CH 19

95 3 0
                                    

Chapter 19

Mia's POV

Pagkadating namin sa bahay galing sa enchanted kingdom mag gagabi na kaya pumunta kaagad ako sa kwarto ko para makapagpahinga muna.

Naligo muna ako ng pangbahay ko na damit bago humiga sa kama para magpahinga.

Habang nagpapahinga biglang may kumatok sa pinto ko "Mia baba ka na dyan kakain na tayo" sabi ni Femria

"Baba na ako" sabi ko

Bumaba na ako at pumuntang dinning room. Nakaupo na si Leo doon at kumakain. Umupo na ako sa harap ni Leo at nagsimulang kumuha ng Sinigang at kanin.

"Bukas may pupuntahan ulit tayo" sabi bigla ni Leo

Napaangat naman ang tingin ko sakanya "Saan?"

"Its a secret for now, just wear comfortable clothes tomorrow"

Tumango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Saan kaya kami pupunta bukas?

Pagtapos kumain hinugasan ko na ang plato ko at tuluyang umakyat ng kwarto ko.

Makapagpahinga na nga at para ready ako bukas

~♡~

Biglang may kumatok kaya napagising ako "Mia wake up, remember we will go somewhere today" sabi ni Leo

Shit! Oo nga pala may pupuntahan daw kami ngayon!

Nagmadali na kaagad ako papunta sa banyo at naligo. Pagtapos maligo nag bihis kaagad ako ng maong shorts at halter top.

Lumabas na ako sa kwarto at pumunta ng dinning room para makakain na ng almusal. Nakita ko si Leo sa living room at nanunuod ng tv.

"Oh Leo? Bakit di ka pa kumakain?" Takang tanong ko

"I already ate, I was just waiting for you"

Pumunta na ako sa dinning room at kumuha ng makakakain. Pagtapos kumain nag sipilyo na ako at pumunta kay Leo.

"Tara na" sabi ko kay Leo

Pinatay ni Leo ang tv at hinawakan ang kamay ko at sabay na kaming dalawang pumunta ng sasakyan.

Pagpasok ng sasakyan may nakita ako na picnic basket sa likod.

"Mag pi-picnic tayo?" Excited ko na tanong

"Yup" sabi niya habang nakangiti

Mga ilang minuto lang din ang lumipas at nakarating na kami sa isang malawak na lugar na pwedeng pwedeng mag picnic.

Kinuha ni Leo ang picnic basket at pinagbuksan ako ng pinto. Paglabas ko hinawakan niya ang kamay ko.

Naghanap na kaming dalawa ng maayos na pwedeng mag picnic.

"Doon oh" turo ko sakanya sa may ilalim ng puno

Naglakad kami papunta doon at inilapag na ang picnic blanket bago umupo. Madami dami din na tao ang nagpipicnic siguro dahil maganda ang panahon ngayon.

"Kain na tayo" excited na sabi ko

Syempwiii sino ba naman may ayaw sa pagkain

Kumain na ako at si Leo. Habang tumitingin tingin muna ako sa paligid biglang tumayo si Leo "Mia stay here, I will just go get something in the car" at nagpunta na siya sa sasakyan.

Mga ilang minuto ang lumipas at ang tagal ni Leo bumalik. Nag alala na ako kaya pumunta ako sa pinag parking ng sasakyan namin.

Habang papunta may nakita akong kumpulan ng mga tao sa nangyayari sa gitna ng kalsada.

Cold HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon