CHAPTER 25

16 1 0
                                    

After orientation ay nag-dinner na ang lahat. Mag-isa lang ako sa pila at pansin ko rin na karamihan ay merong kausap maliban sa akin.

I exhaled my boredom at kinuha na lamang ang cellphone ko sa bulsa ng jacket. Medyo malamig na kasi padilim na. Maglalaro na sana ako ng Candy Crush pero may biglang sumundot sa tagiliran ko kaya napa-ay ako ng malakas. I turned only to see Jace. Pansin ko na agad ang kulay itim niyang longsleeves na bumagay talaga sa kanya.

"Hi! Buti kakain ka!" Kumaway pa siya ng dalawang kamay sa akin. Umayos ako ng tayo at tumikhim. Pa'no kasi, napatingin sa akin ang nasa unahan at likuran ko na parehong babae. Bakit hindi, sa gwapo ba naman ni Jace hindi pa sila mapapatingin?

"Well, gutom eh. Bakit dito ka, 'asan ang pila mo?"

Tinuro niya ang direksyon ng mga tents na hindi lang kalayuan sa aming tent. Mga 4 tents apart lang ang agwat namin. Nakita ko yung mga kaibigan niyang lalaki na nakapalibot malapit sa tent. Kumakain habang nagkukwentuhan. Walang reklamong nakaupo sa damuhan.

"Tapos ka na?" tanong ko habang ang mga mata ko'y naghahanap ng pamilyar na pigura. Pero wala akong nakita.

"Yup. Nagsauli lang kami ni Louhan ng plato." Napaayos agad ako ng tayo ng marinig ang pangalan ni Louhan. Dito siya?

"Oh, usod ka na!" Itinuro niya ang espasyo na lumuwang sa harapan ko. Malapit na ako sa counter na nasa loob ng bahay. Sumabay naman sa pag-usad ko si Jace. Ngiting-ngiti pa rin sa akin.

"Anong problema mo?" taas-kilay kong tanong.

He smiled even wider, made me think he's weirder. Then suddenly he motioned me to come closer. Syempre hindi ko ginawa.

"Bakit?"

Siya na lamang ang lumapit sa akin at nilapit ang bibig sa tenga ko. Medyo napaatras pa ako, pero nang makuhang parang may ibubulong lang naman siya ay lumapit na rin ako ng konti.

"Pasyal tayo mamaya."

Umusad muna ako sa pila. "Baka hindi pwede. 'Di ba may roll call?" Napatikhim ako ng biglang lumingon ang nasa harapan ko. Shems, baka akala nito ano ang pinag-uusapan namin ni Jace. "Bakit ba kasi?"

"Pasyal nga." He mouthed.

Natawa ako. Ang laki pa kasi ng bibig niya na parang OA ng pagkakabigkas. Inilahad ko ang kamay ko sa harapan niya. His brows furrowed.

"Ano?" tanong niya.

"Cellphone mo. Text na lang, next time na ang pasyal."

Ngumuso lang siya pero binigay din naman ang cellphone. Matapos ay tinaboy ko na siya.

Three days and two nights kami rito sa Guimaras. Merong bonfire ngayong gabi at bukas ng gabi meron din. Pero ngayon, wala pang masyadong interested kasi panay ang ikot nila sa area at sa dalampasigan. Ako naman ay tumambay sa damuhan na hindi kalayuan sa bonfire. Hawak ang cellphone at katawagan si Rocky. Ayaw ko naman na mag-stay doon sa tent namin. The negative vibe's still there dahil sa away kanina ng dalawa. I'd rather be here.

"Talaga? Na-late ka?" palatak ni Rocky. "That's hilarious."

"Mas malala, nakalimutan ko talaga. Mabuti na lang ginising ako ni Manang Tes. Nagulat nga rin siya na kakagising ko lang."

Bumunghalit ulit siya ng tawa. I roamed my eyes around me. Tents are everywhere, forming a large space at the center kung saan nakapwesto ang bonfire. Sa puno rin nakakabit ang mga ilaw kaya medyo maliwanag kahit anong oras na.

"H-Hey, bumalik ako sa bahay mo last week. I saw something." His voice sounded low.

"Anong nakita mo?"

RUNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon