Chapter 7 part 2

59 0 0
                                    

2 Hours din siguro ang drinive ni Seph at saka kami nakarating doon. Nakatulog kasi ako eh kaya medyo babagal bagal ako bumaba ng kotse.

May sumalubong samin at laking gulat ko ito ng bigla niya akong kinamayan.

"HI! Ikaw ba si Gabe? Hi! ako nga pala si Gary! nice to meet you!" bati nito sakin. pababa pa naman ako ng kotse kaya na tapilok ako at buti na lang nasalo niya ako. 

"Oh? ok ka lang ba? ingat ka mabato dito eh." sabi nito sakin.

"Hah? ah oo alam ko matagal na akong napunta dito. Ahhh Gabe pala." sabay abot ng kamay ko. Pogi itong lalaki na to matangkad pero kayumanggi yung kulay niya pero gwapo talga siya.

"HAHAHA! shunga mo naman Gabe! easy lang makakapasok ka rin sa bahay! " pangaalaska ni Seph. natapilok na nga eh >.<

"Muka mo! di mo man lang ako tulungan!" sabay nakaalis na pala si Seph? kahiya .

''Ah . hinde mo ako siguro kilala no? ako yung anak ni Mang Carlito. si Gardo pero iniba ko yung pangalan ko, Gary na nakakayamot kasi yung Gardo eh.." sabi nung lalaki. Gardo? uhmmm..... Ahhh! yung batang hinde nakikipaglaro samin ni Seph! yung inaasar ni Seph na taga bundok.

"Uy! ikaw na pala yan! hahaha mukhang taga bundok ka parin ahhh! " pangaasar ko kay Gardo ay! este Gary pala. Sabagay dyahe ang Gardo .

"Hoy! Gabe! pasok na lamunin pa kayo ng lamok dyan eh!" sigaw ni Seph

Pumasok na kami ni Gary sa loob ng rest house este mansion pala nila Seph. Ang ganda parin nito modern at nakakarelax yung bahay. Medyo malaki ang rest house nila Seph basta malaki talaga. May beach dito saka nanadito rin yung hacienda nila. Namiss ko na yung simoy ng hangin at yung alaga kong kabayo na si JOSEPH. Nakakatawa kasi joseph pinangalan ko dito dahil kaugali nito si Seph na masungit pero mapagmahal.

Dati nung naghorseback riding kami last last year.

*FLASHBACK*

"Hoy tara Gabe! ang tumal mo naman eh! try mo bilisan" sabi ni Seph.

"Saglit lang! ayaw kasi umandar nitong kabayo na to eh!" bwiset na kabayo kasi kahit anung palo ko steady parin ito puro away lang nadadatnan ko dito eh!

"Tss ang sabihin mo hinde ka marunong!" pangaalaska ni Seph

"Hoy! FYI! nagcompetition ako sa horseback riding at nagchampion ako!" 

"Dami mong salita dyan baka nagchampion sa kulelat! HAHAHAHA "

Sa sobrang inis ko pinalo ko ng malakas ang kabayo pero imbes na tumakbo ito humiga ito at hinulog ako sa damuhan. Bigla namang bumababa si Seph at tinanong ako.

"Ok ka lang?" habang natawa ng mahina. 

"Muka ba akong ok? OUCH! mukhang nabalian ako ng buto Seph." sabi ko kay Seph. Umiyak ako dahil sobrang sakit talga.

"OY! wag ka umiyak tatawagin ko si Mang Carlito...uhmm.. t-teka!" sigaw nito.... pero biglang lumapit yung kabayo at tumabi sakin at diniladilaan at hinalikhalikan yung paa ko para bang pinapagaling ako. Nag alala pati ang kabayo sakin. Aw

Lumapit si Seph dahil nakita niya ito.

"Oh? anung gingawa niyan? inaamo ka pagkatapos ka ihulog?" tanong nito

"OO! hahahaha parang ikaw lang! aasarin mo ko tapos concern karin sa huli kapag may nangyari." nakangisi kong sabi.

Sabay dating ni Mang Carlito.

Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon