EIGHTH

6 0 0
                                    

Isang linggo na kaming magkasama ni Russell sa bahay at isang linggo ko na ring tinitiis na huwag  kiligin sa bawat sweetness na ipinapakita niya sa akin. Wala kaming ibang ginawa kundi ang mag movie marathon magdamag. Minsan tabi kami matulog kung hindi sa kwarto niya ay sa kwarto ko kami natutulog. Masyado na kaming komportable sa isa't-isa and of course, I trust him not to do something stupid he's my bestfriend after all.

" Nakailang boyfriend ka na ba dwarf? "

Nandito kami sa sala ngayon at nagku-kwentuhan lang. Nakahiga ako sa lap niya at nilalaro ang kamay niya.

" I never had a boyfriend. I'm more focused in school and being friends to everyone I met and I can't still picture out myself having one I just don't think I'd need a guy in my life kasi mga kaibigan ko lang, sapat na "

" really? hindi ako naniniwala. bakit hindi ka nagka nobyo? maliban sa dwarf ka eh maganda ka rin naman pwede ng pagtiisan " kita niyo tong lalaking to. Ano bang masama sa pagiging pandak? Tulog ata ako sa panahong nagpasabog ng katangkaran ang langit tsk. " pero may nanligaw naman siguro sayo diba?"

" meron naman kaya lang never pa akong naging ready sa isang relationship as what I've observed kasi, love can be so dangerous. It can affect people's lives in so many ways and I'm afraid na baka masaktan lang ako if ever man. " syempre noh, we should always be cautious for ourselves kasi marami ng manloloko sa panahon ngayon at ayokong maging biktima sa mga manlolokong yan kaya I have to guard my heart. " at saka hindi naman ako atat na magka nobyo noh bahala na si Kupido na humanap sa Mr. the one ko "

Tinignan ko siya sa mata at nginitian. Nagtagpo na naman ang mga mata namin at naramdaman ko na naman ang kakaibang feeling na parang kinikiliti ang puso ko at parang sasabog ito sa sobrang lakas ng tibok. 

"Pero paano kapag may biglang magtapat sa iyo ngayon? Ibig sabihin ba nun ay basted na kaagad siya? " OMG ! Ito na ba ang time na matagal ko ng hinihintay? Ang magtapat siya sa akin? Wait, paano ba ito? Kinakabahan ako. 

" h-huh? s-syempre hindi ! bakit hindi ko naman subukan diba? " hindi ako makatingin sa kanya ng diretso kasi naman eh,  nae-excite na ako sa pagtatapat niya. OMG ! all these time ginugusto pala namin ang isa't-isa. Who would have thought diba?

" Z, may sasabihin sana ako sayo eh. Pero sana wag kang magagalit ha? " heto na guys, aamin na siya. Shet ! " kasi Z.... " naman eh daming pakulo ng lalaking ito ang tagal umamin eh. Hindi na nga ako makahinga sa sobrang kaba dito eh

" Kasi ano Russell? Dali sabihin mo na " feeling ko dudugo na ang labi ko sa kaka-kagat ko para pigilan ang kilig at excitement na nararamdaman ko

" Si Brionne kasi nagpaalam sa akin kung pwede ka ba niyang ligawan"

"h-huh? S-si Brionne? " hindi parin ako makapaniwala. Paanong si Brionne? Akala ko pa naman siya ang may gusto sa akin amp ! Grabeng disappointment ang nararamdaman ko siopao talaga ! Kasi naman Dane eh, ba't ba kasi ang assumera mo? Mangangarap ka na nga lang, dun pa sa napaka impossible. Nakakainis ! Nakaka-frustrate tangina lang!

" hey Z nakikinig ka ba sa akin?"

" huh?  ano sabi mo ulet?"

"psh. Sabi ko ibinigay ko na kay Brionne ang number mo kasi kinukulet ako eh. Wag kang mag-alala mabait yun. Hindi ko naman papayagan kung sino lang ang manliligaw sayo noh. At saka alam ko naman hindi ka sasaktan ni Brionne dahil if ever man malilintikan siya sa akin. "

Hindi nga talaga niya ako gusto kasi ipinamimigay na niya ako sa iba eh.

" ah sige. Walang problema sa akin. Baka ngayon na rin ang tamang panahon para ma'experience ko ang ganyang bagay. Sige Russell ha, maliligo na muna ako para makatulog na. Inaantok na rin kasi ako eh. "

My Love Who Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon