Kani-kanina lang
Ako'y napadaan
Sa bilihan ng rosas
Ang paborito kong tindahanMakulay at mahalimuyak
Mga rosas na paninda
Pwedeng bilhin nang paisa-isa
O kaya'y tig-dosenaSa tuwing ako'y dadaan
Ay laging may mamimili
Minsan may mga dalaga
Pero karamiha'y mga lalakiT'wing may lalabas ng tindahan
Na may rosas na bitbit
Di ko mapigilang tumingin
At sa bulaklak ay maakitLagi kong naiisip
"Kanino kaya yun mapupunta?
Doon kaya sa nobya
Dahil anibersayo nila?Pwede rin sa asawa
Na nakaaway niya
O di kaya sa kabit
Na minsan lang niya makita"Sino man ang tumanggap
Ay mapalad na maituturing
Sapagkat may lalaking
Sa kanya'y maglalambingHay, sa mga rosas
Hanggang tingin na lang ako
Mula sa labas ng tindahan
Kung saan ako'y nakatayoHanggang kalian kaya
Mga palad ko'y maghihintay
Para sa isang pulang rosas
Na dito'y dumantay?Eh kung ako nalang kaya
Ang siyang mismong bumili?
Sabihin sa ale na
"Isa pong rosas para sa'king sarili"Eh kaya lang... parang...
Ang desperada ko naman
Bibili at magpapanggap
Para kunyari ay nabigyanTama, maghihintay nalang
Pipigilang mainip
Mga magagandang rosas
Iwawaksi sa isipDarating din ang araw
Na aking inaasam
Kung sino ang mabibigay
Yun ang di ko alamItutulog nalang ito
Pangagarap ay ititigil na
Meron pa namang bukas
Para tindahan ay balikan pa
BINABASA MO ANG
Pulang Pluma (Filipino Poetry)
PoezieAng mga pangunahing tema ng mga sumusunod na tula ay pag-ibig, pagkabigo at pagsisimulang-muli. Ngayon palang sinasabi ko na Ang mga tulang mababasa mo Ay tagos sa kaluluwa At sagad hanggang buto Nagmamahal, Eve --- Cover image credit: pixgood.com