CHAPTER 27

18 1 0
                                    

"Pinaghandaan talaga nila ang camp na 'to ah?" Namaywang si Magenta habang tanaw namin ang entrada ng munting kakahuyan.

"Safe kaya rito?" si Sunshine.

"Rinig ko, s-in-ecure nila ang buong lugar na 'to. Para safe sa mga students," ekspleka naman ni Patricia.

"El, psst!" Nilingon ko si Jace na kanina pa nangungulit. Sumenyas na naman siya ng good luck sa akin. Ngumiti na lang ako at nag-focus na sa mga kasama ko. After a while, the game officially started. Kulay asul ang napili naming kulay kaya pagkapasok pa lang sa entrada ng kakahuyan ay nagsipag-hanap na kami. And here we thought that it's everywhere. Hindi pala. Dahil halos wala kang makitang kahit anong card sa lupa o sa damuhan. We stopped near the entrance samantalang mas pumasok sa kakahuyan ang lahat ng grupo ng kalalakihan. Ang iba'y nagsisigaw sa excitement.

"How about we separate, para mas madali?" Magenta suggested. Sumang-ayon ako at pumalakpak naman si Patricia.

"Okay, Maj at Sunshine kayo ang magkasama. El at Aya, kayo naman. After thirty minutes, bring all the cards here in the same spot. Then gagamitin natin ang thirty minutes para hanapin ang tamang object, ayos?"

We agreed and walked on different directions. It was a little awkward with Aya. And it became more awkward to be with other boys around. We found seven blue cards in total. Nakaka-tempt lang kumuha ng ibang cards na paminsan-minsan naming nakikita.

Nilingon ko si Aya. She motioned for me to come. Naghanap pa ako ng konti pero mukhang wala na talaga. And when I turn around, I saw a black card hanging on a branch of a tree. I think there's no black in any designated colors, so why is there something like this? A wild card? Tatawagin ko pa sana si Aya pero nauna na siya. I bit my lip and walked towards it. Higit pa sa abot ko ang taas ng pinagkakabitan no'n kaya kailangan kong umakyat.

This black card is mysterious. Bakit nasa taas ito ng puno?

"Aakyat ka?" That baritone voice made me gasp and turn.

Louhan Cabrieas is standing near me, his hands on both his pockets. Hindi ko man lang siya napansin.

"M-Meron kasing itim na card, kukunin ko lang."

He looked at where I pointed my finger and nodded. "I see. Let me help you then." Lumapit siya kaya tinaas ko agad ang kamay ko para pigilan siya. What will he do? Lift me? No way!

"H'wag na, ako na lang. At saka bumalik ka na sa team mo. Malapit nang matapos ang laro."

Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. It was actually the stare that's making me want to shoo him away. I don't like this awkwardness.

"Sige na," pilit ko pa.

He sighed then walked away. It then took me five minutes to get the card. I decided to read it, thinking that maybe it's a bonus card for the game.

Mali ako. Dahil ang nakasulat doon ay sobrang pamilyar at hindi ko lubos na inaasahan. Ellah is the first word that I saw. At sapat na iyon para mapaatras ako ng ilang hakbang. Napa-ay ang taong naatrasan ko bigla kaya napalayo agad ako sa kanya.

"S-Sorry!"

"Ano pa ang ginagawa mo? Thirty minutes na!" reklamo ni Aya. Tinago ko kaagad ang black card sa bulsa ng pantalon ko na hindi niya na napansin.

"Sorry," sabi ko na lang.

Lahat ng ginawa namin noong hapon na 'yon ay hindi na nagsink-in sa akin. Kundi sa sulat na kanina ko pa bitbit.

"Okay ka lang? Hello? 3rd tayo!" Maj lifted the little trophy she had.

"Ellah! Congrats!" Jace suddenly approached me.

RUNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon