"Scott Point of View"
Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng to sinundan ko siya kasi masama ang pakiramdam ko hindi dahil nag drive siya ng nakainom kundi parang may mali hindi ko lang alam kong ano talaga ang pakiramdam na to"
Naramdaman niya atang nakasunod ako sa kanya kaya mas lalo niya pinabilis ang pagmaniho ng sasakyan mabuti na lang at wala masyadong sasakyan pero nagulat na lang ako ng may iba ng sasakyan na nakasunod sa kanya.
Mas lalong di ako napanatag at napansin ko na lang na iniliko ni Ram ang kotse niya at sumalpok ito sa puno pero nadali pa din siya ng ibang sasakyan kaya ang resulta nagpagulong gulong ang minamaneho niya.
Ilang mura ang binitawan ko at takot na baka mawala ulit siya sa akin dali dali ko siyang dinaluhan saka binuhat agad ko siyang dinala sa hospital na pag mamay ari ng pamilya ko.
Nang maipasok na siya sa ER di ako mapakali tinawagan ko na ang apat na puntahan ako sa nasabing ospital at sinabihan ko na ding tawagan sina Malia at ipaalam ang nangyari.
Ilang minuto lang ang lumipas bakarating na din sila kasama sina Malia namumugto ang mga mata nila kakaiyak.
" Scott anong nangyari sa pinsan ko?" tanong ni Malia na umiiyak pa di habang inaalo siya ng girlfriend ng kapatid niyang umiiyak na din.
"Dapat sinundan ko siya e"
"Hindi mo kasalanan Malia ako dapat ang sisihin kasi pinilit ko siya sa bagay na mahirap ng ibalik"
" Tama na yan walang may gusto nito ok" pagpapatahan ni Xander sa dalawang babae
"Naabutan ko siyang naglalasing naka apatnapong basong hard drink na siya iinom pa sana siya ng pigilan ko, sinundan ko siya pero may ibang sasakyang nakapalibot sa akin ang huli ko na lang nakita sumalpok na siya sa puno" galit kong sabi alam kong di ganun magmaneho si Ram
Ilang oras na siya sa loob pero wala pa ding lumalabas sa kwartong yan sana ayos lang siya.
Makalipas ang dalawang oras may lumabas na din sa kwartong pinanggalingan ni Ram.
"Son?"
"Mom kamusta na siya ayos lang ba si Ram," kinakabahang tanong ko
"Nagamot na namin lahat ng sugat niya sa katawan pero ang sabi mo car accident ang nangyari pero bakit may tama siya ng baril sa may bandang puso," naguguluhang tanong ni mom pero imposeble.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" nagugulohang tanong ni Malia
"Hindi malala ang mga sugat niya dahil sa aksedenting kinasangkutan niya pero maraming dugo ang nawala sa kanya at nakomperma naming may tama siya ng bala sa may bandang puso niya."
"O my god.."
"Kailangan na niyang masalinan ng dugo"
" Ako po doc kuhanan niyo ko ng dugo"
"Ako ang dahilan kaya ako ang kuhanan niyo ng dugo mom, hindi lang dahil responsibilidad ko siya kundi dahil mahal ko siya." mahaba kong paliwanag totoo ang sinabi ko mahal ko siya matagal na panahon na ang nakalipas maaaring nagbago nga siya pero ako hindi.
" Sumunod ka sa akin.."
" Heather Point of View"
'between life and death'
'Nasan ako, bat ang dilim ng kwarto ko Malia..Butler Kent' sigaw ko pero nag eecho lang ang boses ko...
Bat walang nakakarinig sa akin nasaan na ba sila iniwan na ba nila ako nagpatuloy ako sa paglalakad hindi ko alam kong saan ako pupunta dahil puro kadiliman na lang ang nakikita ko.
BINABASA MO ANG
I AM YOUR WORST NIGHTMARE
RomancePaano mo ba matatakasan ang pait ng nakaraan? Hahayaan mo ba ang sarili mong paulit ulit na masasaktan dahil lang sa nakaraan. Hatred yan ang nararamdaman mo sa mga taong nagpahirap sayo. Pain para sa mga taong sinaktan ka at iniwan. Sadness para s...