CHAPTER 6

7 0 0
                                    

<ASHLEY's POV>

Di gaya ng mga nakaraang araw na panay ang gala ko, ngayon nakakulong na naman ako sa kwarto. Simula 'nung nagkaroon ng instant reunion sa KTV 'nung nakaraang linggo ay hindi na ko lumabas pa ulit ng bahay para gumala.

Para kong may tinataguan na ewan! Eh kasi baka dahil sa nangyari last time na harap harapan kami nagsagutan ni Cristoph. After that night, di na ko tinantanan ng chat ng buong barkada.

Pero ang pinakamakulit ay si Peter at Gizelle. Halos everyday nagpi-PM at nagtatanong saang kweba daw ba ko nakatago at di nila ko mahanap.

Nandito kasi ako ngayon sa condo ko. Binili ko 'to bago ko umuwi dito sa Pinas gamit ang ipon ko. Kaya walang idea ang kahit na sino sa mga kaibigan ko kung saan ito dahil nga bagong lipat lang din ako dito.

Nakamukmok lang ako sa kama, magulo ang buhok dahil di pa ko tumitinag mula 'nung magising ako. I ordered online for my lunch and I'm expecting it anytime.

After almost 15 minutes, I heard the doorbell ring. Myghad, finally my food's here!! Dali dali akong tumayo saka hinablot ang wallet ko papunta sa pintuan ng condo ko. I opened the door and akma ko na sanang iaabot ang cash na hawak ko ng mamukhaan ko kung sinong nasa pinto.

"Hayy!! It's good to know na buhay ka pa pala!", diri-diretsong pumasok si Peter sa condo ko dala ang sangkaterbang paper bag.

"Anong ginagawa mo dito? Tsaka pa'no mo nalaman na dito ako nakatira?", takang tanong ko naman. Sumilip pa ko sa hallway para tignan kung may kasama siya.

Napansin niya siguro ang ginawa ko kaya sinabi niya, "Don't worry! Wala kong kasama. Ako lang mag-isa naghunting sa'yo."

I then closed the door behind me at lumapit sa kanya. At home na at home si Peter na nagtatanggal pa ng grocery niya saka sinasalansan sa ref ko.

"You still haven't answered my questions. Anong ginagawa mo dito? At pa'no mo nalaman na dito ako nakatira?", tanong ko ulit.

"Well since you're not answering on Facebook, and wala naman akong number mo, I used my connections to find you.", umupo pa siya sa bar stool sa harapan ko pagtapos ng ginagawa niya. "Kinulit ko 'yung pinsan mo, si Qiana. Ayon bumigay, milktea lang pala katapat 'non!"

Nako sasakalin ko talaga 'yon si Qiana pag nakita ko siya! Wala na nga kong magawa kaya kinalkal ko na lang ang natitira sa paper bags na dala kanina ni Peter. Nakakuha ako ng chips at saka binuksan ito para kainin.

"Anyways, anong meron? Wala kang pasok today?", tanong ko na lang. Wala eh, nandito na 'to. Bwisita na!

"Wala. Kaya nga sabi ko ngayon na lang ako pupunta, tutal malamang magkukulong ka lang naman dito sa unit mo.", sagot niya sa'kin. Very korek naman ang hula niya. "I brought snacks for us that'll last until tomorrow! Para wala kang excuse na pauwiin ako."

"Mautak ka talagang bakla ka eh!", sabay irap ko sa kanya.

"Ganon talaga! Beauty and brains dapat para complete package!", sagot ni Peter habang kumakaway pa na akala mo eh beauty queen.


Lumipas ang maghapon na wala kaming ginawa kundi magkwentuhan. Tapos netflix. Nakatulog pa nga kami ng hapon. Tapos nagdinner na din kami. Nagyaya naman si Peter na magshot, pumayag naman ako at lumabas pa nga kami saglit para bumili ng iinumin at pulutan.

It's already 11pm. Nakakailang bote na din kami ng tequilla pero walang sumusuko sa'min. Umiikot na paningin ko pero dedma lang dahil minsan lang din naman 'to.

"Anong ginagawa mo dito pag mag-isa ka? Parang ang boring ng buhay mo mula ng napunta ka sa States! Ano bang nangyari sa'yo?", kuda ni Peter sa'kin. Medyo tinatamaan na siya kaya panay na ang tanong.

"Paanong boring eh may Netflix naman ako. Plus I can just order food kapag nagutom ako.", sagot ko.

"Wow buhay mayaman! Ikaw na ang di kailangan magwork para may makain talaga! Ahon ka na friend!", pang-aasar niya sa'kin.

"Gaga! Sa tatlong taon ko ba naman 24/7 magtrabaho sa US panong di pa ko makakaipon. 'Yung naipon ko pinagpatayo ko ng apartment 'don malapit sa tinitirhan namin dati. Kaya kahit papano meron akong income.", sagot ko ulit. "Pero umaano ka ba talaga dito? Bakit naisipan mo kong hanapin?"

"Baka kako nababaliw ka na mag-isa o kaya napapanis na laway mo dahil wala kang nakakausap. Tsaka di naman ako kagaya mong naging snobbers bigla!", irap sa'kin ni Peter na halata mong may tampo sa boses niya.

"Eto naman! Ikaw na nga ang nagsabi sa'kin na kapag nadurog ka, gamitin mo 'yung dahilan para magpatuloy sa buhay mo!", madramang sagot ko.

"Pero di ko naman sinabing 'yung durog 'nyang puso mo eh gamitin mo para gumawa ng pader para mahiwalay sa'min.", seryosong sagot sa'kin ni Peter. "Baks alam ko hanggang ngayon nahihirapan ka, at di ko naman matatanggal sa'yo 'yung sakit na 'yan. Pero baks kaibigan mo kami eh, kaibigan mo ako. Ano ba naman 'yung katulad dati, magreklamo ka sa'kin, o kaya sabay tayong manapak ng makakasalubong, o kaya kahit iyak ka lang sa balikat ko. Di naman pwedeng sarilinin mo 'yan!"

Nangiti ako sa sinabi ni Peter. Siya kasi 'yung kaibigan ko mula noon pa, bukod kay Cristoph, na pinakanakakaalam ng lahat ng pinagdaanan ko.

"Ano ka ba baks! Tatlong taon na 'yung nakalipas. Ayos na ko!", tinaas ko pa ang braso ko na animo'y nagpapakita ng muscles.

"Sa labas ayos ka, pero 'yang bang nasa loob mo? 'Yang puso mo? Nakarecover na ba 'yan?", tumuro pa siya sa dibdib ko.

"Oo naman 'no!" -Ashley

"Eh bakit 'nung nakaraan parang hindi? Bakit parang finally, nagbreakdown ka 'nung nakita mo si Cristoph? Bakit pagtapos mong magalit sa kanya, ang lungkot lungkot pa din ng mata mo?", tanong ulit ni Peter. Lasing na ba 'to? Ang drama na eh!

"Wag mo kong intindihin baks! Super okay lang ako! 'Yung nangyari 'nung nakaraan? Na-carried away lang siguro ako.", pagpapalusot ko. Teka! Palusot?

"Sino bang gusto mong paniwalain 'dyan sa sagot mo? Ako ba o ikaw?", and then that's it. Just like that the pain I had in me for three years suddenly burst into tears.

xX.
[Author's Note]
I updated two chapters today kasi ang tagal kong walang update! Sorry if the timeline's a little messy. But anyways, continue reading!

Leave a comment, be a fan!
Let me know what you think!
Toodles 💋

Truth or Dare?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon