Palihim na mga sulyap ang laging bato sa iyo
Pero kay manhid mo, damdamin mo ay bato.
Para sa'yo walang nang ibang magaling kundi siya
Gayong ang atensiyon niya'y nakatuon naman sa iba.Nagtatanong ang isip, bakit mo pinagdaramutan?
Kaunting pansin lang naman ang aking kailangan.
Hindi tuloy masawata ang mga luhang bumabalisbis,
Hinaghagkan aking mga pisngi at labing manipis.Minsan na akong umasa subalit ako'y nabigo,
Kaya't nababalino ako ngayon, ako'y nalilito.
Karsel kong kinasadlakan, ayoko nang balikan
Kaya't hangga't maaari damdamin ko'y sinisikingan.Ngunit bakit sa iyo puso ko ay marupok?
Kay daling pinatuloy di pa man kinakatok.
Sadya bang ganito ang laro ng pag-ibig?
Isang palamarang kaibigan, pailalim kumabig?Buhay ko ngayon ay sadyang napakarawal
Pana ni cupido sa puso'y di pa dumadatal.
Ngayon mo titigan nangungusap kong mga mata
At sabihing wala akong puwang sa puso mo, sinta.
BINABASA MO ANG
Pulang Pluma (Filipino Poetry)
PoésieAng mga pangunahing tema ng mga sumusunod na tula ay pag-ibig, pagkabigo at pagsisimulang-muli. Ngayon palang sinasabi ko na Ang mga tulang mababasa mo Ay tagos sa kaluluwa At sagad hanggang buto Nagmamahal, Eve --- Cover image credit: pixgood.com