Chapter 7 part 1

63 0 0
                                    

Meron pong 2 parts ang chapter 7! Thank you guys love y'all!    -KA<3       

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------                      

GABE'S POV

Simula nung kausapin ako ni tita about don sa kasal namin ni Seph. Hinde na ako tumigil sa pagiisip kung anung gagawin ko. kung bawiin ko ang sinabi ko at pumayag kaya ako? hinde ba advantage ko na ito? ikakasal ako sa mahal ko? pero sumagi rin sa isipan ko na hinde magiging masaya si Seph at masasaktan lang ako. Eh magkainjury pa nga lang ni Seph minsan nagaalala na ako at nasasaktan pano pa kaya ang makita siyang hinde masaya sa piling ko?                  

Simula nung pumunta si Seph para kausapin ako hinde na siya bumalik. Hinde na rin kami naguusap, halos 2 weeks na rin. Iniwasan ko siya, ayokong kwestyunin niya pa ako. Ayokong magexplain kung bakit nagkakaganito ako. Gusto ko siya ang magdesisyon tungkol sa kasal. Alam ko namang hinde siya papayag dahil kay Kirt. Grabe rin kasi yung tama ni Seph dun sa Kirt na yun eh...            

 Todo effort siya sa babaeng yun. Simula nung high school kami gusto na niya si Kirt. Taga ibang school kasi si Kirt, nakilala siya ni Seph noong 2nd year high school kami. Basta! may competition sa mga sports games, dahil MVP at Varsity si Seph ng basketball team ng school namin simula nung 1st Year kami. Palagi siyang kasalin doon, nung 2nd year kami na-meet niya si Kirt. Captain ball siya ng women's volleyball team ng ibang school. Sobrang natamaan si Seph noon, bigla na lang siyang ngumingiti mag isa. Pinaghahanap niya yung mga tao na may alam ng number nito. Tapos bigla na lang siyang nawawala, biglang maabutan ko siya sa bahay namin at inaantay ako. Yun pala magkekwento lang tungkol sa FIRST DATE daw nila nung Kirt. Syempre ako dakilang bestfriend sinasakyan ko mga kwento niya. Pero dumating yung time na naririnde na rin ako sa mga kwento niya. Hanggang 3rd year kami patay na patay pa rin siya kay Kirt. Kalaunan ay na in-love na rin ako kay Seph, naalala ko first time ko yung naramdaman noong after ng school year ng 2nd year. Kinikilig ako sa mga ngiti niya, naiilang sa mga hawak niya, at nagseselos sa mga kwento niya tungkol kay Kirt. Hanggang isang araw nakita namin si Kirt na may boyfriend na, halos umiyak si Seph noon, pero hinde niya ginawa. Pinilit ko siyang ilabas ang sama ng loob niya at umiyak, pero ang sabi niya sakin "Crying is for girls." So, feeling niya bakla na mga umiiyak na lalaki? hayyyyy.... Simula noon naging playboy na siya. Ang alam ko, kung sino sino nang babae ang na-date niya. Hinde siya nagkekwento tungkol sa mga girls kapag hinde siya talaga natamaan dito.                 

Sabi ko sa kanya dati nung gagraduate na kami. "Seph? wag ka magalala, marami pang babae sa mundo. Malay mo nasa tabi-tabi lang sila." sabi ko syempre assuming ako na ako sana yung mahanap niyang babae. "Drama mo Gabe! dala ba yan ng emotion dahil gragraduate na tayo?" pangaasar na sagot ni Seph. "Gag*! nagpapayo lang ako. Baka hinde ka pa nakakamove-on don kay Kirt eh. Mamaya makabuntis ka agad! you know!" pangaasar ko. "Tarant*do! never akong gagawa ng ikakasira ng buhay ko! saka don't worry nakamove-on na ako, gusto mo ikaw ligawan ko?! HAHAHAHA'' sagot nito. "Ok... ang korny mo. Eto mais, kausapin mo" pangganti ko. "HAHAHA." sagot nito... hanggang ito na nga graduate na kami at 2nd year college na kami. Sa lumipas na ilang taon lalo kong minahal si Seph.                                    

SEPH'S POV                          

Pagkatapos kung kausapin si Gabe noon last last week dumeretso ako kay mommy para kausapin siya. Sinabi niya na balak niya kaming ipakasal ni Gabe. Naintindihan ko na kung bakit naging cold si Gabe sakin noon. Siguro dahil naiilang siya. Nagalit ako kay mommy nun at nilayasan siya ilang araw ko rin siyang hinde tinawagan o tinext man. Alam naman ni mommy na hinde kami pwede ni Gabe na ikasal sa isa't isa, saka baka may mahal si Gabe na iba... meron din ako. Aaminin ko hinde pa ako nakakamove-on kay Kirt. Hinde ko siya malet go.            

Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon