” tanong ko sa kanya.

“Sa 15 daw sa last day ng fiesta nila sa gabi.” Saad ni Alec.

Ano bang festival meron sa Roxas? Akala ko lang simpleng contest lang ag dadaluhan ng babaeng yun pero festival pala, this will be fun meeting again our fans.

“Sure why not.” Masiglang sagot ko sa kanya.

“Seryoso ka?” gulat na tanong ni Alec sa akin.

“Oo naman at matagal tagal na rin ang pagpapahinga natin kaya di naman masama kung dahan dahan tayong babalik hindi ba?” saad ko sa kanya habang hinahawakan ang litrato naming apat na nakaframe sa may desk ko.

“Rhys ikaw na ba yung dating Rhys Volcaro?” biro nyang tanong sa akin, napatawa naman ako ng kaonti sa reaksyon nya sa akin.

“Wala namang nagbago ah, kausapin mo si manager na ang fly ay dahan dahan nang babalik.” Masayang saad ko sa kanya.

“Wohoo that’s my man.” Masayang saad nya kasabay ang pagbaba ng tawag ko.

Wala namang masama kung magcocomback kami hindi ba? At saka pansin ko walang patutunguhan ang pagmumukmok ko rito at alam kong miss na kami ng mga fans naming base pa lang kay Fryle mukhang matagal tagal na nga talaga siguro kaming nananahimik.

Alec’s POV

Napatingin sa akin sina Von sa reaksyon ko sa sinabi sa akin ni Rhys, Masaya akong humarap sa kanila habang naghuhuming sa saya. Tiningna ako ni manager na tila nagaantay ng iaanunsyo ko sa kanya.

“Manager hit that music fest, fly will be going to Capiztahan 2014.” Masiglang saad ko sa kanya.

Gulat lang siyang nakatingin sa akin, I passed thru him and tap his shoulder at the same time give him an assurance smile. I sat beside Von while they were all shocked of what I’ve said a while ago.

“This is new, what’s with Rhys these fast few days.” Priceless said by Dave.

Rhys is acting strange this few days, he came out in his comfort zone and go the market and base on Nycole said he is starting to go out on his room and starting to play instruments again. This fast few years Rhys didn’t go out in his unit not unless we go by there and he never touches his instruments but not.

“Mukhang umuubra na ata ang plano ni Nycole.” Saad ni Von.

I looked at him. Mukha ngag umuubra na ang plano ni Nycole, in the first place I didn’t like the idea on using her cousin to improve Rhys but it seems to be a good idea. Fryle is kind and I can say she has a big similarity on Carmen maybe that is why Nycole used Fryle. I can’t help myself to be concern for her in fact she was our fan and we can’t blame that a fan doesn’t have a little bit feelings for its idol, what if Fryle will fall for Rhys? I will never let it happened, Fryle is too much enough for Rhys.

Fryle’s POV

Andito ako ngayon sa Roxas City’s airport at inaatay ang baklita kong bestfriend, nauna akong umalis ng Manila at susunod lang raw sila tita sa makalawa total sa second day pa naman ang aming contest pero nauna na ako rito para makasama ko si Pau.

“Baklaaaaaaaaaaaa!” may narinig ako isang matinis na tili sa likuran ko kaya agad akong lumingon.

Pagkalingon ko nakita ko ang isang magandang babaeng nakaoantalon at naka blouse na puti habang nakatali ang buhok, tiningnan ko ng maigi ang mga mata at nakilala ko kung kanino iyon.

“Baklaaaaaaa?” sigaw ko pabalik kasabay ang pagtakbo ko ri papunta sa kanya at niyakap siya.

Si Pau nab a talaga ito? Like ang sobrang ganda nya para siyang isang model.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan siya, shems hindi ko siya nakilala nung una.

“Oh my gosh bayot, ikaw na ba yan? Ang sexy mo bayot.” Saad ko sa kanya kasabay ang pagpalo sa pwet nya.

“Gaga ka, konteng retoke lang yan at pills.” Saad ny sa akin at pinalo rin ako sa pwet.

Nagtawanan kaming dalawa, ganito kaming dalawa everytime na nagkakatuwaan kaming dalawa ay pinapalo naming ang mga pwet namin.

“Gaga ka, akala ko kung sinong magandang babae ikaw lang pala dinaig mo pa ako.” Saad ko sa kanya.

Tumawa naman siya sa akin. Nabangit nya ito dati sa akin pero hindi ko naman inaasahang totohanin nya.

“Syempre, oh ano tara na?” masayang saad nya at saka niyaya ako.

Napatango naman ako at saka naming dinala ang mga gamit na dala ko papunta sa kotse nya, habang nasa byahe ay nagkwekwentuhan kaming dalawa sa mga nangyari sa buhay namin. Pagkarating sa bahay nya ay agad kaming pumasok sa loob.

“Bayot kaya naman pala ayaw mong sagutin ang mga tawag ko sa iyo sa skype kasi ganyan na pala ikaw.” Saad ko sa kanya habang inaakyat naming sa itaas na palapag ang mga gamit ko.

“Kaya nga gusto ko makita in personal para surprised.” Saad nya sa akin.

Pagkaakyat naming sa itaas ay agad nya akong iginaya papunta sa kwartong tutuluyan ko, napakalaki ng bahay nya like parang isang buong pamilya na ang kakasya rito at nabangit nya noon na siya lang isa nag nakatira rito, like it was shocking coz he has three big bedrooms.

“Bayot ikaw lang talaga dito?” hindi ko makapaniwalang tanong nung pagkapasok naming sa kwarto.

Agad kaming umupo sa kama dahil sa pagot sa pagakyat ng mga maleta ko.

“Oo, nga ang kulit.” Saad nya kasabay ang paghiga sa kama.

Humiga na rin ako sa tabi nya habang pareho kaming nakatingala sa kisame.

“Hoy bakla salamat ha.” Saad ko sa kanya.

“Gaga may bayad to.” Saad nya sa akin.

Kunot noo akong napatingin sa kanya at ganon din siya. Nung 1st year p lang kaming dalawa akala ko talaga nung una lalaki talaga siya kasi sobrnag gwapo nya at plus pogi points pa yung tangos ng ilong nya, yung mga mata nya na mapupungay at maputi siya mas maputi pa nga ito sa akin eh kaya nagging crush ko siya pero later on naging magkaibigan kaming dalawa, syempre ako dati umasa nab aka magiging jowa ko to pero inamin nya sa akin na bakla pala siya at yun na turn off ako pero ang kapalit nun naging magbestfriends kami siya ang palagi kong kapartner sa mga projects naming at isang dorm lang rin kami nung nagaaral kaming dalawa.

“Ano?” nalilitong tanong ko sa kanya.

“Mamayang gabi.” Saad nya kasabay ang pagkindat.

Kinilabutan ako sa sinabi nya, wag nyang sabihing nagiging tomboy na tong baklang to? Agad ko siyang tinapunan ng unan sa mukha.

“Gaga hindi tayo talo.” Sigaw ko sa kanya.

“Gaga ka rin, samahan mo ako mag bar bobita to akala ko pa naman hindi marumi yang utak mo.” Maarte nyang saad sa akin kasabay ang pagpitik sa nook o.

Napatawa naman ako sa sinabi nya habang hawak hawak ko ang noo ko. Tumayo siya mula sa pagkakahiga nya habang ako ay nakatingala lang sa ibabaw.

“Nga pala maiwan muna kita ha, magpahinga ka muna babalik lang ako sa resto. Kung nagugutom ka edi magluto ka dzah naturingang chef di marunong magluto.” Maarteng bilin nya sa akin.

Binangon ko ang ulo ko para Makita siya, nang makita kong nakaharap nya sa akin ay dinilaan ko siya.

“Che.” Saad ko pagkatapos kong dilaan siya at saka ko siya inirapan at inihiga mula ang aking ulo sa higaan.
Tumawa lang siya sa ginawa ko at naramdama ko ang pagkili nya sa aking tuhod kaya napabalikwas ako mula sa pagkakahiga ko. Nang makuha nya na ang satisfaction nya ay inayos nya ang kanyang sarili.

“Babushh.” Maarteng saad nya sa akin kasabay ang pagagalaw ng kanyang mga daliri.

Tumango lang ako bilang tugon sa kanya at tiningnan hangang sa makalabas siya ng kwarto. Nang makalabas na siya sa kwarto ay mula akong humiga sa kama at namalayan ko na lang na dahan dahan akong nawawalan ng ulirat.

The chords of my torchWhere stories live. Discover now