Noong ika'y nalulungkot
Noog isip mo'y litung-lito
Nagawa kong pumasok
Diyan sa puso mo
Nagbabakasakali akong
Iyon na ang pagkakataon
Upang sa akin mo naman
Ibaling ang iyong atensiyon
Bawat pagkukulang niya
Ay aking pinunan
Sa tulong ko'y nalimot mo
Ang kahapong nagdaan
Marahil ay di mo pansin
Ang iyong muling pagngiti
Pero sa akin ay iyon
Ang langit na minimithi
Baka nga sa wakas
Ay iyo nang natutunan
Na ako ay mahalin
Ang pagtatangi ko'y suklian
Ngunit ang umasa lang pala
Ang aking magagawa
Pagkat ang nais kong mangyari
Hindi ang siyang itinadhana
Mayroon na ngang iba
Na kumakatok sa'yong pinto
Hiling ay kaunting puwang
Diyan sa iyong puso
Ang pagbibigay sa iba
Hatid ay di birong sakit
Muli akong nabigo
Ngayo'y doble pa ang sakit
Subalit ang magselos or magalit
Doo'y walang karapatanAng isang tulad kong
Nagbabakasakali lang naman
BINABASA MO ANG
Pulang Pluma (Filipino Poetry)
PoesíaAng mga pangunahing tema ng mga sumusunod na tula ay pag-ibig, pagkabigo at pagsisimulang-muli. Ngayon palang sinasabi ko na Ang mga tulang mababasa mo Ay tagos sa kaluluwa At sagad hanggang buto Nagmamahal, Eve --- Cover image credit: pixgood.com