CHAPTER 3

42 4 0
                                    

Linggo ng umaga at sumama ako sa pagsisimba ni Manang Tes.

"Sariya, ilis dun!"

Una, hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Manang Tes. Ikalawa, argh! Ang ingay pala nilang mag-ina. Gusto ko nang magwalk-out ngayon o di kaya'y takpan ang tenga ko pero magmumukha lang akong rude o maarte kaya 'wag na lang.

Pumasok naman si Ate Sari sa kusina na nakabusangot ang mukha. Ano kayang pinagtatalunan nila? Malaki ba talaga ang pinagtatalunan nila na ipagkakait nila sa akin ang tahimik na almusal?

"Indi gani takon! Kamo lang bala ni El!"

Bakit naririnig ko pangalan ko?

"Insat indi kaw ha? Ano indi ka dulang magsimba ha?!"

May narinig akong simba.

Hmm. Napatingin ako kay Ate Sari. Para siyang nagrereklamo na ewan sa sinasabi ni Manang Tes.

Ayaw kaya niyang magsimba? O meron siyang problema sa simbahan nila?

Natapos ang maingay na almusal at sa huli ay hindi napapayag ni Manang Tes si Ate Sari sa anumang gusto nito. Tama nga ang hinala ko, ayaw sumama ni Ate Sari. Hindi kasi siya nagbihis at mukhang wala talagang plano.

Habang naglalakad sa sidewalk palabas ng village ay tinanong ko si Manang Tes.

"Bakt hindi po sumama si Ate Sari?"

"Hay nako!" Nagulat pa ako sa palatak niya. "Si Sariya kasi, noong bata pa iyan, lagi ko iyang sinasama sa pagsisimba. Pero pinadala ko lang sa isang camp, pagbalik niya hindi ko na maintihan ang paniniwala ng babaeng iyon!"

Ahh. May nangyari siguro kaya ganoon si Ate Sari. "Ilang taon po siya nung nag-camp?"

"Mga grade 10 siya e, siguro mga 15 o 16 na iyong edad niya, hay nako iyong batang iyon."

Sa paniniwala ko, mukhang may mga nangyari na nagpabago sa paniniwala ni Ate Sari. May mga bagay na kumwestiyon sa paniniwala niya noon at naghanap siya ng sarili niyang sagot. At iyon na ang pinaniwalaan niya. Gayunpaman... Napatingin ako kay Manang Tes. Kailangan niya pa ring respetuhin ang desisyon ng anak niya.

Matapos magsimba ay inaya ako ni Manang Tes na mag-mall. Pinag-usapan namin ang tungkol sa nangyari sa basketball court kahapon. Iyong mga manyak!

"Baka naman binibiro ka lang, maganda ka kaya nilapitan ka."

Bakit kaya mukhang hindi makapaniwala si Manang Tes na nabastos ako ng mga lalaki kahapon? Pareho sila ni Ate Sari. They are somewhat defending those guys.

"Hi Ate," bati ko ng makita siyang nakaupo sa isang stool na nasa harapan ng bahay.

Meron siyang hawak na baso ng shake na paminsan-minsan niyang iniinom.

"Si Nanay?" tanong niya.

"Pumunta po sa bahay ng kaibigan niya."

"Ahh, kay Tita Fe siguro. Gusto mo ng shake? Mango flavor, kumuha ka lang sa ref."

"Sige, Ate, dito lang ako sa kwarto."

Matapos kumuha ng shake ay umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis. Matapos ay naisipan ko na tumambay sa terasa kasi naiinitan pa rin ako dahil sa panahon.

Hinawi ko ang malaking kurtina at tumambad sa paningin ko ang pintuan na gawa sa kahoy na naghahati sa terasa at kwarto ko.

Bitbit ang shake ay pumasok ako sa terasa at naupo sa nag-iisang antique na upuan doon. Mukhang gawa iyon sa isang matibay na kahoy. Sumandal ako roon at tinanaw ang tanawing abot ng aking mga mata.

Ang ganda pala rito. Ngayon lang ako nakatambay sa terasa dahil lagi akong nasa garden. The view is nice and I know the I can see the sun rising from here.

Tumingin ako sa hardin kung saan nakaupo si Ate Sari kanina pero wala na siya roon. Pumasok na siguro.

Ding-dong!

Ding-dong!

Huh? Tatayo na sana ako para pagbuksan ang nagdo-doorbell pero nakita ko si Ate Sari na patakbo ng lumapit sa gate.

Naupo na lang ulit ako at uminom ng shake, ang mata ay nakatutok sa taong pinagbuksan niya ng gate.

Lalaking may malaking bag sa gilid, nakapantalon at T-shirt. Nag-usap pa sila ni Ate Sari ng ilang segundo. Tapos biglang lumingon sa direksyon ko si Ate Sari. Nang makita ako ay sumenyas siyang pumunta roon.

Ako?

Bumaba ako na puno ng pagtataka.

"A-Ano 'yon, Ate?"

"Ikaw po ba si Ellah Marie Cecilia?" tanong no'ng lalaki sa akin.

"Ako nga po. Bakit?"

Nilahad niya sa akin ang isang maliit na sobre at ganon na lamang ang panlalamig ko ng makita ang pamilyar na simbolong meron doon.

"Meron pong nagpadala nito sa inyo." Matapos ibigay sa akin ay tumakbo na palayo ang lalaki kaya naman tinawag pa siya ni Ate Sari. Habang ako naman ay unti-unting binalot ng pagkalito at pangamba. Itong sulat na'to...

A-Anong nangyayari?! Lumayo na ako sa Isla! Bakit pa ako nakakatanggap ng ganito?!

"El, okay ka lang?"

Tinago ko agad ang sobre sa bulsa ng jeans ko.

"Oo, Ate. Aakyat po muna ako!"

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at tumakbo na ako papasok sa mansyon. Ni hindi ko nga alam kung paano ko pa nagawang makaakyat sa taas kahit na sobrang naduduwal ako.

Sandali...nalilito ako! Bakit hanggang dito ay sinusundan pa rin ako ng problemang ito? Akala ko ba—arrgh! Bakit? BAKIT?!

Mariin ang pagkakatitig ko sa sobre. Sa kanya ito. Pagmamay-ari ito ng taong sumira sa buhay ko. Kung gano'n, wala pa rin talaga siyang balak na tigilan ako?

Dahan-dahang binuksan ko ang sobre. Ano na naman ang binabalak niya? Ano na naman ang kailangan niya sa akin ngayon?

Ellah,

I'm always near you and your friends.

Ang pagpadala ng sulat ay nangangahulugan lamang na alam na niya kung nasaan ako. Nalilito ako kung bakit niya pa ako ginagambala? Ano pa ang binabalak niya?

Napatingin ako sa cellphone ko na nasa terasa. Umiilaw-ilaw na naman ito, hudyat na may tumatawag. Ang mga kaibigan ko. Bakit niya binanggit ang mga kaibigan ko? Lumayo na ako sa Isla! Lumayo na ako sa sarili kong pamilya! Ano pa ba ang kulang?

Pero wala pa rin akong magagawa! Kailangan ko silang tawagan! Dahil ang isang mensahe na ito, kapag isinawalang-bahala kong muli ay baka pagsisihan kong muli.

Nanginginig na kinuha ko ang cellphone ko at mabilis na hinanap ang numero ni Rocky.

RUNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon