Mia's POV
Kinabukasan, nagising ako na katabi si Leo sa kama.
Yup! Nagtabi kami! Sabi daw kasi ni Leo tabi daw kami kasi daw di daw siya makakatulog ng di ako katabi. If I know naglalambing lang. So ngayon nandito siya sa kwarto ko.
Di ako makaalis sa kama dahil nakapatong yung braso at binti ni Leo saakin.
"Leo, gising na may pasok ka pa" gising ko kay Leo habang niyuyugyug ang balikat niya
Unti unting bumukas mata ni Leo "Good morning Mia" sabi niya at hinalikan ako sa nuo
"Tayo ka na dyan, may trabaho ka pa" sabi ko sakanya
"Right! Sasama ka pala saakin sa opisina, ipapakilala kita" sabi ni sabay tayo
"What?! Hui! Paalala lang nililigawan mo pa lang ako" histerical ko na sabi
"Dont you worry Mia, Im just putting a fence around my property and that is you" sabi niya sabay halik sa pisngi ko at iniwan ako sa kwarto na nakanganga
Myghash! Di ako prepared! Paano kung ayawan ako nung mga tao! Kailangan bongga outfit ko ngayon
Pumunta ako sa walk-in-closet at naghanap ng matino at bongga na damit.
Nakahanap ako ng white laced dress na may sleeves at above the knee. Okay na siguro toh.
Pumunta ako ng banyo at naligo. Pagtapos nagbihis at kinulot ng onti ang buhok ko.
Pagtapos mag ayos bumaba na ako sa dining area para makakain na ng almusal.
Nang makababa ako nakita ko si Leo na kumakain na.Umupo na ako at nagsimula kumuha ng omelette at garlic rice.
"Why the sudden dress up?" nagtatakang tanong ni Leo saakin
"Nothing" maiksi kong tugon at bumalik sa pag kain
"Tell me"
"Ganito ayos ko k-kasi baka may mga nagkakagusto sayo doon at baka ma-magustuhan mo din sila kaya a-a-ayon" nauutal ko na sabi
Shet! I feel like I am freakin blushing!
"Aww My cute little Mia, don't worry I dont like anyone, only you" sabi niya at lumapit saakin sabay yakap
"I will be right back magbibihis lang ako" paalam ni Leo at umakyat na sa kwarto niya
Naghugas muna ako ng mga plato at naghintay sa Living room. Bumaba si Leo na nakasuot ng long sleeve na nakatupi hanggang siko, black slacks, at black italian shoes.
"Lets go" sabi ni Leo at hinigit ako papunta sa sasakyan
~♥~
Nang makadating kami sa companya nila Leo kinabahan ako ng todo.
"Leo sigurado ka ba na ipapakilala mo ako? Di pa pwede pag sinagot na kita?" kinakabahan ko na tanong
"Doon din naman patungo eh, kaya iadvance na natin" sabi niya sabay higit saakin palabas ng sasakyan
This is it!
Nasa may pinto na kami at masasabi ko na kinakabahan ako ng todo.
Nang nasa gitna na kami nang buong ground floor doon na nagsimula si Leo mag announce.
"Everyone! Can I have your attentions please!" sigaw ni Leo na nagpaharap sa mga empleyado
"I'd like to introduce to you my future girlfriend! Mia Starya Alea" sabi niya at hinalikan ako sa labi
BINABASA MO ANG
Cold Heart
Romance(Loren series #2) "Just pretend to be my girlfriend" I am Mia Starya Alea, isa akong probinsyana na napunta lang sa City dahil sa aking mga magulang. And I have to say it is the worse decision ever, because in this place I have met the most cruel a...