EPILOGUE

38 2 0
                                    

Nagsimula ang lahat sa isang simpleng sulat. Na pinili kong ignorahin, sa pag-aakalang walang halaga ang bagay na iyon. Pinapaalalahanan akong mag-ingat, minsan tinatakot ako. Kaya bakit ko papansinin? Akala ko, isang tao lang iyon na walang magawa sa buhay niya at imbes ay ako ang pagdiskitahan.

Pero namatay ang Kuya ko. Namatay si Mommy at Daddy. Nagulo ang buhay ko. At ang unang pumasok sa isipan ko, sino ang may kagagawan nito? Sino ang gumawa nito sa pamilya ko? Bakit? Hanggang sa wala na akong nakitang sagot. Patuloy akong nabuhay sa takot at pangamba, walang mapagkatiwalaan. Ngayon, nasa harapan ko na ang taong matagal ko nang hinahanap. At ang tanging nararamdaman ko ay takot. Gaano man ako ka galit sa kanya, dahil sa mga pinanggagawa niya sa akin at sa pamilya ko nangingibabaw pa rin ang walang katapusang takot. Na halos magkandapa-dapa ako habang tinatakbo ang distansya ng gate.

"Ellah, sandali!"

Kahit na rinig ko ang mga sigaw ni Jace ay hindi pa rin ako tumigil sa paglisan. Panay lang ang hagulgol ko at diretso ang pagtakbo hanggang sa makalayo na ako roon. Tumigil ako sa isang puno, habol ang hininga at panay ang lingon sa pinanggalingang direksyon.

Nandito na siya. Harap-harapan niyang inako ang pagkatao niya. Na siya ang taong hinahanap ko, kahit hindi niya man sabihin kung ano ang tunay niyang mga ginawa noon, sapat na ang mga salita niya upang mapatunayan na siya ang taong iyon.

Halos mabaliw ako sa pwestong iyon pero makalipas ang ilang minute ay natanto ang pagkakamali ko. Hindi! Nahihintakutang tumayo ako at dahil sa pangamba para kina Jace at Danny ay patakbong bumalik ako sa bahay nila. Bakit iniwan ko sila? Kriminal ang kasama nila, tapos umalis na lang ako basta-basta?! Shit, Ellah!

"Jace!" sigaw ko sa labas pa lang ng bahay.

Alam kong natagalan ako. Pero sana ay ayos lang sila. Kapag may nangyaring masama sa kanila, baka sisihin ko lang ang sarili ko! Laging napapahamak ang mga taong malapit sa akin!

"Jace!"

Makalat na sala nila ang naabutan ko. Lalo lang nadagdagan ang pangamba ko. Tumakbo ako paakyat sa hagdanan nila ng walang makitang tao sa kusina nila. Hindi ko na muna pinansin ang mga nagkalat na gamit sa kusina at sa sala. Natigilan lang ako nang makasalubong sa hagdanan si Jace. Buhat si Danny na makikitaan na ng takot ang mukha. Napahagulgol ako sa nakita. Akala ko napano na sila! Akala ko may mangyayari na namang masama sa kanila!

Natutop ko na lamang ang mukha ko, dumausdos sa hagdanan at walang tigil ang panginginig ng mga balikat. "I'm sorry, Jace. Sorry, iniwan ko kayo," paulit-ulit na usal ko na halos ako na ang marinidi sa sariling boses.

Isang mainit na yakap lang ang natanggap ko, na alam kong nagmamay-ari kay Jace. Wala siyang sinasabi at panay lang ang pag-alo sa akin.

"I'm sorry, Jace. Natakot lang ako sa kanya, kaya nakalimutan ko kayo ni Danny at umalis kaagad. I'm sorry!"

Umiling lang siya at marahang hinagod niya ang buhok ko. Lalong gumaan ang pakiramdam ko nang pati si Danny ay nakihagod sa buhok ko. Dalawang pares ng mata ang nakatingin sa akin, pilit akong pinapakalma. Lalo lang tumulo ang luha ko.

"Nandito na siya, Ellah. May pagkakataon ka ng makabawi sa ginawa niya sa 'yo pero umalis ka."

"Alam ko, Jace. Natakot lang ako. Sobrang natakot ako! Hindi ko alam ang gagawin ko, kung susumabatan ko ba siya o tatawag ng pulis o ano? Tapos noong maalala ko kayo ni Danny, bumalik kaagad ako! Na baka dahil sa akin, napaano kayo. Na baka may napahamak na naman dahil sa akin."

Marahil ay dahil sa pagngawa ko kaya pati si Danny ay napaluha na rin. Nagkatinginan kami ni Jace at natanto naming hindi dapat nakikinig sa usapan namin ang batang ito.

RUNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon