One week na akong nakatambay sa bahay namin na mag-isa kasi naman sila Mommy busy naman palagi yun eh at palaging wala sa bahay. Ang mga kapatid ko naman ayun, may sariling mga buhay na at minsan nalang kung umuwi sa bahay kaya madalas ako lang mag-isa.
Ang tagal naman ng enrolment. Nababagot na ako dito sa bahay eh palagi nalang sarili ko ang kinakausap ko tsk baka mabaliw na ako nito.
Tawagan ko kaya si Russell? hmm ano naman ang ginagawa ng mukong na ito at hindi sinasagot ang phone niya?
Nag online ako sa messenger at online naman siya. EH?! Bakit hindi niya sinagot ang tawag ko? kainis !
'by' I chatted him pero hindi naman siya nag seen sa chat ko. Minsan talaga nakakainis ang ugali ni Russell na ganito na kahit marami ka ng chat at text sa kanya hindi ka parin papansinin tsk naglalaro na naman to ng ML panigurado.
Naman eh ! Sana pasukan na para hindi na boring katulad ngayon ang buhay ko. Nakakainis din ang lalaking yun lamunin sana siya ng Mobile Legend.
And speaking of, tumatawag na ang mokong
"oh?" naiinis ako sa kanya kaya bahala siya diyan.
" sus ! sorry na babe naglalaro ako eh. Bored ka ba? Puntahan kita diyan ha pero maliligo muna ako tapos punta na ako jan. Magbihis ka na rin gagala tayo "
"ewan ko sayo nakakabwiset ka talaga. Bilisan mo ha? " I said while pouting. Natawa naman siya sa kabilang linya
" tsk miss mo lang ako eh "
" edi miss na kung miss. Bilisan mo na 'by. Mamamatay na ako sa sobrang boring dito "
" alright. I'll be there in a few. "
Iba-baba na sana niya ang tawag ng may maalala ako.
" baby sandali hehe "
" oh ano? rocky road ice cream? don't worry I already had it in mind. why would I ever forget? sige na dwarf ligo na ako. bye and ohh I Miss you too "
Binaba na niya ang tawag. yey ! Rocky road ice cream makakain na naman kita.
......
"by kain tayo dun ohhh sige naaa "
Andito kami sa mall ngayon katatapos lang namin manood ng sine. Ang saya nga eh kasi kasama ko si Russell kunwari nag de-date kami yieee. wag kayong maingay ha? secret lang natin to. Anyway, may nakita akong stall ng ramen and may spicy noodles sila yung samyang ba? Spicy foods are my comfort food as well as ice cream.
Nag order ako nang samyang na cheese ang flavor at Carbonara naman ang sa kanya.
These are just the few reason why madali kong nakasundo si Russell kasi we have so many similarities. We both love eating spicy foods, favorite namin ang chocolate cake, he's more of a vegetarian like me din kaya kahit saan kami magpunta ay okay lang kasi magka-vibes talaga kami.
After namin kumain nagpunta kami sa arcade. Kahit ano nalang ang nilalaro namin. Nang mapagod ako umupo ako sa swan, yung pambatang sasakyan ang cute talaga nito hihi.
" Russell ang cute hahaha "
" oo nga bagay sayo. mukha ka kasing bata kasi dwarf ka. " hindi ko nalang pinansin ang sinasabi niya at tawa lang ako ng tawa habang nakasakay sa swan. Ang saya nito!
.......
" cookies and cream nalang"
"ayaw! Gusto ko ng rocky road "
"No! Cookies and cream. I bought you kanina ng rocky road diba? dwarf naman eh "
" ah basta. rocky road ang gusto ko "
"cookies and cream."
" naman ehhh ! edi kanya-kanya nalang tayo. kainis ! "
kung meron man kami hindi mapagkasunduan ni Russell yun ay ang flavor ng ice cream. Favorite niya kasi is cookies and cream and sa akin naman ay rocky road kaya palagi talaga kami nag-aaway kapag ice cream na ang pinag-uusapan. So ayun ! we ended up buying two gallons of ice cream at dumiretso na kami sa bahay kasi sa bahay siya matutulog.
Nilagay ko muna sa fridge ang ice cream at sinundan si Russell na dire-diretso ang pagpasok sa kwarto ko. OO ganyan siya ka'feel at home makapal kasi ang mukha niyan eh
Nakabukas ang shower sa cr kaya alam kong naliligo si Russell sa loob. Hinanda ko nalang ang mga susuotin niya kasi may damit naman na siyang naiwan dito sa bahay at ni-ready ko na rin sa bed ang lotions at deodorant niya bago ako pumunta ng kusina para magluto ng dinner.
" the best ka talaga magluto Z. I'm so full " he said while massaging his stomach. Well, I must say masarap talaga ako magluto noh. Bata palang kasi ako nasanay na ako sa mga gawaing bahay dahil sabi nga ng mommy ko dapat ang isang babae marunong sa mga gawaing bahay kaya tinuruan ako ni mommy paano magluto and since then, love na love ko na ang magluto.
" sus nambola ka pa lalaki ang ulo ko niyan sige ka. "
" sana nga lang hindi lang ang ulo mo ang lumaki sana pati height m- ARAY ! Z naman eh nagbibiro lang naman ang tao eh " nakangusong hinihimas niya ang parte ng ulo niyang binatukan ko.
Buti nga sa kanya. Bully nga kasi talaga to minsan eh nakakaasar!
" che tumahimik ka kung ayaw mong sa sala ka matutulog mamaya ! kainis to "
" dwarf, sa unit mo na ako titira ngayong summer ha? nagpaalam narin naman ako kay mommy. Kung okay lang naman sayo "
" syempre naman noh. Yey ! hindi na ako kakain mag-isa "
I've been convincing him naman na eh na sa unit na siya tumira para may kasama ako. Ang laki-laki ng condo pero ako lang mag-isa ang nakatira. It's good na may makakasama na ako nae-excite na tuloy ako.
Napatingin ako kay Russell nang bigla nalang siyang napa-upo at namumutla.
" Babe you okay? " tumango lang siya pero hindi eh I can feel it na hindi siya okay.
" are you sure? you don't seem fine to me. "
" dwarf come here. Sumasakit na naman ang stomach ko itutulog ko lang to, mawawala din to. "
I am staring at him sleeping on my lap. Ano na naman kaya ang nangyari? He was complaining again dahil sa stomach niya. Napapansin ko lang na madalas sumasakit ang tiyan niya. Is there something wrong? Sana wala lang ibig sabihin ang pagsakit ng tiyan niya. I'm worried. Paano kung may sakit siya at hindi lang niya sinasabi sa akin? It wasn't that serious naman diba? Psh! Gumagana na naman ang pagiging paranoid ko. Siguro dahil sa mga kinain namin kanina gumana na naman kasi ang pagiging matakaw namin at kung anu-ano nalang ang kinakain. Psh

BINABASA MO ANG
My Love Who Got Away
RomansaZhianne Dane fell in love with her bestfriend, Dan Russell who cannot reciprocate her feelings. Dan Russell on the other hand learned that he loves his bestfriend right after she confessed to him and ran away. Will they ever meet again and find love...