It's been five months since nakalipat ako ng apartment and great thanks to Russell kasi tinulungan niya ako sa mga gamit ko. Actually it's not really an apartment, it's more like a condo unit. When my mom found out na I want to rent near sa school, tumulong na rin siya sa paghahanap and a friend of her who owned the building recommended the place kaya binili ni mommy ang isang unit dito with 2 bedrooms.
During our vacant time, dito kami tumatambay ni Russell to watch movies and sometimes, we study here together. Minsan naman pupunta lang yan dito pag gusto niyang matulog tulad nalang ngayon.
Habang tulog si Russell nagluto ako para sa lunch naming dalawa. Nagluto ako ng sinigang na baboy at pancit kasi favorite niya at gusto niya ito ang lutuin ko ngayon. After ko magluto, naghain na ako at pinuntahan siya sa kwarto para gisingin.
Ang himbing ng tulog niya, nakakahiya namang gisingin siya noh? Tsk. Bakit ang cute niya tignan matulog samantalang ako nagmumukhang unggoy na ewan.
" Russell, gising na. It's time for lunch. I cooked your favorites " dahan-dahan nitong ibinuka ang kanyang mga mata.
" let's sleep Z. Magdamag tayong nag-aral kagabi dahil sa quiz natin kanina. I need more sleep. Come here. " nagulat ako nang bigla niya akong hinila kaya napahiga ako sa tabi niya. I can smell his scent and I like it.
Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap ako habang tulog siya. God ! This man is really something. Ang mga gestures niya na ganito ay nagbibigay sa akin ng kakaibang feeling. Feeling na may mga nagkakarerang kabayo sa loob ng tiyan ko. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nito but for now, matutulog muna ako kasi dinadalaw narin ako ng antok.
Nagising ako na mag-isa. Pagtingin ko sa watch ko, 6:30 pm na. Ang tagal ko palang natulog. I checked my phone kung may message galing kay Russell.
'Z, umuwi na ako. My mom called and asked me to come home. Hindi na kita ginising kasi mukhang puyat ka. Anyway, ang sarap ng luto mo. I love it. Kumain ka na rin hindi ka pa naman nakapag lunch dahil sa akin. Initin mo nalang pag gising mo. Mwahhh 💋'
Tignan mo tong lalaking to. Hindi nga ako kumain kanina para sabay kami eh. Tsk.
Pagkatapos kong kumain naligo na ako at nagbihis ng pantulog. Inilabas ko ang mga books and notes ko. I need to study for my exams. Ang bilis ng panahon parang kahapon lang ako nag enroll tapos bukas final exams na namin. Well, hindi pa naman masyadong mahirap ang lessons namin kasi most of our subjects ay minors pa. Ang major namin ngayon ay Zoology, Medtech 1 and Inorganic Chemistry and I must say na nahihirapan akong talaga sa Chemistry. I really hate Chem ewan ko nalang if makakasurvive ako.
May moving exam kami sa Zoology bukas at sinasabi ko sa inyo, ayaw ko sa moving exam talaga kasi natataranta ako if naririnig ko na ang bell at pag natataranta ako, hindi na ako makakasagot kasi nakalimutan ko na dahil sa pagkataranta ko.
Andito kami sa condo ni Russell at may ipinapakita siya sa akin na picture ng slides at huhulaan ko kung anong organism.
" alam ko yan. It's Ascaris Lumbricoides "
" what's the common name? "
"Round tapeworm" sagot ko habang nagpapalakpak.
" you'll be fine later Z. Wag kang kakabahan. I know you can do it " he said while holding my hands trying to comfort me.
The moving exam turned out fine thanks to Russell. He helped me memorize all those organisms and asked me questions I never thought would come out in the exam.
" thank you Russell. Oh my God ! Graduate na ako sa Zoology. Anatomy and Physiology na naman next sem ! Salamat talaga sa pagturo mo sa akin if hindi mo ako tinulungan, that moving exam would be a total mess " I said while hugging and kissing him on his cheeks nonstop.
It took me a while to realize what I was doing, so I quickly distance myself from him trying to hide my embarrassment away. Damn ! I can feel my cheeks burning! Ano ba ang nangyayari sayo Dane?
" Ang cute mo talaga. Let's go. I'll treat you for doing a great job " pinisil niya ang pisngi ko at ginulo ang buhok ko saka niya ako tinitigan sa mata at ngumiti. Naramdaman ko na naman ang nagkakarerang mga kabayo sa loob ng tiyan ko. Bakit feeling ko para akong nalulunod sa pamamaraan nang pagtitig niya sa akin? Damn that beautiful eyes of yours Russell. Ano bang meron sa mga mata mo at everytime na tinititigan mo ako nahihirapan akong huminga?
Russell do have that hypnotizing eyes na once natitigan mo, ayaw mong mag- iwas ng tingin. Ang ganda talaga ng mga mata niya and I could stare at it forever.

BINABASA MO ANG
My Love Who Got Away
RomanceZhianne Dane fell in love with her bestfriend, Dan Russell who cannot reciprocate her feelings. Dan Russell on the other hand learned that he loves his bestfriend right after she confessed to him and ran away. Will they ever meet again and find love...