Mia's POV
Biglang tumigil ang sasakyan sa harap ng malaking gate. Nilagay ni manong ang daliri niya sa isang finger scanner, bumukas bigla ang gate pagkalagay niya ng daliri niya.
Sa una makikita mo ay puro puno hanggang sa makarating sa isang bahay na malaki. May mga halaman ito sa gilid ng bahay.
Hmmm.... Mahilig pala sa bulaklak ang lalaking yon.
Nang makadating kami sa bahay ni Leo ay pinagbuksan kaagad ako ng pinto ni manong. Kukunin ko sana ang luggage ko pero biglang kinuha ni manong.
"Ako na po miss Mia, hinihintay po kayo ni Sir Leo sa library niya" Sabi niya saakin at kinuha ang luggage ko
"Saan po yung library?" tanong ko
"Pagpasok may makikita kang hagdanan sa kaliwa pag akyat mo deretsyo ka lang at may makikita ka doon malaking pinto"
"Salamat po"
Pumasok na ako ng bahay at katulad nga ng sabi ni manong may hagdanan sa kaliwa, umakyat ako sa hagdanan.
Ganda naman ng bahay ni sungit. Hahaha bago kong nickname sakanya hahaha.
Nang makaayat ako sa pinakataas ng hagdanan dumiretsyo ako ng lakad. Nang makakita ako ng malaking pinto kumatok muna ako.
"Pasok" sabi ng boses sa loob ng library
Pinihit ko ang doorknob at pumasok sa library. Pagkapasok nakita ko ang nagtataasang mga shelves at ang mga madadaming libro.
Nakita ko si Leo na nakaupo sa isang swivel chair at office table. Ang table niya ay nasa gilid at may mga upuan sa harap ng table niya.
"Upo ka" ani niya sa malamig na boses
"Paano kung ayaw ko" paghahaamon ko sakanya
"Edi wag, hindi mo makukuha yung pera" gamit niya parin ang malamig niyang boses
"Hmp!" hindi ko sana gagawin toh kung hindi lang nangangailangan pamilya ko eh
"Sumusunod ka naman pala eh" sabi niya nang nakaupo ako sa isa sa mga upuan sa harap ng table niya
Tsk! Pasalamat siya gwapo mukha niya kundi masasapak ko siya!
"Pag lumabas ka ng library sa kanan may makikita kang pinto, doon ang kwarto mo" sabi niya habang nakatingin saakin ng malalim
"Sige sige, pwede na ba ako umalis?" mabilisan kong tanong sakanya
"Sige, mamaya sabay tayo kakain, madami pa tayo paguusapan" dissmiss niya saakin
Kala mo proffesor eh! Kung makautos!
Umalis na ako ng library at pumunta sa sinasabi niya na kwarto. Pinihit ko ang doorknob at binuksan ng tuluyan.
Infairness ang ganda ng kwarto! Sino kaya architect nito? Para pag mayaman ako magpapagawa ako sakanya ng bahay.
Humiga kaagad ako sa kama at tumingin sa taas.
Pag na meet ko kaya magulang ng sungit na yun, maniniwala kaya sila na girlfriend talaga ako nang sungit na yun.
Nakita ko ang luggage ko sa tabi ng isa pa na pintuan. Binuksan ko ang pintuan at nakita na walk-in-closet iyon.
Nilagay ko ang mga gamit ko sa lalagyanan ng walk-in-closet. Pagkatapos magligpit naligo ako.
Pagkalabas ko ng cr ay nakabihis na ako ng isang denim shorts at shirt. Habang nagsusuklay ako may kumatok sa pinto.
Binaba ko muna ang suklay at pinagbuksan kung sino man ang nasa pinto. Nakita ko ang isang kasambahay sa labas ng pinto.
"Ms. Mia, hinihintay na po kayo ni Sir Leo sa hapag" sabi niya
BINABASA MO ANG
Cold Heart
Romance(Loren series #2) "Just pretend to be my girlfriend" I am Mia Starya Alea, isa akong probinsyana na napunta lang sa City dahil sa aking mga magulang. And I have to say it is the worse decision ever, because in this place I have met the most cruel a...