Chapter 6

82 0 0
                                    

@HOTEL

GABE'S POV

"Gabe" sigaw nung babae sakin. sino kaya yun?

"Gabe Iha, long time no see! namiss kita!" sabay beso sakin.

"Tita Rica? long time no see din po.." nagtataka kong tanong. Bat nandito yung mommy ni Seph?

"you're already a woman! dati baby ka lang " nakangiting sabi nito. halos 5 years ko na rin kasi hinde nakikita si tita. Kung uuwi siya dito sa pinas palagi akong busy o kaya may sakit.

"Ah oo nga po eh, pero tita bat po kayo nandito? are you with my parents?" miss ko na kasi si daddy. :(

"Ayy, iha hindi eh. I'm here para ayusin ang bago kong business dito sa pinas. Saka aayusin ko na rin kasal ni Seph."

"PO?! kasal?? ikakasal na po si Seph?" nyeta hinde to sinasabi ni Seph ah..

"Oo iha, wag ka magalala hinde ito alam ni Seph kaya wag ka magsasabi sa kanya." bulong sakin ni Tita

"kanino po siya ikakasal?" syet ikakasal ni ang pinakamamahal kung bestfriend :"""(

"Uhmmm kaya pala kita pinatawag dito dahil doon, halika Iha let's go out for a coffee." 

Hinde ko alam kung bakit ako kakausapin ng mommy ni Seph. Wala naman akong kinalaman sa kasal na magaganap. Niyaya ako ni tita magcoffee para mapagusapan namin ito ng mabuti.

@ Cafe

"Gabe Iha, mocha frappe right?" 

"Ahh, chocolate chip po tita!"

"ganun ba? dati ito ang favorite mo di ba?" 

"Opo, kaso mas masarap po ang chocolate chip saka recently po palagi po akong binibili ni Seph nun eh" simula ng umalis sila tita pinilit akong uminom ni Seph ng cholate chip na flavor sa starbucks sabi niya kung ano daw ang gusto niya ay gusto ko dapat.

"talaga! that's great!" sabay ngiti nito.

"great? anu pong great doon?" tanong ko.

sabay dating na ng order namin at umupo na kami sa isang table sa gilid ng cafe.

"Iha, kaya kita pinatawag kasi gusto kitang kausapin tungkol sa kasal ni Seph." ako bakit ako?

"po? bakit po ako pwede naman pong si Seph eh." may mali dito ahhh

"ikaw kasi ang bride ni Seph."

"PO? BRIDE? SO, KASAL NAMIN NI SEPH ANG PINAGUUSAPAN PO DITO??" ako ang bride?

"oo Iha, pinagusapan na namin ito ng parents mo at payag naman daw sila." masayang sabi nito. "saka perfect ka para kay Seph" dagdag pa nito.

"pero tita hinde po papayag si Seph ng ganyan. saka nagaaral pa po ako, studies po muna ang priority ko." saka may mahal si Seph na iba.

"Oo Iha, alam namin yun. ayaw rin pumayag ng daddy mo na ipakasal ka na ngayon. kaya napagkasunduan namin na ikasal kayo kapag  kagraduate nyo ng college." sabi ko na may binabalak sila mommy eh. recently kasi tinatanung niya kung may crush daw ako o kung ready na daw ako magpakasal.

"Tita, sorry pero hinde po ako makakapayag na kayo ang nagdedesisyon para sa aming dalawa ni Seph."

"Bakit Iha? hinde mo ba gusto ang anak ko? perfect kayo para sa isa't isa." 

"Pero tita bestfriends po kami saka hinde po papayag si Seph may mahal po siyang iba." tita kung alam mo lang gustong gusto ko si Seph. Mahal ko na nga siya eh kaso may salitang nagtutulak sakin para iwasan ito. ang salitang BESTFRIENDS.

Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon