"Malia Point of View"
Today is monday and its time to wake-up para mag handa para sa school syempre may klase na naman,
Teka wait lang readers ahh maliligo muna ako, by the way nagtataka ba kayo sa nangyari kahapon ako nga din e nagtataka hahaha joke lang.
Ayon nga di ba ngumisi na parang baliw ang pinsan ko medyo di nga ako komportable sa mga kinikilos niya e at nong naramdaman niya siguro na ganun ang pakiramdam ko pumikit na lang siya at pinakalma ang sarili at ng kumalma na siya saka na niya ako kinausap about sa nangyari sa shop ni tita.
At dun ko nalaman na yung nagmasacre ng pamilya niya ang may gawa ng gulo sa shop at ginamit nila ang anak ng senator na si Sandra may kasalanan din naman ang bruhang yon.
Inimbestigahan kasi ni Heather si Sandra at yon ang nalaman niya sabi pa ng pinsan ko spoiled brat si Sandra na sadyang halata naman talaga.
Gusto lang ng dalaga na tulongan ang dad niya pero sa maling paraan nga lang matagal na kasing may nagbabanta sa buhay ng daddy nito at hindi hinayaan ng dalaga na mawala ang dad nito ito na lang kasi ang natitira niyang pamilya.
Palihim itong nagsasanay makipag laban para maipag tanggol ang sarili at ang daddy niya na hindi alam ng ama ang pinaggagawa ng anak.
Minsan na din itong tinulungan ni Heather nong muntik na siyang gahasain ng mga tambay sa kanto buti na lang at dumating siya, maaaring dahil din doon kaya nagsasanay na ang dalaga.
Nong mga bata pa lang kami ni Heather gaya ni Sandra palihim na din kaming nagsasanay di tulad ko si Heather ay sadyang magaling ng makipaglaban at sinasama niya akong magtraining kaya kami mas lalong naging close na para ng magkapatid.
Nong nasa grade school pa lang kami akala ng mga kaklase namin kambal kami medyo hawig kasi kami ng itsura hindi lang ako singkit gaya niya masayahin ako pero siya hindi laging pokerface at malamig makitungo sa iba.
"Darling bumaba ka na diyan nandito na ang pinsan mo" rinig kong sigaw ni mommy sa labas ng kwarto ko sino namang pinsan ang tinutukoy niya hmmm...
"Sinong pinsan mom?" sigaw ko ding tanong sa kanya.
"Malalaman mo din kapag lumabas ka na diyan,,bilisan mo darling" si mommy talaga parang teenager Kong umasta.
Total tuyo na naman ang buhok ko lumabas na ako ng room ko at bumaba na para mag breakfast para di ako gutumin sa school mas gusto ko kasi ang mga luto ni mommy lalong lalo na kay couz.
Iwan ko ba sa kanya bat ang sarap sarap niyang magluto dalawa lang kasi kaming nakakaalam na magaling siyang magluto ayaw niyang ipaalam sa iba pero mas mabuti na din yun para ako lang ang makakatikim ng lahat ng luto niya nakangisi akong bumaba ng maamoy ko ang familiar na amoy.
"Para kang tanga na nakangisi mag isa at bigla bigla na lang lalaki ang mga mata para ka tuloy tarsier" mas lalong lumaki ang mga mata ko waahhh...hindi ako nanaginip nandito siya.
"Waahhh couz nandito ka i miss you.."
" Para ka talagang tanga , namis ka diyan e magkasama tayo kahapon remember?"
"E bakit ba! namis kita eh...siyanga pala bat nandito ka"
" Masama na bang makikain sa inyo sige aalis na lang ako" seryoso aalis talaga siya at makikikain bago yun ah, bago pa siya makalabas ng mansion pinigilan ko na siya.
" Nagtatanong lang naman ako ahh..." sabay hatak ko sa kanya.
"Girls kakain na tayo mali-late pa kayo sa school"
BINABASA MO ANG
I AM YOUR WORST NIGHTMARE
RomancePaano mo ba matatakasan ang pait ng nakaraan? Hahayaan mo ba ang sarili mong paulit ulit na masasaktan dahil lang sa nakaraan. Hatred yan ang nararamdaman mo sa mga taong nagpahirap sayo. Pain para sa mga taong sinaktan ka at iniwan. Sadness para s...