NINTH

4 0 0
                                    

Nagising ako kinabukasan dahil sa sikat ng araw. Nang iminulat ko ang mga mata ko, galit na mukha ni Russell agad ang nakita ko. Ano na naman kaya ang problema ng taong to.

" Ano ba? Kitang natutulog pa ang tao eh. Umalis ka nga dito sa loob ng kwarto ko and pls lang, isara mu ulit ang kurtina. Ghad ! I'm still sleepy " nagtalukbong agad ako ulit ng kumot at tila gusto ko ng patayin ang demonyong humihila ng kumot ko at hindi pa ata nakuntento dahil pinalo pa ang paa ko tsk

" alam mo Russell kung ayaw mong matulog pwes magpatulog ka ! Nakakainis ka naman eh. Inaantok pa nga ako diba?? Lumayas ka na sa kwarto ko pls lang. Give me an hour " nagtalukbong ulit ako ng kumot at hinihila na naman niya ang kumot ko. Sa galit ko, sinipa ko si Russell ng napakalakas kaya tumama sya sa wall.

" I'm not sorry for what I did " sabi ko sabay inirapan sya. Tinignan niya naman ako ng masama at parang nakakamatay ang titig niya.

" alam mo ba kung anong oras na ha? Bakit kaya antok na antok ka? " sinuri niya ako ng tingin and swear, ayoko sa klasi ng pagtitig niya. " ah oo nga pala, nakipagkita ka kay Brionne kaninang alas dos ng umaga. Anong oras na nga kayo umuwi? 4 na yun or 5 am? Basta ! Akala mo hindi ko malalaman? Hoy, Zhianne Dane Natividad, sinong matinong babae ang makikipagkita sa isang lalaki ng ganoong oras? Oo alam kong sinabi ko sayo na mabait si Brionne at mapanatag ang loob ko kapag siya ang kasama mo pero Z naman huwag sa ganoong oras at higit sa lahat bakit hindi ka nagpaalam sa akin para sana masamahan kita ha? Ang lapit lang ng kwarto ko Z. Alam mo naman na isang katok mo lang sa kwarto ko gigising na ako diba? Oh, tatahimik ka lang diyan? Hindi ka mag e-explain sa akin?? " Binatukan ko siya kaya napakamot siya sa ulo niya.

" hoy Russell tigilan mo nga ako diyan sa mga sermon mo lumalabas na naman ang pagiging overprotective mo. Hindi na ako nagpaalam sayo kasi ayokong istorbuhin ka no atsaka mas mabuti na yun na kami lang ni Brionne atleast diba, I got to know him more. " nginitian ko siya saka ko ipinulupot ang mga kamay ko sa bewang niya and tried to make myself extra cute. " and wala namang nangyari sa akin na masama diba? Nakauwi naman ako ng buhay. Hinatid pa nga niya ako eh. Sorry, hindi na mauulit. "

" ano ba kasi ang pinag-usapan nyo at kailangan nyo pang magkita sa ganoong oras? Lagot talaga sa akin ang Brionne na yun mamaya " nakakunot na naman ang noo ni Russell at hindi man lang niya ako tinitignan. Tsk, galit nga talaga siya ang hirap pa naman niyang amuhin pag galit. Hindi man lang nag work sa kanya ang pagpa-pacute ko kanina.

" ano ba by. Sorry na, hindi na talaga mauulit. May problema lang kasi si Brionne at ayaw nyang malaman mo kasi ayaw nya na mag-alala ka sa kanya kaya ako ang tinawagan niya dahil kailangan nya lang ng makakausap. Kilala mo naman ako diba? Ayokong may mga taong malulungkot gusto ko happy lang. Kaya sorry na, promise next time magpapa-alam na talaga ako sayo kahit humihilik ka na "

" fine fine. You better not do this again Zhianne or else lagot ka sa akin " sabi niya sa akin before leaving my room. May tampo pa rin talaga siya sa akin. Naman eh, gaano ba ka-big deal sa kanya ang ginawa ko? Diba yun naman ang gusto niya? Ang pagbigyan ko si Brionne? Ang gulo niya talaga makatulog na nga lang ulit.

Nagising ako bandang alas tres ng hapon dahil na rin siguro sa gutom. May nakita akong pagkain sa side table ko at may note pa.

'Babe, I went out to meet someone. Babalik ako kapag feel ko ng hindi magtampo sayo. Btw, you better eat this kung ayaw mong madagdagan ang kasalanan mo sa akin. see you when I get back. - Russell 💙

Natawa na lang ako sa note niya kahit kailan talaga napaka'matampuhin ng bestfriend ko but sweet at the same time kaya ko nga siya nagustuhan diba? Kinain ko nalang ang pagkain na hinanda niya saka ako naligo.

It's 10 pm already pero hindi pa rin bumabalik si Russell. Nasaan na kaya yun? Hanggang ngayon ba nagtatampo pa rin siya sa akin? Nakakainis na siya ha. Hindi na ako natutuwa sa pagtatampo niya. I called Brionne and tatlong rings pa lang ay sumagot na ito

" Dane?"

"Ionne? Kasama mo ba si Russell? Hindi kasi siya sumasagot eh. "

" hindi eh kasi nasa bahay lang ako pero ang alam ko magkasama sila ni Mikyla ngayon. " Mikyla? Sinong Mikyla?

" M-mikyla?"

" Si Miks. Yung kaklase natin. Nanonood ata sila ng movie ngayon. " m-movie? As in date? May gusto ba si Russell kay Miks?

" ah ganun ba? Ah sige Ionne, salamat ha? Bye "

" Dane, teka ! Okay lang ba sayo if I'll invite you for a walk? " okay lang naman siguro diba atleast hindi ako ma'bore kakahintay sa demonyong yun tsk. Hindi man lang nagpapaalam na makikipag date siya. Nakakainis !

" oo naman. I don't mind. Ngayon na ba agad? "

" oo sana eh. Susunduin nalang kita diyan ha? "

After 15 mins. dumating na si Ionne. Wala siyang dalang sasakyan ngayon ewan ko sa kanya nag commute lang ata siya papunta sa amin eh.

Nandito kami ngayon sa park na nasa harap ng simbahan. Nakaupo kami sa damuhan at nakamasid lang sa paligid.

" ang ganda ng mga bituin oh tignan mo kumikinang sila sa sobrang ganda. " nakangiting turo ko sa mga bituin sa langit

" oo nga. Sobrang ganda. Napakagandang bituin. Kumikinang sa sobrang kagandahan. " sabi naman ni Ionne. Kaya tinignan ko siya dahil gusto kong makita ang reaksiyon niya pero sa halip na makita siyang nakatingin sa itaas ay sa akin siya nakatitig. Kumikinang ang kanyang mga mata na tila gustong-gusto nito ang nakikita niya. Nagkasalubong ang mga mata namin at bumilis ang tibok ng puso ko. Mabilis pa sa kidlat ang ginawa kong pag-iwas ng tingin dahil kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan.

Nilingon ko sya ulit at nakatitig pa rin sya sa akin kaya tumikhim ako ng malakas na siyang ikinagulat niya sabay pagbawi ng tingin.

" s-sorry. I just can't help it. You're so beautiful. You're eye, you're nose, you're... " nakatutok ang mata niya sa labi ko at napapalunok siya. " you're...uhmm do you want cotton candy? Ayun oh bili tayo " hinila niya ako papunta sa cart ng cotton candy. Ah so okay, what just happened out there??

" you know what, matagal na kitang kilala pero hindi kita malapitan because I thought boyfriend mo si Dan. You're always together kasi eh wherever you go, you're always with him and ang taray mo rin tignan kaya takot ako na lapitan ka dahil baka dedma ako sayo. " natatawang sabi niya habang nginunguya ang popcorn na binili namin sa isang bata kanina.

" ano, ako mataray? Hindi kaya ! Ikaw ang unang nagsabi sa akin na mataray ako. Friendly kaya ako. Ngumingiti pa nga ako sa lahat na nakikita kong nakatingin sa akin eh " totoo naman kasi. Friendly talaga akong tao ewan ko sa kanya at para sa kanya ay mataray ako. May deperinsya ata ang mga mata niya tsk

" talaga ba? Eh bakit ako tingin ng tingin sayo noon hindi mo man lang napapansin? "

" h-huh? Baka hindi kita nakita noon pero if nakita kita for sure papansinin talaga kita " sabi ko kaagad sa kanya habang umiinom sa apple shake ko

" paano ba naman, sa kanya lang naman naka-focus yang mga mata mo eh"

"Ha?"

" wala. Sabi ko iuuwi na kita kasi late na. Baka magalit na naman si bespren mo sayo " ano kaya ang sinasabi niya? Hindi ko kasi narinig eh pero sure ako hindi yun ang sinabi niya.

My Love Who Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon