APnP#1

81 6 2
                                    

Vena's Pov

"Kamahalan,gising na po ipinatatawag po kayo ng inang reyna ngayon sa kanyang silid"

Si Amy,isa sa aking mga tagalingkod ,hay na ko ayaw ko ngang bumangon pa keagaaga tinatawag na naman ako ng momshie ko.

Humilik ako ng malakas para isipin niyang tulog pa ako hahaha,madalas akong nagpapangap matulog para di nila ako istorbohin.

"Mahal na Prinsesa?"

*Snoar*
Maya maya ay narinig kong bumukas ang pinto ng aking silid,sino naman kaya iyon,hmph istorbo sa pagtulog ko.

"Mahal na Prinsesa,gumising ka na alam kong nagtutulogtulogan ka lamang"

Sabi na e ,si Joaquin ung body guard ko hayss numero unong kontrabida sa buhay ko.

"Prinsesa Venus,bumangon ka na riyan ang tunay na prinsesa ay alam ang tamang oras ng pagbangon alas-sais nang umaga ay dapat bangon ka na kamahalan,dahil bilang prinsesa ay may mga tungkulin ka dapat mong gampanan"

Blah blah ,nanermon na naman!

"Ayaw mo talaga ah!"
Bigla niya akong binuhat na para bang bagong kasal.

"Joaquin ,hayaan mo na ang Prinsesa.."

Pagmamakaawa ni Amy.

Kahit buhat niya na ako ay nakapikit pa rin ako. Hahahaha.

"Amy,pag hinayaan natin siya ay hindi siya magiging matino kailangan niya matuto dahil isa siyang--"

"PRINSESA! AMY ,JOAQUIN SAWA NA AKONG MAGING PRINSESA!"

nagmamaktol ako at nagpapadyak.

"Hay na ko ,hindi ka talaga karapat dapat sa pwesto mo bahala ka na nga diyan.."

"Edi wow!"

"Joaquin..prinsesa pa rin siya.."

"Hayaan mo na yan Amy masyadong matigas ang ulo niyan ,di pulkit isa siyang prinsesa ay masusunod na ang lahat ng gusto niya"

Edi wow ,siya na magaling e sa ayaw ko nga nang ganto lagi na lang may nakabantay sa kilos mo tapos di mo magawa mga nais mo sa buhay,
ang totoo gusto ko maging Veterinarian ,mahilig kasi ako sa mga hayop lalo na sa aso't elepante .Mayron akong 100 aso ,5 elepante at 3 kabayo hayss nakakatuwa nais ko makapunta sa labas ng kaharian nais ko makita ung Maynila at iba pang bahagi ng Pilipinas.Bored na ako dito,buti na lang may mabilis na WIFI sa buong kaharian kaya kahit papano nakikita ko dito sa YouTube ung mga lugar dahil na rin sa mga vlogggers (video bloggers/influencers) ang saya lalo na ung kay Llyod Cadena ,Pam Swing at Luigi Pacheco at gusto ko rin ung mga Travelouge na palabas gaya ng Biyahe ni Drew (Drew Arellano) .Pati din maging vlogger ay nais ko rin.

Pupunta ako ngayon sa silid ni momshie kasi meron daw siyang importanteng sasabihin saakin.

Hays ano kaya un?! Hmp!

"*bow Magandang umaga po momshie este-inang reyna.."

"Anak,maupo ka muna sa gilid ko..mabuti na rin at isinama mo si Joaquin dito dahil malaking bahagi rin siya para sa nais kong ipagawa saiyo.."

Ammp ano kaya un,wag niong sabihing Fix marriage kami ni Joaquin,like eww! Napakacliche' at eww kasi di ko type ung body guard ko na un ,nakareserve lang ako kay Papa Cole Sprouse..

"Ma,wag ka na po magpaligoyligoy sabihin nio na po agad ,para po matapos na po ang lahat ng ito"

Anak,hija alam mong matanda na ako at ikaw lamang ang nagiisang anak namin ng iyong ama,dahil dun ay ikaw lamang ang dapat magmana nang trono ko,ikaw ang susunod na reyna ng kaharian..at bago iyon ay nais kong makapunta ka sa mga lugar dito sa Pilipinas ,unang una ay sa Manila at pinakahuli ay sa Julo at magsagawa ka ng pagtulong sa kanilang lahat,maninirihan ka sa bawat lugar ng 1 taon ..isama mo si Joaquin sa iyong paglalakbay..magingat kayo anak,mahal na mahal kita..:

Yan binasa ko na lang ung binigay na papel na inabot niya ,ang haba ah!

Napakadami namang utos sakin ni Momshie ,pero mukhang mageenjoy naman ako kasi makakagala ako ng buong Pilipinas,Yahoo!.

Kaso nga lang kasama si Joaquin,ngek napaka-Kj pa naman non!

"Ok po Momsh!,este Inang Reyna.."

Umalis na ako sa silid ni Ina at pumunta na ako sa silid ko para magpatulong kana Amy sa mga gamit ko at aalis na kami bukas ni Joaquin.

"Amy thank you,saka Amy please pakitawag naman si Miss Delia"

Maya maya pumasok si Joaquin sa room ko.

"Kamahalan.."

"Bakit nanaman?"

"Kailangan natin magusap Prinsesa Vena"

"Ano naman paguusapan natin ..aber?"

"Kailangan nating magusap tungkol sa iyong paglalakbay kamahalan.."

*yawn* "Tutulog na ako,bukas na lang "

"Kamahalan ,sandaling panahon lamang.."

*yawn* "Goodbye!,tulog na ako.."

*close the door*

Pero ang totoo nag-Instagram na lang ako hahaha priceless talaga yung mukha niya kanina hahaha..

😂😂😂😂😂

Sa totoo lang ,I have a hidden desire to Joaquin kaya ganyan ako sa kanya crush ko siya eversince na kinuha siyang body guard ni Momshie at Papshie 5 years ago..

13 ako nun at 14 sya,hayss batang bata no hahaha

Na-love at first sight ako dun

Flashback 5 years ago..

MOMMY:
"Princess,I've like to introduce to you your new body guard..He is Joaquin Fernandez ,anak ni Alicia (my babysitter) "

DADDY:

"Introduce yourself ijo.."

Wow ang gwapo nia,grabe body guard ko ba talaga yan bat ang bata pa.

"Ah ako po si Joaquin Fernandez 14 years old nangangako po ako na aalagaan ko po ang inyong prinsesa ,Reyna Saturnina at Haring Estefan .."

"Salamat ijo,sige sundan mo si Miss Delia at Amy at ituturo nila ang iyong silid at tuturuan ka naman ni Antonio ng iyong trabaho..pagbutihin mo ang iyong trabaho ah sige.."

"Opo.."

Napatulala na lang ako sa kanya ,wow bat ba ang gwapo ng body guard ko.

MOMMY:
"Anak,*snap* bakit ka tulala.. are you hungry?"

"Nope Mom,sige po gagawa pa po ako ng homework ko mom and dad..saka matutulog na rin po ako..good night muah"

MOMMY:
"Okay anak,sweet dreams"

DADDY:
"I Love you darling..muah!"

FLASHBACK ENDS..

HOPE YOU ENJOY
PLEASE VOTE AND COMMENT

THANKS 😘

Ang Pasaway na PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon