CHAPTER 10

24 1 0
                                    

"RISE AND SHINE!"

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang malakas na boses ni Rocky. Mabilis na tiningnan ko agad ang paligid kung may nangyari bang masama o ano. Pero ang nakita ko lamang ay isang lalaking nakaupo sa gilid ng kama at nakangisi habang nakatingin sa akin.

"Anong nangyari?"

Natawa siya.

Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit, bigla na lang kasi akong bumangon.

"Oh, anong problema?"

Rocky held my chin and made me look at him. His face is now worried.

"Masama ba pakiramdam mo?"

"NO, YOU IDIOT! GINULAT MO AKO!" I grabbed a pillow and mercilessly pounded it to him.

"Here, milk?" Napairap na lamang ako kay Rocky.

"Thanks."

Kumuha ako ng isang pack ng hotdog sa freezer at napansin ko nakabuntot siya sa akin. Kahit na hanggang nasa harap na ulit ako ng kalan.

"Anong sinusunod-sunod mo?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Milk," he raised the cup of milk he's holding.

"Please, ilagay mo na lang sa mesa." Then I turned to my cooking again.

"Galit ka sa akin?"

"Bakit ako magagalit sayo?"

"Kasi kanina ginulat kita."

"Maybe?"

"El..."

Ate Sari came barging in. "Good morning, lovers!" she said in a loud voice.

I frowned. "Come on, Ate!"

"Oh chill! I'm just happy today."

I cooked hotdog and fried egg for breakfast. Sakto namang bumaba si Manang Tes nang matapos kami sa paghahanda ng mesa.

"Good morning!" bati niya.

Bumati kami at naupo nang lahat sa harap ng mahabang mesa.

"Ano iyong narinig ko kanina?" tanong ni Manang Tes.

"Ah! Ginising ko lang po si Ellah."

Himala nga eh. Lagi kasing tanghali nagigising 'to kaya nagulat ako na nandoon siya. Ang sakit din ng ulo ko dahil bigla akong bumangon. Hindi bali nakabawi na naman ako.

"Anong gagawin niyo ngayong araw?" si Manang Tes.

"Mamamasyal!" masayang sagot ni Rocky.

"Saan?"

"Dito lang po muna sa village. Meron kasi akong nadaanan na mga bahay, ang gaganda ng pagkakagawa at pagkakadisenyo. Kaya, samahan mo ako El, ah?"

Napanguso ako. "Di ko pa masyadong nakabisado ang village. Pero mukhang hindi naman tayo maliligaw. Okay lang po ba Manang Tes?"

"Oo naman! Ipasyal mo itong si Rocky! Mamasyal kayong dalawa!"

Kaya ganoon nga ang ginawa namin. Umikot kami ni Rocky sa buong village. Ang kaibahan lang ay pareho kaming nagja-jogging. Nakasuot siya ng shorts at gray cotton shirt. Ako naman ay leggings na sinuot ko noong Sabado at pink na jersey shirt.

"Grabe! Marami ka ng ginagawa! Nag-improve ka na! Noon, hindi ka mapajog-in place man lang kahit sa trainings niyo, ngayon iba ka na!"

Ngumisi na lamang ako. It's true, I don't jog even during trainings. Kaya madalas ay pinapagalitan ako.

RUNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon