SEVENTH

4 0 0
                                    

Tinititigan ko si Russell na hanggang ngayon ay tulog parin. Inaantok na ako pero hindi naman ako makatulog at nakaunan parin siya sa lap ko kaya ayaw kong gumalaw baka magising siya at sasakit na naman ang tiyan niya.

Dahan-dahan kong nilagay ang unan sa may ulo niya at umupo sa tabi niya para pagmasdan siya. Bigla na naman tumibok ng napakalakas ang puso ko. Ang gwapo talaga ng taong to kaya gustong-gusto ko siya eh. OO. Gusto ko si Russell. May gusto ako sa bestfriend ko. Masama bang magustuhan ko siya? Hindi naman kasi siya mahirap magustuhan eh. Mabait siya, matalino, gwapo at maalaga. I love the way how he treats me na para bang napaka special ko na tao. Attracted na talaga ako sa kanya from the very first day we met yun nga lang mas lumalim ang naramdaman ko sa kanya ngayon kasi nga palagi kaming magkasama.

Matagal ko na siyang gusto pero hindi niya alam. I'm liking him in silence kaya todo ingat ako sa mga galaw ko kasi natatakot ako na malaman niya baka layuan niya ako at ayokong mangyari yun. Mas okay na itong ganito na palihim ko siyang nagugustuhan at palihim din akong nagseselos kapag may kausap siyang ibang babae. Mas okay nato kaysa naman iwasan niya ako at worst, lalayuan niya ako. Kaya ko pa naman eh. Kaya ko pang itago ang kilig na nararamdam sa tuwing niyayakap niya ako at hinahalikan sa pisnge. Kaya ko pang itago ang selos na nararamdaman ko sa tuwing kinakausap niya ang mga kaklasi namin na mga babae at magtatawanan sila. Kaya ko pa- NO KINAKAYA KO PA naman kaya as long as I can hide it, I would basta mapanatili ko lang siya sa tabi ko.

Kinumutan ko nalang siya at saka ako pumasok sa kwarto ko para matulog na rin.

Nagising ako kinabukasan ng maramdaman kong may nakayakap sa akin at kinikiliti ako.

" anuba ! wag magulo. I'm sleeping " tinampal ko ang kamay kung sino man siyang demonyo na nanggugulo sa pagtulog ko pero hindi pa rin ito tumitigil.

Nababanas na ako ! Pinaka- ayaw ko pa naman sa lahat ay ang binubulabog ang tulog ko.

Minulat ko ang mga mata ko at nagulat ako ng makita ko si Russell na nakangisi sa akin. Bakit siya andito? Sa sala ko naman siya iniwan kagabi nang makatulog siya doon ah!

" good morning dwarf " nakangiti niyang sabi sa akin at hinalikan niya ako sa noo.

Bigla naman nag-init ang mukha ko.

" oh ba't ang pula ng mukha mo. Masama ba ang pakiramdam mo? " nilapat niya ang palad niya sa noo ko. " hindi ka naman mainit ah. okay ka lang?"

" ha? a-ahh o-oo okay lang ako at saka pwede ba lumayo ka sa akin hindi pa ako nakapag toothbrush noh " sabi ko sabay takip sa bibig ko. Nginisihan lang niya ako. Psh

" sus ngayon ka pa ba mahihiya sa akin sa tagal na nating magkasama eh. Dalaga ka na talaga dwarf " pinisil niya ang ilong ko saka siya nagpunta ng banyo. Kainis yun ! nagulat lang naman ako eh

As usual hinanda ko muna ang susuotin niya bago ako nagpunta sa kusina para magluto ng breakfast namin. Nagluto muna ako ng sunny side-up egg, bacon and hotdog saka ako nagluto ng fried rice.

Nakaupo na si Russell sa may dining table at abala naman ako sa paghahain. Naglagay ako ng fried rice sa plate niya at nilagyan ko rin ng egg, bacon at saka hotdog. Nakalimutan kong magtimpla ng coffee para sa kanya kaya tumayo ako para ipagtimpla siya.

" babe saan ka pupunta? " kunot- noo niyang tanong sa akin

" saglit lang babe I forgot to make your coffee kain ka lang diyan. " He's a coffee person kasi while I hate coffee to bits. Sa tuwing nalalanghap ko kasi ang amoy ng kape bigla nalang iikot ang tiyan ko at parang nasusuka ako. Sumasakit rin ang tiyan ko at magpabalik-balik sa banyo kasi matatae ako. Ewan bakit ganito nalang ang reaction ko sa coffee.

" alam mo ang swerte ng taong mamahalin mo. Mapag-alaga ka, mabait, maganda, dwarf nga lang " ngumisi na naman siya pero di nga? maganda daw ako? nagagandahan siya sa akin? talaga ba? Naman eh, uminit na naman ang pisnge ko

" oh yan na naman ang mukha mo. Namumula ka na naman. okay ka lang ba talaga? " naku po ! bakit ba kasi ako namumula? kasalanan ko ba kung kinikilig ako dahil nagagandahan siya sa akin? Naman ehh !

" ha? wala to noh. naamoy ko na naman kasi ang kape. alam mo na,  allergy ako sa kape " napatango nalang siya. Good thing at binili niya ang palusot ko.

" alam mo bakit hindi ka nalang dito magstay hanggang sa pasukan? sige na naman Russell. Mag-isa lang naman ako at mag-isa ka ron sa bahay niyo. Dito ka nalang para may kasama ako. Magpapaalam ako kay mommy. Malakas ka naman dun ehh "

" that would be a great idea. sige, uuwi muna ako para kumuha ng gamit tapos balik ako dito "

"sama ako "

Pumunta na kami sa bahay nila mga 30 mins. din ang byahe namin papunta sa kanila. Ang laki talaga ng bahay nila pero wala naman masyadong tao. Ang mommy kasi niya busy sa work tapos ang kuya niya na hindi ko pa nakikita ay sa condo na nito umuuwi kasi mas malapit sa school niya kaya naiiwan si Russell dito mag-isa. Kung tinatanong nyo ang daddy niya wala akong alam kasi ayaw naman niya ikuwento sa akin basta ang alam ko lang hiwalay ang mommy't daddy niya.

Pumasok kami sa kwarto niya para ihanda na ang mga gamit niya na dadalhin sa bahay. May picture sa bedside table niya- picture naming dalawa. Meron ding solo na picture ko na naka-frame pa. Ewan, pero sumaya ako.

Somehow, there's a small hope in my heart na sana pareho ang nararamdaman namin. Sana kung dumating man ang araw na magka-aminan na, hindi ako lugi kasi may nararamdaman din sya para sa akin. Alam kong mali ang umasa pero wala eh, masarap rin kasing umasa minsan. Yung feeling mo gusto ka rin niya? ang sarap kaya ng feeling na gusto ka rin ng taong gusto mo. Sana nga lang talaga kapag umamin na ako sa kanya andiyan pa rin siya para saluin ako. SANA

" oy ikaw ha siguro may pagnanasa ka sa akin no? Kailan mo kinuha ang picture na to at talagang pina'frame mo pa? "

" of course ! You're special in my life kaya dapat lang may picture ka sa kwarto ko noh at saka patago kong kinuha yan noong tumambay tayo sa condo mo " pwede rin kaya ako maglagay ng picture niya sa kwarto ko? Pasikreto ko rin siyang kinunan ng photos habang busy siya sa pagliligpit ng mga gamit niya. Ang cute ! nakakunot ang kanyang noo at naka pout pa ang gwapo niya talaga kainis!

" ayan ! ilalagay ko rin to sa frame at idi-display sa kwarto ko. Ang cute mo dito babeee "

" talaga? lemme see "

" ayoko. surprise to ehh at saka baka ma-delete mo pa" pinag agawan namin ang phone ko kasi naman pinipilit niyang kunin dahil buburahin niya ang pictures niya.

Kainis talaga to ! Bakit ako? hindi naman ako nagrereklamo kung palihim niya akong kunan ng litrato ah ! Ang arte talaga tsk

Nagulat ako nang  halikan niya ako sa pisnge at yakapin ako kaya nabitawan ko ang hawak ko.

" got it " nakangising sabi niya habang hawak ang phone ko. Hindi ako makapagsalita. Shocked pa rin ako sa nangyari. Ang lakas ng tibok ng puso ko at ang init ng mukha ko. Ghad ! Why does he have to do that? 'stop giving me false hope Russell dahil pag ako umasa, ewan ko nalang talaga. Ikaw namang puso ka, kumalma ka wag kang marupok. Kaibigan mo yan. tandaan mo yan !' sabi ko sa sarili ko.

Bakit ba kasi ganito ang nararamdaman ko? Bakit ba kasi ako nahuhulog sa kanya? Ang hirap magtago ng nararamdaman.

" a-ahmmm, let's go na babe. Magluluto pa ako ng dinner natin " hindi ko na siya hinintay na magsalita. Nauna akong maglakad sa kanya kailangan ko munang pakalmahin ang puso ko kasi lumalakas na naman ang tibok nito
at parang nasisiyahan sa nangyayari. Basta ako ang alam ko, I'm in trouble kasi alam na alam ko sa sarili ko na pahulog na ako ng todong-todo at sana nga lang, magawa niyang suklian ang nararamdaman ko.

My Love Who Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon