Before I Remember Chapter 10 : A New Old Friend

3 0 0
                                    

Third Person's POV

Kumalma ang mga bisita sa Takipsilim matapos magsalita ni Sylvia, ang may Ari ng Takipsilim at Ina ni Dane

Pagkababa ni Sylvia sa mistulang entablado ay Agad naman siyang sinalubong ng matalik na kaibigan ng kanyang anak upang magbahagi ng Hindi magandang balita.

"Tita, Hindi ko po nakita si Dane at may masama po akong news." sambit ni Lori

"Ano yun Lori?" paguusisa naman ni Sylvia

"Tita! " tinawag ni Lori ang Nanay Ni Dianne

"Balae, hindi ko rin makita si Dianne, malamang magkasama sila ni Dane, Diyos ko po, pasensya ka na uli Balae" pagwiwika ng ina ni Dianne na halata sa mukha ang pagiging malungkot

"Ano ka ba Balae, wala namang assurance na magkasama silang dalawa and tulad ng sabi ko dati, it's not your fault, it was an accident and maybe coincidence lang na pareho silang nawawala" pagpapakalma ni Sylvia sa Ina ni Dianne

Bigla namang may sumingit sa kanilang paguusap.

"Tita Sylvia, ahuh ahuh (napaubo sa sobrang hingal) T-Tita" hingal na pagsasalita ni Aj

"Ano Aj? Relax lang" wika ni Lori

"Hindi po namin nakita si Dane" sabi ni Aj habang nasa likod niya si Manong

"Baka nagtanan na yong dalawa hahahahaha" paghagalpak ni Sylvia na sinabayan ng pagtawa ng Nanay Ni Dianne

'Parang di nawawala anak nito ah' sa isip ni Lori

"Tita, 7:30(pm) na po" pagpapaalala ni Aj

Habang silay naguusap, isang lalaki ang lumapit sa kanila.

"Hinahanap niyo po si Dane?, Kasama ko pa siya kanina eh." wika ni Christian, anak ng isang empleyado ng Takipsilim na kaibigan naman ni Dane.

"Tantan!" pagtawag nina Aj at Lori

"Na saan na siya ngyon?" wika ng nagaalala ina ni Dane

"Ganito po kasi yan!" sabi ni Christian.

_______________________________________________
Christian's Flashback

[Insert nagmamadaling boses]

Habang nasa tindahan po ako, nagaayos ako noong mga pinaparentahang salbabida tapos nakita ko po si Dane kaya po tumakbo po ako palapit sa kanya kasi syempre namiss ko yung tropa ko na yon

Habang papalapit po ako sa kanya sinisigawan ko na siya.
"Dandan! Dandan! Dandan!"

Nagtaka po ako kasi di niya ako pinapansin
Kaya agad po akong tumakbo palapit sa kanya.

"Hoi Dan! Anong problema mo, hahaha di to nammansin, na-ospital ka lang ganyan ka na" sabi ko po sa kanya.

Tapos nagsalita na po siya,

"Ako po ang kausap niyo?"

Nagtataka po ako kasi prang hindi niya ako kilala.

"Joke ba to?"

Npansin ko din po yung benda niya sa ulo.

"Pasensya na po kayo kasi nagka amnesia daw po kasi ako"

"Seryoso?"

"Opo eh, malala po pagkakahampas sa ulo ko(sabay turo s ulo niya)"

"Ahh okay ka na ba?Naku naman, ako nga pala si Christian, Tantan ang palayaw ko, anak ako ni Mang Roland, empleyado nyo dito sa resort. Ako naman namamasukan dito kapag sabado at linggo at kapag walang pasok. Kaibigan mo ko Dandan" sabi ko po sa kanya

Tapos medyo tinour ko po siya dito sa Takipsilim. Kinuha ko po siya ng shades at sumbrelong mluwag para di po siya masyadong mainitan.

Pagkatapos po sabi niya

"Diba may mga isla dito?"

"Ah eh , syempre nasa Philippines ka eh hahahaha" sagot ko po

"Di naman masyadong isla dito hahahaha pero meron di lang ganoon ka dami, medyo magulo ba ako magsalita, pasensya ka na ha .. mabilis lang kasi ako magsalita eh" sabi ko po sa kanya

"Pwede mo ba akong sama-" sabi niya po pero bigla po akong tinawag ni papa

"Hoy! Christian ! May magrerenta!" Sigaw po ni papa kaya tumakbo po ako.

"Una na ako Dan dan" sabi ko po

Tapos inasikaso ko po yung customer, nakita ko po siya kausap si Mang Nanding.

Sumi-R po muna ako kasi Cr na cr na ako, pagkabalik ko po medyo nadag-im [paulan na/ madilim na ang langit] na saka di ko na po nakita si Dane.

End of Christian' s Flashback

"At si Mang Nanding . Baka Kasama niya si Mang Nanding. " pahabol ni Christian

Hinanap nila si Mang Nanding at nang makita nila ito agad nila itong kinausap,

"Mang Nanding nasaan na si Dane?" Paguusisa ni Sylvia

"Ah Maam nandun po siya sa kubo"

"Ha? Bakit hinayaan mo siya doon!"

"Maam pasensya na po, nagpumilit po kasi siya, gusto niya daw pong mapagisa"

"Yung anak ko, si Dianne nakita mo ba?" Tanong ng ina ni Dianne

" Ah eh" sagot ni Mang Nanding

" Nagpedal boat po siya sabi ni Papa" sabi ni Christian dahil ang papa niya ay sa pedal boat nagpaparenta.

"Asan na ba kasi kayo!?" Malakas na sigaw ni Aj na kinatahamik ng lahat

Chapter's End

Yow ! Kapag may ganito [] explanation lang yun nung word hehehe baka kasi di niyo alam ung ibang word hehehehe

Example:

"Pagkabalik ko po medyo nadag-im [paulan na/ madilim na ang langit] na saka di ko na po nakita si Dane. "

Hehehe Love you reader/s!

Before I RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon