Sinilip niya ang kalendaryo
Tiningnan ang marka
Isang araw sa Pebrero
Ang naka-ekis sa pulaIsang taon na'ng lumipas
Mula nang kanyang sinulatan
Petsang naging saksi
Sa kanilang pagmamahalanNgunit habang pinagmamasdan
Tintang animo'y dugo
May kumirot, may sumundot
Tila piniga ang kanyang pusoIsa-isang bumalik sa kanya
Ang mga anino't alaala
Maging ang mga emosyong
Inakala niyang limot na niyaKanyang naramdama'y
Magkahalong tamis at pait
Kaunting pangungulila
At di mailarawang sakitMuli niyang binalikan
Mga napakong pangako
Mga pagkakataong paulit-ulit
Na siya'y nabigo"Nagmahal lang naman ako,"
Ani niya sa sarili
Sabay patak ng mga luha
Nang walang pasabiHindi niya namalayan
Ang mga luha pala niya
Ay sinalo ng kalendaryo
Sakto sa ekis na pulaKanyang palatandaan
Ay unti-unting nabura
Dugong tinta ay nagkalat
Sinakop ang ibang petsaTila ba sinasabing
Wag na umasa sa araw na 'yon
Pagkat ito'y bahagi na lamang
Ng nagdaang kahaponAt tuluyan na ngang
Palatandaan ay naglaho
Animo'y sinisimbolo
Mga pangarap na gumuhoPinahid ang mga luha
At kalendaryo'y tiniklop
Isinantabi sa isang sulok
Kung san ito naaangkopMaya-maya'y may kinuha
Isang bagong kalendaryo
At nangiti nang buksan ito
Sa buwan ng Pebrero
BINABASA MO ANG
Pulang Pluma (Filipino Poetry)
PoetryAng mga pangunahing tema ng mga sumusunod na tula ay pag-ibig, pagkabigo at pagsisimulang-muli. Ngayon palang sinasabi ko na Ang mga tulang mababasa mo Ay tagos sa kaluluwa At sagad hanggang buto Nagmamahal, Eve --- Cover image credit: pixgood.com