CH 6

106 4 0
                                    

Mia's POV

Ngayong saturday kami magkikita ni Ezrel. Im so excited!

Pagkagising ko naligo na kaagad ako at nagbihis ng shorts at tshirt muna dahil mamaya pang 1 kami magkikita.

Pagkatapos ko magbihis at suklay ng buhok bumaba ako sa dining area at umupo.

"Mia gising ka na pala, eto pagkain oh" sabi saakin ni Femria at binigyan ng plato at mga kubyertos at inilagay ang pagkain sa table

Kumuha ako ng fried rice at bacon.

"Femria nasaan nga pala si Leo?" tanong ko sakanya pagkatapos ko kumain ng isang subo

"Pumunta siya sa Laguna" sagot niya

"Huh? Anong ginagawa niya doon? " tanong ko

"Nagkita kita sila magkakaibigan. Ginagawa nila yun every saturday"

"Ano ho pangalan ng kaibigan niya?"

"Menwo, Liewin, Keyl"

"Ganon ba, eh anong oras siya babalik? "

"Madalas mga 3 sila bumabalik eh"

Tumango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain ng almusal. Pagkatapos ko kumain, nilagay ko ang pinagkainan ko sa lababo at hinugasan ito.

Pagkatapos mag hugas nag sipilyo ako. Nang matapos umakyat ako papunta sa kwarto ko at nahiga ulit.

10am palang! Ang tagal pa! Makatulog nga muna.

pagkagising ko tumingin ako sa wall clock para tignan kung anong oras na.

Holy xhiet! 1:30 na! Kailangan ko na mag ayos!

Pumasok kaagad ako sa walk-in-closet at namili ng isang rose colored off shoulder at jumper, at nag suot ng converse high shoes.

Lumabas ako ng walk-in-closet at nag lagay ng lip gloss at face powder. Kinuha ko ang string bag ko at tuluyan nang lumabas sa kwarto.

Hinanap ko si Femria sa maids quarter at nagpaalam.

"Femria lalabas ako may pupuntahan ako" pagpapaalam ko

"Alam po ba ni sir Leo?"

"Oo alam niya, sige alis na ako late na kasi ako"

Lumabas na ako ng bahay at tuluyan lumabas ng village. Nang may dumaan na taxi pinara ko kaagad ito at sumakay.

"Manong sa MOA po" sabi ko pagkasay

Nang makadating na ako sa MOA ay binayaran ko kaagad si manong at bumaba sa taxi.

Pagkapasok sa MOA pumunta kaagad ako sa Starbucks. Nang pumasok ako sa loob ng Starbucks nakita ko kaagad si Ezrel nakaupo sa dulong bahagi.

"Gumaganda ka lalo baby star ah" sabi niya saakin nang lumapit ako sakanya

"Bolero!" angal ko

"Umorder na pala ako para saatin" sabay pakita niya ng isang Mocha Frappe at isang Cappuccino Frappe

"Thanks, sorry pala kung late ako, tumagal tulog ko eh"

"Okay lang yun noh"

Uminom ako sa Mocha Frappe ko.

"Kamusta ka ngayon baby star?" tanong saakin ni Ezrel

"Okay lang naman, eh ikaw kamusta ka?"

"Eto may ari na ng coffee shop"

"Weh? Im so happy for you!" sabi ko sakanya at tumayo para yakapin siya

Pagkatapos ko siya yakapin bumalik ulit ako sa upuan ko.

Cold HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon