" nakakainis ka na ! hindi na ako natutuwa sayo. Akala mo ha, lagot ka talaga sa akin makikita mo " galit akong nakatingin sa picture ni Russell at pinagsa'sampal ito. Langyang lalaki yun ano ba kasi ang meron sa kanila ni Miks at palagi nalang silang lumalabas? Ganun na ba talaga kahalaga sa kanya si Miks at ako na bespren niya iniiwan na niyang mag-isa? Nakakainis na talaga siya. Hindi naman niya ginagawa sa akin ito dati ah? Ang laki na ng pinagbago niya talaga. Naiinis ako sa kanya at mas lalong naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko alam kong bakit naiinis ako sa kanya dahil lang sa palagi silang magkasama ni Miks.
Naiwan na naman akong mag-isa sa bahay. Nakakainis na talaga ang gagong yun. Bahala siya sa buhay niya. Lalabas nalang ako kasama si Brionne.
Aalis nalang ako mag-isa. Hindi rin naman kasi sumasagot si Brionne eh. Busy ata hayst.
Dinala ako ng mga paa ko sa park ng kabilang village. May mga taong naghihiyawan at nagsisigawan. Ano kaya ang meron at nagkumpulan ang mga tao sa may court? At dahil gumana na naman ang pagiging chismosa ko, lumapit ako sa nagkukumpulang tao at nakita ko si Ionne na naglalaro ng basketball. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero biglang tumibok ng napakalakas ng puso ko lalo na nang makita ko siyang nag-dribble ng bola at basang-basa ng pawis ang kanyang katawan ang hot niya tignan. Oh my God ! sinabi ko ba talaga yun? nakakadiri ka Dane.
" kyaaahhhh ! ang galing mo number 16 ! "
" gwapo mo 16 !!" kung nagtataka kayo, si Ionne po ang 16. Nakakainis ang mga babaeng ito kung makasigaw akala mong nakalunok ng megaphone. Hindi kayo papansinin niyan noh. Asa kayo che !
Nabadtrip agad ako ng tumunog ang phone ko at tumatawag si Russell. Psh
" where are you?"
"Somewhere"
"Saan nga? " aba't ano ba ang pakealam niya?
"why do you care?"
"Zhianne, sinasabi ko sayo pag hindi ka pa umayos jan----"
" ano ba ang pakealam mo? pwede ba tigil-tigilan mo ako? ikaw ba, nagpa-paalam ka ba sa akin kung saan ka man magpunta? " tahimik lang siya sa kabilang linya at hindi kumikibo. " oh ano? did you just realize that I'm right? Nagbago ka na Russell at hindi ko gusto ang mga pagbabago mo. You don't care about me anymore. Pinapabayaan mo na lang ako na mag-isa. I know I don't have to demand things from you pero kasi sinanay mo ako na palagi kang nandiyan at ako naman si tanga na hinayaan ka naman na sanayin ako and now, It hurts. So fcking hurts at kasalanan mo kung bakit nasasaktan ako ngayon. " Binaba ko na ang tawag pero hindi nagtagal ay tumawag na naman ulit.
" What now?!! "
" Dane, chill it's me Brionne. " biglang kumalma ang kalooban ko ng marinig ang boses niya sa kabilang linya.
" Ionne, ikaw pala. Sorry "
" Dane, it's fine. Are you fine? Sorry I was not able to answer your call naglalaro kasi kami ng basketball ehh. "
" I know. You're great. "
" huh? did you watch me play?" nakita ko syang inilibot ang paningin sa paligid ng park and smiled as he spotted me on the bench. Tinukso siya ng mga ka'team niya ng itinuro niya ako and said his goodbye.
Nakangiti siyang naglalakad patungo sa kinaruonan ko. Bakit ang ganda tignan ng ngiti niya? It is a very genuine smile kaya napangiti na rin ako.
" hey "
" hi. Take this" inabot ko sa kanya ang binili kong mineral water. Muntik na akong mapamura ng inumin niya ito mismo sa harap ko that gives me the opportunity to stare at his adams apple bouncing up and down. Sht. Ang manyak naman ng dating ko but swear to God, ang hot niya tignan.

BINABASA MO ANG
My Love Who Got Away
RomanceZhianne Dane fell in love with her bestfriend, Dan Russell who cannot reciprocate her feelings. Dan Russell on the other hand learned that he loves his bestfriend right after she confessed to him and ran away. Will they ever meet again and find love...