CHAPTER 20

17 1 0
                                    

Itim na shorts at t-shirt na pinatungan ng sweater ang suot ko. Maliban doon ay meron pa akong nakatagong spray na maaaring makatulong sa anumang mangyayari.

"Diin ka makadto?" Pababa na sana ako ng hagdan ng marinig ang malakas na boses ni Manang Tes. Kinabahan agad ako dahil baka hindi ako makaalis ng bahay kapag nahuli ako. I lied a lot of times, but I know most of them are not convincing.

"Kay Jace lang."

Jace?

"Gab-i run, Sariya. Ano urubrahon mo gani diri sa balay?"

"Dasig lang ako, Manang Tes. May itao lang ako sa ana."

Napakunot-noo ako. Manang Tes? Nagkamali ba ng rinig sa sinabi ni Ate Sari? Bakit hindi nanay ang sinabi niya? Hindi ko man naintindihan ang pinag-uusapan nila ay naguluhan naman ako sa huling sinabi ni Ate Sari.

May narinig akong yabag na parang papalapit sa akin kaya bumalik agad ako sa ikalawang palapag at nagtago sa kwarto ko. Nag-iingat na hindi makagawa ng ingay.

Mag-aalas nuwebe na. Kailangan ko ng pumunta sa sinabing lugar ng nagpadala ng mensahe sa akin. Kaming dalawa lang ang nakakaalam ng mangyayari kapag hindi ko ginawa iyon. Kapag muli ko siyang ignorahin. I cannot make the same mistake again.

Ewan ko kung nasaan si Ate Sari, pero mukhang may pupuntahan siya. Narinig ko rin ang pangalan ni Jace. Si Manang Tes, baka nakaakyat na sa kwarto niya. Maya-maya na lang ako bababa para makasiguradong wala na akong makakasalubong sa hallway at sala.

Habang nakaupo sa kama ay tinawagan ko na muna si Rocky. Gusto kong malaman kung okay lang sila ngayon. Gusto kong makasigurong walang mangyayaring masama. Ilang ring lang at sinagot na agad niya ang tawag ko. Antok ang boses at parang kagagaling lang sa tulog.

"El, may nangyari ba, bakit napatawag ka ng ganitong oras?"

"Nagising ba kita?"

"Hm, yup. Nakatulog ako right after dinner. But it's okay, bakit ka tumawag?"

"Kumusta sina Stacy? Kumusta yung iba? Okay lang ba sila ngayon? Pwedeng pakitawagan?" Napalunok ako nang hindi siya sumagot pero parang may gumalaw sa kabilang linya. "Rocky?"

"Sure. Sure, baby. Tatawagan ko sila ngayon."

Namatay na agad ang tawag at ang malamig niyang boses ang huli kong narinig. Mga ilang minuto pa ay nag-ring na ang cellphone ko.

"Ayos naman sila. Kaya lang, hindi ko matawagan si Maddel, out of reach siya."

Hindi matawagan si Maddel? Maaaring may ginagawa lang siya ngayon o maaaring may kinalaman ito sa nangyayari sa akin ngayon. Bigla akong hindi mapakali.

"T-tawagan mo ulit, please."

"Hindi na, pupunta ako sa bahay niya ngayon."

"H-Huh?! Wag!" Napatakip ako sa bibig ko sa gulat.

"Bakit?"

"Tawagan mo lang, b-baka sumagot naman maya-maya. You don't have to travel there."

"Okay lang naman na puntahan ko. Alas otso pa lang nam—"

"H'wag na, Rocky! Just...Just stay home, okay?" I can't take the risk of putting him in danger, too.

RUNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon