Miya's POV
Buong bakasyon ko syang iniisep. Ni wala manlang akong contact sa kanya. Wala akong cellphone. Diko alam fb nya. Namimiss kona sya grabe. Natapos ang bakasyon ko na napaka boring.
Pasukan nanaman. First day of school. Syempre bagong muka. Bagong mga tao. Bagong mga ugale. At wala akong pake sa kanila. Pag pasok ko sa room kaunti palang ang tao. Doon ako umupo sa pinaka likod. Mga ilang oras pa ang lumipas at marami nang tao. Wala pa ang aming guro. Napaka ingay agad sa aming room. Nakakairitang mga mag babarkada agad. Mga babaeng madalas nasa salamin na nasa likod kolang. Mga lalakeng makukulet. At dahil nasa likod ako puro lalake lang ang katabi ko. Mas ok kaysa babae ang katabi ko. Lumipas ang ilang oras may barkada na agad ako. Di naman ako tomboy pero mas palagay ako sa mga lalake. Di rin naman sa malandi ako pero mas masaya kasi silang kasama totoo sa sarili. Dumating ang unang guro namin. Ang aming adviser na si Sir Bernardo. At syempre pag first day may mga election of officers yan. May isang babaeng bida bida ang nangunguna palagi sa mga elections of officers. Nakakainis sya. Pero syempre wala akong pake sa kanya o sa kanila bahala sila sa buhay nila basta ako dito mananahimik kasama ang mga bago kong tropa. Makalipas ang ilang araw pinalipat na kami ng room. Ewan koba napaka daming kaartihan. Syempre kaylangan naka alphabetical order. Tsss nakakainis talaga malalayo ako sa tropa ko. Ok naman ang naging takbo ng araw ko. Hanggang sa isang araw pag pasok ko may nalaman akong hindi maganda na nakapag pasira ng araw ko. Ano yon? Edi napasama lang naman ako sa isang pekeng istorya na ginawa ng isa kong bida bidang baklang classmate. Di naman sa nanlalait ako pero bakla talaga sya. Eto nga at dahil sa sobrang pagka inis ko sasapukin kona sana sya ng may isang babae ang umawat saakin. Diko sya kilala pero nilayo nya ako doon sa classmate kong bida bida.
Nagka usap usap kame nung mga babae na napasama sa kwento na wala naman katotohan. Kinabukasan isa sa mga babae na nakasama ko kahapon ay nakaupo aa upuan ko dahil nililigawan pala sya ng katabi kong mukang syokoy. Ang ganda pa nama ni ate girl sayang. Haha joke lang. At dahil nandoon sya sa upuan ko wala akong choice kundi lumipat muna. May bakanteng upuan sa likod. Kaso puro babae namab ang mga naka upo. Sila din yung mga girl na nakausap ko kahapon. Yung mga napasama sa fake news. Mag kakaybigan pala sila.
Pag upo ko may isang paepal na girl ang dumaldal agad saakin at tinanong ang pangalan ko. Ano nga ulit pangalan non? Ahhh Harjot. Sya yung bida bida na laging class president namin. Napadalas ang pag upo ko sa likod kaya medyo nakilala ko ang mga iyon. Dirin nag tagal medyo nagiging malapit na ako sa kanila.
Ang pinaka ayaw ko sa lahat. Pero nakisakay lang ako sa kanila. Diko sila pinahalagahan kasi alam ko naman na mawawala din sila. Tsaka ayoko magkaroon ng barkadang babae no. Mga plastic.
