FIFTH

5 0 0
                                        

Ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lang ng makilala ko si Russell and guess what? Magta-tatlong taon na kaming magkaibigan. Patapos na kami sa second semester sa pangalawang taon namin dito sa University and I'm sure as hell na after our summer class, hello third year na kami. Iisipin ko palang, kinakabahan na ako. Usually kasi, nagbabagsakan ang mga students sa year na to dahil major subjects na lahat idagdag mo pa ang mga mababangis na professors na hindi magda-dalawang isip na ibagsak ang mga students kahit buong section pa. We only have three lives, if nakatatlong bagsak na kami, kick out na kami sa college namin or should we say, advice to shift at ayokong mangyari yun kasi magdo-doctor pa ako noh. I'm not smart as Russell. Parang halimaw ang taong yun sa sobrang talino. Isang basa lang ata niya sa book, memorize na niya agad lahat.

"Z, you're spacing out again. Please, pay attention. We both know that you need this more than I do so please babe, focus okay? " napabuntong-hininga si Russell habang titig na titig sa akin. Iniisip na naman siguro nito kung ano na naman ang iniisip ko.

We have 5 hours vacant pa kasi before our histology class. Mamayang 6 pm pa ang class namin kaya tumambay muna kami sa condo at sa kadahilanang may practical exam kami mamaya which is bibigyan kami ng prof. namin ng set of slides randomly to view it under the microscope and identify what type of tissue is given and of course, Russell being always the concerned one, tinuturuan na naman niya ako. He'll show me pictures which we took last time and I'll tell him what organ and tissue it was.

"Sorry 'by for spacing out again. Iniisip ko lang kasi na third year na pala tayo after summer no? Will I ever survive third year? Nakakatakot lang kasi isipin, what if katulad ng 96 students na bumagsak last year ay babagsak din ako? Ayokong mangyari yun. I don't want to waste another year of my life studying the same subject again. " Tama naman kasi, I've already wasted a year when I took accountancy that's why ayaw kong isipin na it will take me 5 years to graduate which is dapat after that 5 years, nagdo-doctor na ako.

"Ssshh. You know what, as long as I'm here with you, I will not allow that to happen. I am here to help you diba? I'll keep motivating you to study hard. Don't worry, I'll move here with you to guide you. We'll study together. Trust me babe, we'll survive aight' sleepyhead? " I nodded as he kiss me on my forehead and hug me.

Russell has been my bestfriend eversince we met. Sa tagal ng pagkakaibigan namin, kilalang-kilala na namin ang isa't- isa. He is the sweetest guy I know. He's very caring and oh- an overprotective too. Tsss, I can still remember kung paano niya tinakot si Lance para hindi na lumapit sa akin ulit. May gusto kasi si Lance sa akin at balak nitong manligaw kaya lang, before he can even speak to me, hinarang na kaagad ni Russell. Russell and I are so used to have each other may it be in good times or in bad times. We always got each others back kaya minsan napagkakamalan kaming may relasyon which we don't mind. Walang oras na hindi kami magkasama ni Russell except if uuwi na siya syempre.

"Huy girl, hindi ka ba talaga nahulog sa bestfriend mong yan?" Sabi ni Stefanie sabay turo sa direksyon ni Russell na nakikipag-usap kay Brionne at Chris.

"Ano ka ba Stef, hindi noh. Best friend ko yan eh "

"Hindi eh. Sabi kasi nila 'sa bawat mag-bestfriend na babae at lalaki, may isa na mahuhulog' so kung hindi mo siya gusto, could it be Dan who's falling for you?" Dan ang tawag ng lahat kay Russell medyo nag-iinarte kasi. May pa 'only my family and Z can call me Russell' pa siyang nalalaman. Tss nakakagwapo ba yan sa kanya? Ewan !

" oh my God ! Ang gwapo talaga ni fafa Dan no? Matangkad, matalino, mabait at gwapo. Naku! Kinikilig talaga ako kapag tinititigan ko siya. " kinikilig na nakatingin naman si Mikyla kay Russell.

Maraming nagkakagusto kay Russell at marami ding naiinggit sa akin dahil best friend ko siya. Russell is everyone's crush. Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa isang Dan Russell Lim? Gwapo, mabait, matalino, varsity sa swimming team, magaling sumayaw at magaling kumanta. Mas lalong dumami ang nagkagusto sa kanya ng sumali siya ng pageant sa school namin at ng sumayaw siya sa isang event sa school. First time ko rin makita siyang sumayaw nun, and I still can't believe that he was that good.

Maraming lumalapit sa akin at nagpapalakad kay Russell ang iba naman ang hinihingi ang number niya at bilang isang magandang bestfriend syempre hindi ko ibibigay. Ayokong magka-girlfriend siya baka mawalan siya ng oras sa akin noh

" and speaking of your handsome prince, here he comes. " korteng-puso na ang mga mata ni Stefanie nang makitang naglalakad sa direksyon nila si Russell.

" hey. Anong pinag-uusapan niyo? " he kissed me on my cheek tapos inakbayan ako. Ang mga kasama ko naman ay nakanga-ngang nakatingin sa amin ni Russell.

" fafa Dan kami walang kiss galing sayo? Si Dane lang talaga? " nakangising tanong ni Dianne. Alam ko na kung ano ang iniisip ng mga ito.

" sorry ladies but that's only for Z. Sige na ladies ha, lunch muna kami. Let's go babe." Hinila nya ako palabas ng classroom at ng lingunin ko ang tatlo, nanlalaki ang mga mata nila na nakatingin sa amin. Gusto kong matawa sa reaction nila sa pagtawag ni Russell ng babe sa akin. He's used of calling me babe, sleepyhead and dwarf kasi and I call him 'baby or by' sometimes. Endearment namin yun sa isa't-isa kaya minsan kapag may nakakarinig sa aming dalawa, akala talaga nila magjowa kami.

My Love Who Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon