<ASHLEY's POV>
Mag-isa ko ngayon sa mall, sanay naman na ko mag-isa. Haynako! Napapahugot ako ng wala sa oras.
Ako nga pala si Ashley. 26 years old, pero di halata kasi babyface ako. Tahimik lang ako, indipendent, at sabi ng karamihan meron daw akong strong personality. Well who wouldn't be when they had a shitty life like mine.
Well anyways, naglalakad nga kong mag-isa. Nag-iikot sa mall kahit wala naman talaga kong balak na puntahan, pampalipas oras kumbaga. Napadaan ako sa isang bookstore at nakita kong may sale sila. Hindi naman matao since wala naman ng mahilig magbasa ng libro sa panahon ngayon.
I was scanning through the pile when suddenly someone grabbed my arm which made me turn around facing the person doing that.
"Omyghad, it is you Ash! Aaaaarrrggghh!! Since when were you home? Namiss kita bakla ka!", she then hugged me. This is my friend Gizelle, a college and a very dear friend of mine.
"Hey Gizz, I missed you so much too!", sagot ko.
"Ano? Kelan ka pa dito? Prumesh ka sa US of A bakla, nakakaganda pala ng kinis 'don!", sabi ni Gizelle habang kinukurot pa ang pisngi ko.
"Gaga ka talaga! Maganda naman ako ever since!", sabay kindat ko pa sa kanya. "Medyo matagal na din akong nakauwi. Anyways, kamusta ka na? Nakita ko sa fb may baby ka na ha!"
"Ay tru 'yan sis! Mother na ang sissy mo! Akala ko pa naman sabay tayong magkakababy!", pang-aasar ni Gizelle sa'kin.
"Pa'no magkakaanak eh wala namang kasama gumawa? Ano 'yon, Mama Mary lang ang peg?" -Ash
Nagtawanan kaming dalawa. Si Gizelle ang tinuturing ko na isa sa closest friend ko, well of course bukod kay Cristoph. Niyaya niya kong magdinner na agad ko namang pinaunlakan dahil nga miss na miss ko na din 'tong bruha na 'to.
—
"So single ka pa din until now? Myghad bakla, anong petsa na! Habol ka din!", pang-aasar sa'kin ni Gizelle pagtapos namin kumain.Nandito pa rin kami sa restaurant pero tapos na kaming kumain. Nagpapahinga na lang at nagkukwentuhan.
"Bata pa ko 'no! Palibhasa may napikot kang doktor kaya push na push ka na 'dyan!", balik asar ko naman.
"Hoy excuse me! Ako kaya ang pinikot niya. Alam mo naman 'tong bessy mo, masarap!", sabay tawanan kaming dalawa na animo'y wala kaming kasama sa paligid.
Naputol ang kwentuhan namin ng may tumawag sa phone niya na kinailangan niyang sagutin. Naririnig ko pa ang sinasagot niya sa kausap niya.
"What time nga mamaya?..... Oo, malapit lang naman ako....... Magugulat ka sino kasama ko!", agad nanlaki ang mata ko dahil alam kong ako tinutukoy niya. Hello?? Wala naman kaming ibang kasama. Sinenyasan ko siya na wag sabihin na ako ang kasama niya, pero parang walang nakita at tuloy tuloy pa din ang pagsasalita. "Si Ash!..... Oo, umuwi na dito sa Pilipinas!...... Sige, habol kami 'dyan sa inyo..... Okay, bye."
At ibinaba niya na nga ang telepono saka ko siya binigyan ng masamang tingin.
"Ano ba 'yon? Sino bang tinataguan mo sa barkada?", sagot ni Gizelle sa masamang tingin ko.
"Wala!", halos pabulong na tugon ko.
"Si Cristoph 'no? Sus! 'Yung iniiwasan mo, di na sumasama sa'min 'yon. Workaholic na! Parehas kayo! Ano ba kasing nangyari sa inyo?", patuloy na pang-uusisa niya.
"Wala nga! Tsaka ba't ko naman kayo iiwasan, wala naman akong atraso sa inyo! Lalo na sa kanya!", sagot ko.
"Ayun na nga! Kaya sumama ka na! Mula umalis ka dito hindi na ulit nakumpleto ang barkada. Kaya sumama ka na!", pangungulit pa rin ni Gizelle.
"Fine! I'll go.", halos magtatalon naman na parang bata si Gizelle dahil napapayag niya ko.
Isa pa, sabi niya naman hindi na rin sumasama 'yung isa. Si Cristoph. So wala naman sigurong masama na pumunta ko. Hindi ko naman siya makikita. Mas mabuti na rin 'yon.
xX.
[Author's Note]
Hey there, lovies! It's been more than a week, or so, since I published Chapter 1 so I added two chapters tonight! Sorry if medyo messy ang timeline! Give me a heads up if you're *quite* confused, or if not then better!Leave a comment, be a fan!
Let me know what you think!
Toodles 💋
BINABASA MO ANG
Truth or Dare?
RomanceWould these two bestfriends DARE test their friendship, or the TRUTH would just break them?