Teaser

821 8 0
                                    

It was a dream come true for Kevin to finally get the love of his life. Naging nobya niya si Pia na una niyang nakita sa orchidarium sa loob ng unibersidad nila. Hindi man naging maganda ang una nilang pagkikita ay nagpapasalamat na rin siyang nabigyan siya ng isa pang pagkakataon upang muli itong makita at maging kaibigan.

            Isang magandang pagkakaibigan na nauwi sa pagmamahalan. Their relationship was doing fine and he was willing to do everything for her. To make her happy. Akala niya ay sapat na ang dahilang nagmamahalan sila para mag-work out ang relasyong mayroon sila. Ngunit nagkamali pala siya. May mga dahilan pa rin palang magpapahiwalay sa kanilang dalawa. Kung minsan ay kailangan din pala niyang isakripisyo ang kanyang pagmamahal para sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.

            Ngayon ay hindi niya alam kung saan siya muling mag-uumpisa. Makalimutan niya kaya si Pia o maghihintay pa rin siya kahit hindi siya siguradong babalik pa rin ito sa kanya?

Just Because... I Love You  (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon