CHAPTER 18

21 0 0
                                    

"Here." Inabot niya ang kanyang IPhone sa akin. Nagtipa na ako ng number ni Ate Sari habang ginagaya ito sa cellphone ko. Hindi ko kasi kabisado.

"You should memorize important contacts and always have the load for emergency calls. You need it when you're in a bad situation."

Tumango na lamang ako at nagtipa na ng mensahe. Matapos ay isinauli ko na sa kanya.

"Salamat—"

Nagulat pa ako na imbes na kunin niya iyon ay hinawakan niya ang balikat ko at mataman akong tiningnan sa mata.

"Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ayaw mong i-report ang nangyari kanina? Muntik ka ng mapahamak!"

Kahit na sumang-ayon siya sa kagustuhan ko na hindi na ito ipagsabi sa iba ay hindi niya pa rin mapakawalan iyon. Ako rin ay gustong ipagsabi na ito sa otoridad, pero ako lang ang nakakaalam ng mangyayari kapag ginawa ko iyon. Alam ko ang magiging kapalit dahil naranasan ko na iyon.

Kahit ako ay natatakot. Pero wala akong magagawa. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit sinugod ako ng mga lalaking iyon kanina. Alam kong inutusan lang sila. Natural na nagtatagalog sila kaya malabong taga-rito sila. Ikalawa ay may sinabi siyang kapag tumakbo ako ay merong mamamatay. Isang tao lang ang nagbigay ng ganitong banta sa buhay ko. Pero hindi ko sasabihin sa kanya ang dahilan. Wala akong sasabihin.

"K-kailangan ko ng umuwi. Maraming salamat." Tumayo na ako pero sumunod pa rin siya.

"Sa tingin mo ba hahahayaan kitang umuwing mag-isa? Sasamahan kita!"

Tumango na lamang ako at muling nagpasalamat. Medyo may takot pa ako na maglakad sa labas pero ayoko na mag-alala si Ate Sari. Medyo malayo ang bahay ni Jace sa mansyon namin. Malayo rin sa entrance at mas malapit sa basketball court. Katunayan ay mas malayo pa sa court ang bahay niya.

"Baka gusto mong sumakay na lang? Wala bang masakit sa iyo bukod diyan sa tuhod mo?"

Meron, ang tiyan ko.

"Okay lang ako, gasgas lang naman, wala na."

Mukhang hindi siya kumbinsido pero nauna na akong maglakad kaya wala na siyang nasabi pa.

"Bakit ka sinugod ng mga lalaking 'yon? Sino sila? Imposibleng makapasok sila ng basta-basta rito sa village!"

Hay. Mukhang ayaw niya talagang tumigil. Sabagay, kung ako ang nasa posisyon niya ay mag-aalala rin naman ako. Malamang muntik na akong mapahamak. Pati ako ay hindi matahimik kung ano ang sadya ng dalawang lalaking iyon.

"Ellah," tawag niya. Mukhang naghihintay talaga ng sagot.

Tumikhim ako. "Jace, h'wag kang mag-alala. Wala lang yun."

"Wala?! Hinahabol ka tapos wala lang?? E, paano kung namatay ka o bugbog sarado? Sasabihin mo pa rin ba na wala lang iyon, El?"

Grabe naman tong mag-outburst! Sobra pa sa akin na ako mismo ang biktima.

"OKAY! Kilala ko sila. M-Meron silang g-gang sa dati kong school." Ang laking kasalanan ng pagsisinungaling naman oh! Kaya ayokong may nagtatanong eh! Mabuti ng walang sabihin kesa sa gumawa ng kwento.

"M-May utang ako sa kanila kaya sinundan nila ako rito!" Umaasa talaga ako na sana ay kumagat na lamang siya sa palusot ko pero nang makita ko ang mukha niya ay nakakunot ang noo niya. Hayyy! Napatampal ako sa noo ko. "Jace, bitawan mo na, okay? Wala na iyon. WALA NA. Kaya huwag ka ng magtanong. Ayoko rin na malaman nina Manang Tes at Ate Sari, okay? Baka mag-alala lang sila. Ano pa ang gawin nila."

"FINE! It's for you to know and I will sooner find out!" Tinuro niya pa ako at siya naman ang naunang naglakad sa akin.

"Okay..." Atleast, hindi na siya mangungulit.

RUNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon