CH 4

120 3 1
                                    

Mia's POV

Kinabukasan ginawa ko ang daily morning routines ko. Ligo, bihis, blow dry. Pagkatapos ko gawin ang daily routines ko bumaba ako sa kusina para kumain.

Pagkaupo ko sa silya ay nakita ako ni Femria.

"Goodmorning maam- I mean Mia" bati niya saakin

"Goodmorning din Femria" walang gana kong sabi

Sino ba ang magiging masaya kung balik trabaho na ulit! Stress much!

"Bakit parang wala kang gana Mia?" taka niyang tanong saakin

"Kasi magtra-trabaho nanaman ako" malungkot kong sabi

"Oo nga po pala, diba secretary ka na ni sir Leo?" tanong niya

Secretary? Owshizzz! Oo nga pala secretary pala ako ng sungit na yun!

"Aish nakalimutan ko pala!" sigaw ko

"Nako Mia, kailangan mo na mag ayos, kakatapos lang kanina ni sir Leo kumain, baka nag bibihis na yun" sabi ni Femria

Dahil sa sinabi niya nagmadali na ako kumain at umakyat sa kwarto ko at naghanap ng damit.

Pinili ko ang black knee length skirt at white long sleeve. Naglagay ako ng lip gloss at face powder sa mukha ko.

Sakto ng natapos ako mag ayos may kumatok sa pintuan ko.

"Hey, Mia are you ready?" sabi ni Leo sa labas ng pinto

"Yup" sagot ko

Binuksan ko ang pinto at lumabas na ng kwarto. Pagkalabas ko ng kwarto nakita ko si Leo na nakasandal sa dingding.

Ang suot ngayon ni Leo ay cargo shorts, at polo.

Yung totoo, CEO ba talaga ito ng isang kompanya o empleyado lang. Mas mukha pa nga akong CEO kaysa sakanya eh!

"Bakit ganyan lang suot mo?" taka kong tanong sakanya habang naglalakad kami palabas ng bahay

"Ganito mostly suot ko papunta ng company, I'm more comfortable in this" sagot niya

Tumango na lang ako. Pagkasakay namin sa kotse ay umalis kaagad kami papunta sa company.

Habang bumabyahe kami ay tahimik lang kami.

Pag kasama ko talaga itong lalaki na toh ang tahimik eh.

"Ang gagawin mo lang sa company as a secretary ay mag che-check ng mga papel, at susunod sa mga utos ko" pag basag niya sa katahimikan

"Okay" sagot ko

Minutes later nakadating na kami sa company ay bumaba na kami at pumasok sa loob.

"Good morning sir Leo" bati sakanya ng mga babae sa information desk

Tumango lamang siya at nagtuloy tuloy ng lakad hanggang sa makadating siya sa elevator, pagbukas ng elevator ay may mga tao na nakasakay. Ang iba ay bumaba ang iba naman ay nag-stay. Pumasok kami ni Leo sa elevator at pumwesto sa gilid.

Nakarinig ako ng mga empleyado na nagbubulunggan.

"Sino siya?" sabi ng isang babae na empleyado

"Ang ganda niya" sabi naman ng isang empleyado na lalaki

"Kung sino man siya ang swerte niya" sabi ng isang babae

"Ang ganda niya, sigurado pa ako na mabait din siya" sabi ulit ng lalaki kanina

Hayssss first time ko pa lang dito sa company pinagtsi-tsismisan na ako.

Lumingon ako kay Leo at nakita na medyo madilim ang mukha niya. Nang tumigil na ang elevator sa office niya ay hinigit niya kaagad ako doon palabas.

Cold HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon