Chapter 7

9 3 2
                                    

Fryle’s POV

Ilang linggo na rin simula nang lumabas ng kwarto si Rhys at masigla na rin, lagi siyang nasa kwarto kung nasaan ang kanyang mga instruments.

“Oh Fryle anong iniisip mo?” tanong ni tita habang gumagawa ako ng desert.

“Ah wala po tita.” Sagot ko sa kanya habang dahan dahang inilalagay ang design ng desert ko.

“Nga pala mag catering tayo sa sabado.” Saad ni tita sa akin.

Napatayo ako mula sa pagkakaduko ko saka ko ibinigay ang plato sa waiter namin para iserve na.

“Sige po tita bigay mo lang po ang mga lulutuin.” Saad ko sa kanaya habang tinatangal ang apron ko at ang hairnet ko.

“Kunin mo jan sa board ang listahan.” Saad ni tita habang nagdedesign ng plating nya.

Naglakad ako papunta sa board at tiningnan kung saad sa mga papers na nakapin doon ang nakabook for Saturday nung nakita ko na ay agad ko itong kinuha mula sa pagkakasabit.

“Sige tita pupunta muna ako don kay Rhys.” Paalam ko sa kanya habang bitbit ang listahan.

“Ingat sa daan.” Paalala nya sa akin bago ako lumabas ng kusina.

“Opo.” Saad ko sa kanya kasabay ang paglabas ng kusina.

Naglakad ako palabas ng restaurant, tiningnan ko ang listahan ng lulutuin namin for Saturday habang naglalakad papunta ng kotse ko ng may bigla akong nakabanga.

“Sorry sir.” Saad ko sa kanya.

“No it’s ok.” Nakangiting saad nya sa akin, napatango lang ako habang nagpatuloy ito sa paglalakad.

Nanag makasakay na ako sa kotse ay nagdrive na ako papunta ng condo unit nya. Mukhang malaking event ang meron sa Saturday ah kasi sampung putahe at limang deserts ang kinakailangag gawain.

Pagkarating ko sa condo unit nya ay agad akong pumasok, nagulat ako nang pagpasok ko ay may hawak siyang kutsilyo at akmang sasaksakin nya na ang kanyang sarili kaya dali dali akong tumakbo para pigilan siya.

“Rhys ano bang ginagawa mo?” Tanong ko sa kanya habang pinipigilan ang kanyang kamay.

Nagpupumiglas siya pero buong pwerso ko siyang pinigilan kahit masakit sa kamay ang pagpisil sa kanya.

“Ayaw ko nang mabuhay.” Pagwawala nyang saad habang patuloy ko siyang pinipigilan.

“Bakit ba ayaw mo nang mabuhay, dahil ba kay Carmen?” tanong ko sa kanya.

Bigla siyang napatigil nang marinigg nya ang pangalan ni Carmen, blanko lang ang kanyang mukha. Hindi ko mabasa ang kanyang iniisip.

“Kung ako si Carmen ayaw kong nakikita kang nagkakaganito.” Malumaany kong saad sa kanya.

Napatingin siya sa akin at biglang umiba ang kanyang mukha. Nakita ko sa mga mata nya ang galit kasabay nun ang pag tulak nya sa akin ng malakas kaya natumba ako.

“You don’t know anything about Carmen.”  Galit nyag saad sa akin.

Akma nya na sanang sasaksakin ang kanyang sarili nang dali dali akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

“Wala nga akong alam tungkol kay Carmen pero isa lang ang alam ko maraming taong nagmamahal sa iyo. Sina Alec, Nycole, Von, Dave, ang pamilya mo at mga fans na niligtas nyo dahil sa mga kanta nyo katulad ko. Kaya Rhys bitiwan mo na please.” Umiiyak kong saad sa kanya habang yakap ko siya.

Naramdaman kong napatigil siya sa ginawa ko. Alam kong galit siya tuwing lumalapit ako sa kanya ng ganito ka lapit pero wala na akong magagawa para lang tumigil siya. Maski ako aaminin kong hindi man kami gaanong kaclosed katulad nila Alec pero unti unti ko na ring naiintindihan ang sitwasyon nya at araw araw na nakakasama ko siya rito sa condo nya ay gusto kong makita siyang nakangiti at hindi sa ganitong sitwasyon. Ayaw ko pa siyang mamatay, hindi dahil gusto ko pang makinig sa mga kanta nya kundi gusto kong makita nya ang ganda ng mundo at gusto kong ibalik sa kanya ang mga inspirasyon na binigay ng banda nila sa aming mga fans nila dahil s kanilang mga kanta. Gusto kong sagipin si Rhys sa mundo kung saan nakakulong siya pagkakawalay kay Carmen katulad nang ginawa nila sa akin nung panahong iniwan ako ni John, tanging ang kanta lang nila ang inspirasyon ko. Narinig kong tinapon nya ang kutsilyong hawak nya kung kayat humiwalay ako sa pagkakaaakap ko sa kanya.

“Thank you.” Saad ko sa kanya.

Nakita kong tumayo siya habang nakaduko ang kanyang ulo.

“Don’t get near on my room.” Walang emosyon nyang saad sa akin habang naglalakad papasok sa kanyang kwarto.

Pagkapasok nya ay agad akong napapunas sa aking mga luha kasabay ang pagpulot ko ng kutsilyo saka tumayo at naglakad papunta sa kusina.

Wala nga akog alam sa nangyari sa kanilang dalawa ni Carmen, wala nga akong alam kung gaano kamahal ni Rhys si Carmen para sa loob ng apat na taon ay hindi pa nya pa nakakalimutan si Carmen.

Rhys’ POV
“Mahal ko.” Masayang haplos ni Carmen sa aking pisngi.

Hinalikan ko ang kanyang kamay kasabay ang pagyakap ko sa kanya. Sa wakas magkasama na kami ni Carmen rito sa langit. Kahit kailan hindi pa rin kumukupas ang kanyang ganda ang kanyang maalong itim na buhok, ang kanyang matamis na ngiti na bumibigay ng liwanag sa aking buhay ay kailan man hindi napapawi. Humiwalay ako sa pagkakayakap namin at hinawakan ang kanyang kamay.

“Carmen, mahal sa wakas magkasama na tayo.” Masayang saad ko sa kanya.

Malungkot lang siyang ngumiti sa akin, naguguluhan ako kung bakit ganin may itatanong pa sana ako nang mapansin kong bigla na lang siyang naglaho at naiwan ako sa puting paligid.

Nagising ako, panaginip lang pala ang lahat ng iyon? Naaupo ako mula sa pagkakahiga ko habang nakahilamos ang aking mgakamay sa aking mukha.

“Carmen.” Umiiyak kong saad sa aking sarili.

Habang umiiyak ako nakaisip ako ng paraan na makakasama ko na si Carmen kaya lumabas ako ng kwarto ko at kumuha ng kutsilyo.

“Carmen papunta na ako antayin mo ako mahal, magsasama na tayong dalawa.” Nakangiting umiiyak kong saad.

Nang sasaksakin ko na ang sarili ko may biglang pumigil sa aking kamay at nakita ko si Fryle na pinipilit tangalin ang kustsilyong habawak ko sa aking kamay. Ano bang problema nitong babaeng to at bakit ako pinipigilan. Hindi nya ba nakikitang pupuntahan ko si Carmen?

Nagpupumiglas ako sa kanya napatigil ako nang marinig ko ang pangalan ni Carmen. Hindi ko alam kung bakit ako napatigil nanaag marinig ko ang pangalan ni Carmen.

“Kung ako si Carmen ayaw kong nakikita kang nagkakaganito.” Saad nya sa akin.

Napatingin ako sa kanya, nainis ako nang marinig ko yun. Wala siyang karapatang magsaliat kung ano ang gusto ni Carmen dahil unang una hindi nya kilala si Carmen at wala siyang alam sa pinagdadaanan ko kaya wala siyang pakealam at karapatang magsalita ng ganon.

“You don’t know anything about Carmen.”   Galit kong saad sa kanya kasabay ang pagtulak ko sa kanya.

Akmang sasaksakin ko na ang sarili ko nang bigla nya akong yakapin. Alam kong maysinasabi siya pero hindi ko marinig yun tara akong bingi. Ang tanging tumatak lang sa utak ko ay ang pagkakaakap nya sa akin pakiramdam ko si Carmen ang yumayakap sa akin habang umiiyak siya.

Naalala ko ang mga panahong namatay sina mama at papa week after ng graduation name sa collage si Carmen lang ang dumamay sa akin, lagi nya akong niyayakap tuwing gusto kong magpakamatay dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa pagkamatay nila mama. Tuwing naiisip kong magpakamatay lagi nya akong niyayakap habang umiiyak na sinasabing nariyan pa siya, papaano na lang kung mawala ako papaano na lang siya. Si Carmen lang ang babaeng bumago sa buhay ko at nagbigay ng liwanag sa buhay ko nung nawala sila mama. Pero ngayon maging siya nawala na rin papaano na lang ako. Lahat ng taong importante sa akin ay patay na ano pang kahulugan ng buhay ko?

The chords of my torchWhere stories live. Discover now