CH 11

112 2 0
                                    

Mia's POV

1 month later..

Nakalipas na ang isang buwan at dito pa rin ako nakatira sa probinsya namin. Kasama ang akin pamilya.

"Mia, magwalis ka nga sa labas!" sigaw ni nanay mula sa labas ng aking kwarto

"Opo nay!" sagot ko

Nag ayos muna ako ng hanging blouse at denim shorts at inipit ang aking buhok.

Lumabas ako ng kwarto at kumuha ng walis at dustpan. Pumunta ako sa labas ng bahay namin at dumiretsyo sa backyard.

Yes! May backyard kami. Simula nung mag trabaho ako para kay Leo, every time na sinuswelduhan niya ako ipinapagawa ko ng bahay namin. Sa ngayon may 2nd floor at 2 master bedrooms and 1 guest bedroom na ang aming bahay. May backyard na din, malawak na living room at kitchen. At napagaling ko na ang aking tatay. May silbi din pala pag tratrabaho ko don sa lalaki na yon!

What can you expect! 15k palagi ang sweldo niya saakin para lang maging pretend girlfriend ng kupal na yon.

Pretend girlfriend. Haha! Kahit ngayon naninikip parin dibdib ko tuwing naalala ang nangyari. Pero onti onti na din nawawala.
Tama na nga ang pag mumuni! Maglilinis na ako.

Habang nagwawalis may narinig ako na katok mula sa pinto ng bahay namin.

"Sandali lang!" sigaw ko mula sa backyard at ibinaba muna ang walis at dustpan

Pumunta ako sa harap ng bahay namin at nakita si Leo na naka plain white tshirt, ripped pants and white sneakers.

"A-anong k-kailangan mo?" nauutal ko na tanong

WATDAHELL! ISANG BUWAN AKO NAGHINTAY PARA MAKITA ULIT ANG MUKHA NIYA! Oo umasa pa rin ako na hahabulin niya ko! Hopeless romantic nga namern! Pero after ng isang buwan nag give up na din ako, tapos biglang boom nandito!

"Goodmorning" sabi saakin ni Leo na may ngiti sa mukha

Nope! Di dapat ako magpa epekto sa ngiti na yan! Straight face Mia!

"Sabi ko anong kailangan mo?" mataray ko na tanong at tinaasan siya ng kilay

"Ikaw" sabi niya habang may nakakalokong ngiti

That freakin caught me off guard!

Matagal kaming nagtitigan bago biglang bumukas ang pinto ng bahay.

"Magandang umaga iho, maari ko ba malaman sino ka?" tanong ng aking nanay na siyang nagbukas ng pintuan

"Magandang umaga din po, ako po si Leo Ryss Loren, boyfriend po ako ni Mia" sabi niya sabay akbay saakin

"Hoy! Anong boyfriend kapal mo!" angal ko

"Mia! Di ganyan ang tamang ugali sa bisita!" sita saakin ng nanay ko

Ibinababa ko ang ulo ko dahil sa galit ni nanay.

"Pasok ka iho" imbita saakin ng nanay ko kay Leo

Pumasok si Leo at umupo sa sofa, habang ako pumasok lang sa loob ng bahay at nakatingin sakanya.

"Anong gusto mo inumin iho, Juice o Tubig lang?" tanong sakanya ng nanay ko

"Juice lang po, salamat" magalang niya na sabi

Naks! Ang bait naman nito! Anong nangyari sa Leo na nakilala ko dati.

Nung umalis ang nanay ko para kumuha ng juice ni Leo hinarap ko si Leo at kinausap.

"Ano ba kailangan mo at nandito ka sa pamamahay ko?" mataray ko na sabi sakanya

Cold HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon