Mia's POV
Umagang umaga bubungad saakin si Leo na nakayakap pa rin sa tabi ko at tinitingnan ako.
"Goodmorning" bati niya saakin ng makita ako na gising
"G-goodmorning" bati ko na may pag ka utal
Jusko dai! Ikaw ba naman di mautal kung bubungad sayo napakagwapo na lalaki!
"Baba na tayo" aya niya saakin at tumayo sa gilid ng kama
"Mauna ka na, maliligo lang muna ako" sabi ko sabay tayo at lakad sa banyo
Pumasok ako sa loob ng banyo at nagsimulang alisin lahat ng damit ko. Umilalim ako sa shower at nagsimula maligo.
Pagkatapos maligo nagpatuyo ako ng katawan at nagbihis ng shorts at oversized tshirt.
Binuksan ko ang pinto ng banyo at nakita na wala na doon si Leo.
Bumaba ako papunta sa dining area kung saan nakita ko sila nanay at tatay kasama si Leo na kumakain ng agahan.
"Magandang umaga anak" bati saakin ni nanay
"Magandang umaga din po" masigla ko na sambit
Umupo na ako sa upuan at nagsimula kumuha ng ulam.
"Pagtapos mo kumain Leo, maligo ka na at maghanda para maglinis sa labas ng bahay namin" sabi ni tatay kay Leo
"Bakit po tay?" taka ko na tanong
"Kailangan niya anak, para makapasa siya saakin bilang manliligaw mo" sabi ni tatay at bumalik sa pag kain
Tiningnan ko si nanay umaasa na may sasabihin siya pero nagkibit balikat lang siya at nagpatuloy sa pagkain.
Pagtapos kumain kinuha ko na ang mga plato at naghugas.
Nang matapos ako sa pag huhugas pumunta ako sa living room at binuksan ang telebisyon.
Habang nanunuod nakita ko si Leo na kakababa mula sa pagliligo.
Nakita ng tatay ko si Leo na bagong paligo kaya binigay ni tatay ang walis at dustpan kay Leo.
"Magsimula ka sa backyard pagtapos sa harap ng bahay, maliwanag?" striktong sabi ni tatay
"Opo" sabi niya habang nakangiti pa
Abnormal din yung loko na yon eh. May balak pa ngumiti kahit na strikto na boses ni tatay.
Nang lumabas si Leo umupo si tatay sa tabi ko.
"Tay hindi po ba parang masyado naman kayong harsh kay Leo?" tanong ko kay tatay ng umupo siya sa tabi ko
"Dapat lang yon Mia, manliligaw siya sayo eh dapat malaman ko gano siya kahanda at kasipag" sagot lang ni tatay at pinuntahan si nanay sa kusina
Ako naman pinatay na ang telebisyon at pumunta sa labas para makita si Leo.
Nakita ko si Leo na nag wawalis sa may backyard kaya pinuntahan ko siya doon. Nang makapunta sa pwesto ni Leo nakita ko na pinapawisan na siya.
Kaya pumasok ako ng bahay at pumunta sa kwarto ko para kumuha ng bimpo. Pagkakuha lumabas ako at pumunta sa backyard.
Pumunta ako kay Leo at pinunasan siya sa mukha.
"Pinapawisan ka na, magpunas ka kaya" sabi ko sabay abot sakanya ng bimpo
"Salamat" sabi niya lang at kinuha ang bimpo mula sa kamay ko
Pagtapos magpunas niyakap niya ako bigla.
"Leo pag tayo nakita ni tatay dito mapapagalitan ka non" saway ko sakanya
BINABASA MO ANG
Cold Heart
Romance(Loren series #2) "Just pretend to be my girlfriend" I am Mia Starya Alea, isa akong probinsyana na napunta lang sa City dahil sa aking mga magulang. And I have to say it is the worse decision ever, because in this place I have met the most cruel a...