chapter 5

23 10 0
                                    

Nag simula sa asaran sa chat hanggang sa umabot sa umamin na sya sakin. Nagulat ako. Kaya pala madalas na nakangiti lang sya kapag inaasar ko sya. Una palang na umamin sya sakin at nagpaalam na manliligaw di na agad ako puamyag. Pero sabi nya mag hihintay daw sya kahit gaanong katagal. Hinayaan ko sya dahil ang iniisip ko naman tulad lang din sya ng ibang lalake na kapag binasted eh titigil na agad at mahahanap na ng iba. Pag uuwi ako mula sa school at mag oopen message nya ang una kong nakikita.

Ilang bwan pa ang lumipas at malapit na ang bakasyon. Hindi parin sya tumigil sa panliligaw kahit na uma palang sinabi kona sa kanya na busted na sya.

Bakasyon na dahil wala akong cellphone hindi na ako nakakapag online. Nawalan na ako ng koneksyon sa kanya. Naisip ko na siguradong wala na yon at nakakita na ng ibang babae. April 15 birthday ko niregaluhan ako ng nanay ko ng cellphone. At syempre dahil gusto kong malaman lahat ng bumati saakin nag online agad ako at nakita ang mga messages nya. Akala ko titigil na sya pag di nako nagparamdam sa kanya. Marami ding bumati saakin at isa na sya don"happy birthday Miya miss na miss na kita tagal na nating di nakakapag usap bat di kana nagpaparamdam sakin. Sana mabasa moto para malaman mo na miss na miss na kita. I love you😙" yan yung mga words na diko inaakala na mababasa ko sa araw ng birthday ko. Akala tuloy ng mga pinsan at kapatid ko boyfriend ko sya. Pinaliwanag ko sakanila na nanliligaw sya sakin. At ayun na nga nag simula na silang mangasar.

June na unang araw nanaman ng pasukan. Bagong room, bagong teachers, bagong classmates. Sa lahat ng tropa si Quincy ang naging classmate ko. Lilipat sana si Yesha sa section namin kaso ayaw pumayag ng teacher namin. Lumipat si Yesha sa section ni Alyka. Ayos lang na naging magkakahiwalay kami kase may mga kasama naman kaming tropa. Madalas parin kaming magkakasama pag reaces at lunch time. Si Jd di kona masyadong nakikita. Sabi sakin ni Quincy madalas daw magtanong sakanya si Jd kung naguusap pa daw kami. Pero sa totoo lang namiss ko din talaga sya. Sana magkita kami ulit na hindi naman nagtagal at magkita kame. Nagkita pero di nagusap. Nag ngitian lang kami. Syempre ang tropa nangasar nanaman. Ipen kame sa buong tropa walang secrets samin. Kaya alam nila ang tungkol sa panliligaw nya saakin.

A few weeks nabalitaan namin na may boyfriend na pala ang aming bunsong si Yesha. Di namin inaakala na sya ang unang magkaka boyfriend sa tropa. Sya kasi ang pinaka tahimik sa amin. Di nagtagal nagka problema ang tropa dahil sa boyfriend ni Yesha. Diko alam ang dahilan pero nag kasamaan ata ng loob si Quincy at Yesha. Dina ako nakialam sa kanila. Pinagmamasdan ko sila dahil ayoko makisali sa kanila. Kase kung makikisali ako lalo lang silang makakagulo. Hinayaan ko muna sila. Di naman dahil wala akong pake sa kanila kaya hindi ako nakikisali. Ayoko lang na baka may masabi akong di nila magustuhan.

Lumipas ang mga araw na nag kakagulo parin sila. Di kona alam ang gagawin ko. Pero di rin naman nag tagal at nagkaayos din ang tropa. Nagkahiwalay na sila Yesha ang ang boyfriend nya dahil nadin sa ayaw ng magulang nya.

Isang araw pag balik ko galing canteen. Nagulat ako nang makita ko sya sa labas ng room."anong ginagawa mo dito? May kaylangan kaba?"tanong ko sakanya sumagot sya nang may ngiti sa kanyang mga labi"na miss kasi kita. Bakit ayaw moba na mikata ako? Sigi aalis nalang ako."napangiti ako at nagsabi na"weh? Talaga ba? Hahah ano nga may kaylangan kaba?"

The Way We StartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon