CHAPTER 15

30 1 0
                                    

FLASHBACK

It's about time, Ellahwritten the card placed on my locker. Sino namang maglalagay nito?

But I never really got curious about it so why bother on thinking about the mysterious sender? Anyway, that person is right. It's about time that I go home. Hindi iyon ang huling beses na nakatanggap ako ng mensaheng laging nakasulat sa iba't-ibang kulay ng papel. Katunayan ay araw-araw na yata akong nakakatanggap no'n.

I wonder if you can make it. -says another card.

Make what?

"What's that?" Dumating si Rocky at inakbayan ako.

"Wala, scratch." Tinapon ko na ito sa kalapit na basurahan. He just pouted and placed his hands on my head kaya naiinis na tinampal ko 'yon.

"Aw!"

"Eh 'di ikaw na matangkad!"

"Matangkad ka din naman ah? You're 5'3, right? Matangkad na 'yan!"

"Whatever. Anyway, sa tingin mo ba merong taong galit sa akin dito sa school?" I think the sender is angry at me. Iyong mga messages niya kasi parang chi-na-challenge niya ako.

"Meron, marami."

"Sino naman?"

"People you know and people you don't know."

"Pero bakit?"

"Maybe you have done something na ayaw nila o 'di kaya ay insecure sila sa 'yo."

Then who among those will send me this cryptic messages?

"Bakit? May nang-aaway ba sa'yo? Sabihin mo lang, resbakan namin ni Jan!"

"No, thanks! I can handle it."

But it seemed that those letters had their limit.

"At ano ang ginagawa mo, Ellah?!" Nakakabinging sigaw ng aming coach.

Ngumisi lamang ako at nagpatuloy sa ginagawang pagsi-split sa rubber mat.

Lumapit siya at namaywang sa harapan ko. "Bakit hindi ka sumama sa mga teammates mo? Nagja-jogging na sila!" Tinuro niya pa ang mga ito.

"Pass na muna ako, coach."

"Pass? Eh tatlong araw ka nang hindi sumusunod sa routine, ah? Ano hindi ka na lang ba magja-jogging?"

Hmm. "Pwede rin coach."

"Coach, huwag mo nang pilitin 'yan, sayang lang effort mo."

"Oo nga coach!" Kantiyaw ng mga kasama ko mula sa malayo.

Napailing na lamang si coach at umalis na sa harapan ko. Napangisi na lamang ako. Pero ang totoo ay nalilito ako. Kaninang umaga ay meron na naman akong natanggap na mensahe. And I felt like among those messages, it is the creepiest. I felt weird everytime I think about it.

"Mabuti naman at hindi ka pa inaalis sa team niyo?" Pambungad agad ni Rocky nang makalabas ako ng training room. Kumapit agad ako sa braso niya at sabay kaming naglakad.

"Hindi mangyayari 'yon! Mababawasan sila ng medal count."

"Yabang!"

"Hindi sasabay si Maddel?" tanong ko. Sabay kasi kaming tatlo lagi umuuwi. Isang daanan lang naman ang tinatahak namin pauwi sa mga bahay namin.

"Meron daw siyang gagawin."

"Ano naman?"

"Ewan ko. Bilisan na natin, baka gabihin tayo sa daan. Bagal mo pa namang maglakad."

RUNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon