Chapter 14 - part 2

45 0 2
                                    

2nd part , next part chap. 15 .

vote and comment guys :)

-KA<3

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AUSTINE'S POV

Papasok na ako ng bahay nila Jude ng biglang may kumakawaykaway na babae.

"Tine! Na-miss kita" bungad nito at yumakap pa sakin.

"Oy pare!" bungad ni Jake habang nagyoyosi. 

"Di mo parin tinitigil yan pre?" ngumisi na lang si Jake. Sa aming apat kasi sya lang ang nagyoyosi, akala ko napatigil na siya ni Yumi. Si Yumi ang girlfriend ni Jake.

"Uy! dyan ka na pala pre. France, nakadikit ka nanaman agad kay Austine." sabi ni Jude habang nagtetext.

"Bat ba ah? uhmmm Tine, prom namin bukas sa school. Pwede daw magsama ng lalake na outsider, so can you go with me? pleaseee" nagpacute pa sakin si France. Si France ay kapatid ni Jude, halos parang magkapatid na kami. Simula elementary ay kasama ko na sila Jude kaya pati tong si France ay madalas na kasama namin pag naglalaro.

"Naku! Wag ka papayag dyan Tine. Isasama ka lang niyan dun para di siya mukhang kawawa dun sa mga kaibigan niyan." sabat ni Roi

"Epal ka din eh no!" sigaw ni France habang nakahawak sa braso ko. 

"Tara na, nagluto si mommy para sayo. Kaya kumain na tayo." aya ni Jude. 

Pumasok na kami sa loob ng bahay nila Jude. Same old house parin, malaki rin ang bahay nila Jude kayang kaya niyong magtaguan sa laki nito.

"Iho! Namiss kita!" sabay yakap ni tita. di naman nila ako masyado namiss :)))

"Namiss din kita tita, lalo na yung mga luto niyo." sagot ko, mukhang excited si tita na makita ako at parang may birthday eh.

"Pinaghanda kita Iho, naku binatang binata ka na... you look so handsome." kulit ng nanay ni Jude, paborito kasi ako nito eh. :)

"Ma! Pakainin mo naman si Tine, sa sobrang pagkaexcited mo dyan di yan makakakain." pangungulit ni Jude.

"Ay naku naman, sige na nga. Tara na Iho, sa may pool side tayo kakain." aya ni tita. sumunod na ako at umupo sa may tabi ni Jake.

"Kamusta pre? kamusta si Gabe?" sabay abot ng kanin ni Jake.

"Okay lang naman kami, di ka pa ba nakakmove-on sa kapatid ko?" natawa na lang ako, patay na patay kasi dati si Jake kay Gabe nung 4th yr. Highschool kami eh.

"Gago ka, kinakamusta ko lang naman." sagot nito binatukan pa ako.

"Makabatok pre, hahaha. Kayo ni Yumi kamusta?" biglang sumeryoso yung mukha ni Jake.

"Eto isang linggo na rin kaming hinde nagkikita, nagaway kami eh." napakamot na lang siya ng ulo.

"Going strong pre ah, di pa ba natatauhan si Yumi? HAHAHA" pangasar ko

"Tang*na mo pre." sabay subo ng pagkain ni Jake.

"Uy kumain ka na, marami-rami ring shots ang ishoshot mo.'' sabat ni Roi.

Ang tagal din naming nagkwentuhan sa table, dami ko palang namiss. Akalain mo yun, nakapagengineering din si Roi. Halos ikamatay niya dati yung pagiyak dahil hinde siya makapagengineering. 

Pumunta ako sa kotse ko pagkatapos ko makipagkwentuhan sa mommy ni Jude.

"Hello? Gabe?" tinawagan ko si Gabe.

"Oh? bakit?" mahinang sagot nito

"Are you sleeping already?"

"Yeah, baket? Nasaan ka ba?" sagot ni Gabe

"Nandito ako kila Jude, baka gabihin ako."

"Ahh, okay. Pakikamusta na lang ako sa kanila."

"You gonna be alright?" baka kasi umiiyak parin siya.

"I'm gonna be fine, don't worry. Just enjoy okay? Pasalubong na lang kuya."

"Ok, see you later. I love you."

"I love you too kuya, bye. Ingat ka later ." sabay baba ng phone nito sakin.

"Oh, sino yun?" tanong ni Jake habang nagyoyosi nanaman.

"Ah, si Gabe. Kinakamusta ko lang, dun ako nakatira sa condo niya eh."

"Totoo pala yun, break na kayo nung Amber ba yun?" tanong ni Roi

"Oo, hahaha isang buwan na rin." sagot ko.

"Yun naman pala eh tara, dun tayo sa club namin! Inuman na to." aya ni Jude, sumakay na sila Roi at Jake sa kotse ni Jude.

"Jude, di ako masyadong iinom ah. Walang kasama si Gabe." pangangatwiran ko pero ang totoo tinatamad lang talaga ako.

"Dakilang kapatid lang? ahahahha sige sige. Pero wag masyado KJ ah." sabay sumakay na ng kotse niya si Jude.

Sumunod naman ako at nagkita kita kami dun sa club nila Jude. Dami ring nagbabar ngayon ah.

"Ihahanap ka natin dito pre. Sayang naman kapogian mo " pagbibiro ni Jude.

Pumasok na kaming apat sa club, daming mga babae. Doon kami napadpad sa V.I.P room ng bar nila Jude. Pagpasok namin may tatlong babae na agad. Yung isa, dikit ng dikit kay Roi. Yung isa naman inakbayan na agad ni Jake, bilis ng mga damoves. Tong' isang babae humahalik halik na sakin eh. Tumayo muna ako at nagsabing magc-cr. Bumababa ako para kumuha ng tubig, paakyat na ako ng biglang may humatak sakin.

"Wag kang liingon pabalik please? Just dance with me first." sabi ng babae, amoy alak siya. pero sexy.

"Ahmm, miss i'm sorry but my friends are waiting for me upstairs." sabay bitaw ko sa babae.

"I don't care, just go with the flow." then she kissed me in the lips.

"What the hell?" then tinulak ko siya.

"What the hell? you must be thankful that I kissed you, You're lucky." she looked straight to my eyes. I know her she's "YOU!" "YOU!" sabay naming nasabi.

"Kirt?!" wow? she looks soooo uhmm. hot?

"Austine?! Sorry! I didn't mean to...uhmmm.." tumakbo na lang to bigla.

Naguluhan ako dun ah, dito rin pala nagcluclubbing yun? Akala ko nong una kung sinong babae lang eh. Ano bang ginagawa niya?

"Bro, tara sa taas. May bagong girl sexy maganda at magaling daw." sigaw ni Jude sakin, lakas kasi ng sounds eh.

"Pre, kailangan ko na umuwi eh. Tumawag si Gabe importante. Next time na lang treat ko na." sagot ko kay Jude.

"Sige na nga, magtext ka ah! Ingat pre." tinapik na lang ako nito at umakyat na

Umuwi na ako at paguwi ko ay sinalubong ako ni Gabe.

"Kuya, tamang tama lang ang dating mo." habang naiyak siya.

"Baket? anong nangyari sayo?" iyak ng iyak si Gabe.

"Si daddy, sinugod sa ospital..." then humagulgol siya.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Bitin, okay baka ma move yung awaited part but I'll try my best na ikwento lahat sa 15 okay?

vote and comment guys!

-KA<3

Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon