SECOND

5 0 0
                                        

I decided not to go to school today. Enrollment is not over yet so I must say, wala na namang class. Pupunta nalang ako sa NBS to buy school supplies. Pagdating ko sa NBS, nagpunta agad ako sa favorite section ko, which is sa highlighters and colored pens section. I just so love highlighters. Ang sarap kaya mag-aral if colorful ang notes mo.

Pipila na sana ako sa cashier para bayaran ang pinamili ko when I bumped into someone. Paglingon ko, I was shocked to see Russell. Remember him? Siya yung new found friend ko sa school ☺

"Russell, ikaw pala. Akala ko sino na ang nabangga ko. Sorry "

"It's okay. Hindi ka rin pala pumasok "

" oo. I have to buy these stuff pa kasi eh. You know, school stuffs"

After namin mabayaran ang pinamili namin, we headed to Jollibee para kumain.

" Para ka namang bata at sa Jollibee mo pa talaga gusto kumain"

Kanina pa kasi kami nagbabangayan gusto niya kasi sa isang buffet restaurant kumain dahil libre niya but I argued with him kasi I'm craving for Jollibee's fried chicken kaya we ended up here and ang saya-saya ko lang!

"Sus. Pangiti-ngiti ka pa jan. Ano na ang gusto mong kainin? I'll order for you "

" I want spicy fried chicken with large fries tapos large coke na rin. And gusto ko rin ng spaghetti and peach mango pie. Oh, please tell them na I want extra spicy for my chicken. Thank you "

He looked at me in disbelief. I know matakaw ako. Ano naman ngayon? Hindi kaya ako nag breakfast kanina kasi tinamad ako magluto.

And DUH! Jollibee kaya to, I love Jollibee kahit araw-araw pa ako dito kumain okay na okay na sa akin.

" I can't believe you. Who would have thought that a dwarf like you has giant intestines "

Pailing-iling pa siyang nakatingin sa akin at tumatawang naglakad papunta sa counter to order. At masaya siya sa pang iinsulto niya sa akin? Kainis ! Batukan ko siya jan eh.

" ubusin mo yan ha. Pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ang nagsasayang  ng pagkain" sabi ni Russell habang nilalapag ang pagkain namin. I'm so excited to eat na talaga. I'm starving kanina pa.

Kakain na sana ako ng pitikin niya ang kamay ko. Ano naman ba? Gutom na ang tao eh

" you know what, we should always not forget to thank God for all the blessings kaya we should pray. "

Pinagmasdan ko lang siya habang nagdadasal siya. Nakapikit ang mga mata niya at seryoso na nagdadasal. Ang gwapo pala niya. Gustong- gusto ko ang makakapal niyang kilay. Yun kasi talaga ang tinitignan ko sa mga lalaki. Ang tangos din ng ilong niya and ang lips niya are super red na parang naka liptint siya. Sobrang tangkad din niya na nag add up sa appeal niya. May something talaga sa kanya eh.

Something na kumikiliti sa puso ko. Ewan !

" Earth to Zhianne Dane? " pinitik niya na naman ang noo ko. Aba't nakakarami na ang lalaking to sa araw na ito ha.

"A-ah eh. Amen.  Sige kain na tayo. "

Wtf ! Ano ba ang ginagawa ko? Pinagnanasaan ko ba ang kaibigan ko? Nakakahiya ka Dane. Ugh !

"Ang sarap talaga ng fried chicken sa Jollibee. Mas masarap pa ngayon kasi there's so much chilli powder on it. " I said happily habang ini-enjoy ko ang fried chicken ko. Ang sarap talaga ! I'd die for this fried chicken.

Nag moment pa ako with my fried chicken when I heard Russell chuckle

" oh ano na naman ang tinatawa-tawa mo jan? Para kang timang. Sus ! "

" You're such a kid. Ang kalat mong kumain. Chilli powders are all over your face" natatawang pinunasan niya ang bibig ko at hinawi ang hibla ng buhok na humaharang sa mata ko. Ano itong nararamdaman ko? I can feel butterflies in my stomach and it's tickling inside.

Ang weird naman nito baka nagugutom pa ako.

Oo nga baka gutom pa ako!

Without even thinking, dire-diretso kong kinagat ang peach mango pie and I swear, parang luluwa ang mga mata ko at nag init ang pwet ko. Shit ! Ang init !

" woah woah ! Hindi kita aagawan ng pagkain kaya pwede ba? Eat slowly. Yan tuloy napaso ka. Alam mo Z, a warning was there for a reason. 'Careful. Hot filling inside' see?" At tinatawanan na naman niya ako. Nakakainis ! Ang bobo mo talaga Dane. Para kang ewan. Tsk

.....

" sige na Russell kainin mo na. Sayang to, I'm super duper full na eh. Sayy 'ahhh' " pinipilit kong isubo sa kanya ang fries di ko na kasi maubos parang puputok na ang tiyan ko sa sobrang kabusugan.

" ayaw! Busog na ako Z. Dadalhin nalang natin yan. I'm sure may mga bata sa labas na hindi pa kumakain"

Hinatid na ako ni Russell sa bahay after namin kumain and nag stay pa siya ng ilang oras kaya nag movie marathon nalang kami.

'The Nun' ang pinanuod namin na movie. Tawa lang ako ng tawa kasi si Russell, takot na takot. Kung hindi siya tatago sa likod ko, magtatago naman siya sa unan. Kalalaking tao takot sa multo pfft

Horror movies are my favorite. Hindi nga ako natatakot sa multo-multo na yan eh natatawa pa nga ako dahil sa mukha ng mga multo kuno. Ang nakakatawa lang ngayon, hindi ako napapasigaw dahil sa natakot ako kundi napapasigaw ako dahil nagugulat ako sa pag sigaw ni Russell. Bakla ata to eh !

Umuwi na rin si Russell after namin maghapunan. Gabi na rin kasi at may pasok pa kami bukas. Siguro naman, totoong may pasok na bukas diba??

My Love Who Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon