CHAPTER 1

64 9 0
                                    

The City of Love ang nakaukit na salita sa malaking billboard na nakita ko. Nandito na nga ako sa Iloilo at magta-tatlong araw na simula ng umalis ng walang paalam sa Isla. Naninibago ako dahil sa syudad na sobrang layo sa kinasanayan ko kaya naman madalas na mabigat ang pakiramdam ko. Pero sana lang ay makapag-adjust na ako ng mabilis dahil kakailanganin ko iyon.

Marami pa akong aasikasuhin para sa enrollment sa second semester kaya ngayon ay sinamahan ako ng anak ni Manang Tes na bumili ng school supplies sa pinakamalapit na mall. Wala na din naman akong problema sa uniform bukod sa bayaran na lang ito dahil merong licensed tailor ang paaralan na papasukan ko.

"Medyo malayo po pala ang mall sa mansion."

Abala ako sa pagbili ng binder sa mga stalls habang nakasunod naman sa akin si Ate Sari. Siya ang nag-iisang anak na babae ni Manang Tes.

"Oo nga pero marami namang sasakyan kaya walang problema."

Tumango-tango ako. "Ate, mahilig ka bang mamasyal?"

"Hindi masyado. Mas gusto ko kasing gugulin ang oras sa tahimik at makapagpahinga kesa magpagod."

"Oo nga naman po. Ah, kain po tayo ng float ah? After nating mamili."

"Sure, oh tapos ka na ba?"

Umiling ako." Bibili pa ako ng inks eh. 'Di ba meron namang printer doon sa bahay?"

"Oo. Ako ang gumagamit no'n noong college pa ako."

"Buti naman at nakatulong sa iyo."

"Oo nga. Sinabi kasi ng Mommy mo na kung gagamitin ko ay anytime pwede kong hiramin kaya hindi ko na kailagang...maghanap."

Bahagya akong natigilan dahil doon. Ang muling pagkakabanggit kay Mommy ay isang alaalang ayaw ko nang balik-balikan. Bigla yatang bumigat ang pakiramdam ko.

"Okay ka lang?"

Agad na dinaluhan ako ni Ate Sari kaya agad kong hinamig ang sarili ko. Ayoko na maguilty si Ate Sari. Alam ko naman na hindi niya sinasadya dahil malamang wala siyang alam sa nangyari nitong mga nakaraang taon.

"Excuse me."

Hinila naman ako ni Ate na tumabi dahil may babaeng dadaan sa likod namin.

"Ellah, sorry."

"Huwag niyo na pong alalahanin 'yon. Kain na po tayo?"

Hindi pa man siya nakakasagot ay tinulak ko na ang cart patungo sa counter at pumila. Tahimik lamang ako at pilit na inaaliw ang pagtingin sa paligid. Nasa likuran ko si Ate Sari at tahimik lang din siya.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Ganito na talaga ako kapag nababanggit ang pamilya ko. Nagiging emosyonal. Naalala ko pa noong nagluluksa pa ako ay lagi akong umiiyak lalo na kapag aksidenteng napag-uusapan ng mga kaibigan ko ang nangyari. I am okay as long as no one says anything. Because it has been for me since then, the mention of the past is bringing me back to that pain as well.

Matapos magbayad ay dinala na ako ni Ate Sari sa isa sa mga food court na nandito sa mall. At kahit na sinabi ko na okay lang talaga ako ay siya na ang nagbayad ng kinain namin para naman daw makabawi siya. Hindi ko lang sinabi, but it made me feel worser.

Hindi na kami nagtagal ni Ate Sari roon dahil pareho naman kaming walang interes sa pamamasyal. At saka, ramdam ko rin naman na nag-iba ang temperatura sa pagitan namin kaya naman mas mabuting umuwi na lamang kami.

Pagbukas ko ng malaking pulang gate ay tumambad sa akin ang mansyon na pagmamay-ari ng pamilya Cecilia, ang pamilya ko.

Kahit na sa labas pa lamang ay kita ko na ang magandang pagkakadisenyo rito. Malaki ang mansyon at malapad ang sakop. Dominante ang puti ang kulay na nakapintura sa matitibay na mga pader. Walang masyadong kaartehan sa labas ng bahay maliban sa hardin at ilang upuan. Nakasara rin ang mga bintana kaya hindi masyadong mapupuri. Ang namumutawi lamang sa kanyang paningin ay ang iskulturang nasa sentro ng harapan ng bahay. Nakatigil sa pagitan ng una at ikalawang palapag kaya hindi makakawala sa mata ng sinumang papasok ng bahay. Isang magandang babae na may mahabang buhok at magandang pangangatawan. Hindi siya nakangiti o nagpapakita ng anumang emosyon kundi nakadungaw lang sa ilalim. Sa akin. Sa taong titingala sa kanya.

RUNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon