Chapter 25

5 2 0
                                    

Fryle's POV

Pag kapasok ko ng bahay ay agad akong naligo at nagluto ng makakain ko. Habang kumakain ay pilipilit kong alalahanin ang mga nangyari kagabi. Napatigil na ako sa pagkain at ibinagsak ang tinidor na hawak ko at napahilamos sa aking mukha.

"Bakit wala akong maalala?" gigil kong saad.

Napatigil ako nang biglang bumukas ang pinto kaya inayos ko ang sarili ko baka mamaya makahalata si tita sa akin. Malaki na rin ang naging abala ko sa kanya simula nung nagkulong ako sa loob ng kwarto ko.

"Oh nanjan kana pala saan ba kayo nagpunta ni Nycole kagabi?" masayang saad nya sa akin habang nasa sala at may kinukuhang gamit.

So hindi alam ni tita na nagkahiwalay kaming dalawa ni Nycole kagabi. Nga pala asan kaya yung pinsan kong yun?

"Ah don po sa condo nya po tita." Pagsisinungaling ko sa kanya.

Nakita kong napatango si tita kasabay ang pagtingin sa dereksyon ko.

"Ganon ba, oh sige may dinaanan lang ako rito." Saad nya sa akin kasabay ang pag alis nya ng bahay.

Kaya dali dali kong kinapa ang cellphone ko pero wala iyon.

"Naku saan ko kaya yun naiwan?" bulong ko sa sarili ko.

Wala na lang akong nagawa kundi gamitin ang telecom, buti na lang nandon sa phone book ang number ni Nycole kaya dali dali kong hinanap sa phone book ang number nya at tinawagan siya.

"Yes, hello. Nycole Amandaris speaking." Sagot nya sa tawag ko.

Buti na lang at hindi nya sinabi kay tita na nagkahiwalay kami kung hindi lagot talaga akong babaeng ako.

"Nyc, si Fryle to." Saad ko sa kanya.

"Babae saan kaba? Kagabi ka pa namin hinahanap ni Alec." Saad nya na may relief.

Teka sila ni Alec? Ano bang meron sila ni Alec napapansin ko lang parati silang magkasama at laging nababangit ni Nycole ang pangalan nya. Anyways, siguro nga magkaibigan lang sila kaya ganon.

"Nandito na ako sa bahay." Saad ko sa kanya and I heard her sigh.

"O, sige pupunta kami jan." Saad nya kasabay ang pagbaba ng tawag.

Ibinaba ko na rin ang telepono saka ako pumunta ng kusina para ipaghanda ng pagkain sina Nycole at ilang minuto pa ay dumating na nga sila. Dere deretso lang na pumasok sina Nycole ng bahay dahil alam nya naman kung saan nakalagay ang susi eh. Pagkapasok naming ay agad akong niyakap ni Nycole ng mahigpit.

"Teka nagluluto ako." Saad ko sa kanya.

Humiwalay naman siya sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako, nakita ko ang pagaalala sa kanyang mukha kaya napangiti lang ako sa kanya at saka bumalik sa pagluluto.

"Saan ka ba nagpunta?" saad nya sa akin na may pagtaatmpo kasabay ang paghampas sa akin.

"Sandali lang tatapusin ko lang to at maguusap tayo. Umupo muna kayo ni Alec sa sala." Saad ko sa kanya.

Narinig ko naman na naglakad siya papuntang sala, nang maluto ko na ang onion rings at sandwich na ginawa ko ay agad kong inihain sa sala na tinulungan naman ako ni Alec na dalahin iyon papuntang sala.

Nang mailapag na naming dalawa ni Alec nag mga pagkain ay umupo kaming dalawa ni Nycole sa sofa habang inaantay na magsalita ako paero tiningnan ko lang si Alec na kumakain at saka nilingon ni Nycole si Alec.

"What? I can't resist it." Saad nya kasabay ang pagtingin sa amin habang napatigil siya sa pagkain.

"Can you go to the balcony?" utos ni Nycole sa kanya.

The chords of my torchWhere stories live. Discover now