<ASHLEY's POV>
Pagtapos naming magdinner ni Gizelle ay dumiretso na nga kami sa meeting place na tinext sa kanya ni Faye, isa din sa mga kabarkda namin.
Walo talaga kami sa barkada. Naging solid kami 'nung college dahil mostly sa'min is magkakaklase. There's Gizelle, whom you already know. Ang mommy sa barkada! Then there's Faye, ang pinakasexy! Si Raymond, mortal na kaaway ni Faye hahaha. Andrei, ang pinakachikboy! Peter, my gay bestfriend! Then Vincent na partner ni Peter. Of course, Cristoph and me to complete the list. So yep, we're kind of a crowd when we're together.
Pagdating namin sa karaoke bar ni Gizelle ay inabutan na nga namin si Faye, Peter and Vincent na nagsisimula ng kumanta.
Nagulat sila ng makita nila ko kasi no one in my barkada knows nga na nandito na ulit ako sa Manila, plus hindi rin sinabi ni Faye na kasama ako ni Gizelle.
"Baklaaaaaaaaaaa!! You're home!!", halos dambahin ako ni Peter ng makita niya kong pumasok sa room. "Di ka man lang marunong sumagot sa facebook! Nakailang message kaya ako sa'yo!"
"Nabusy lang ako baks! Alamonaman, workaholic ang lola mo!", saka pa lang bumitaw ng yakap sa'kin si Peter ng tapikin siya ni Vincent.
"Ako naman Boo ang yayakap kay Ash, namiss ko din naman siya!", sabay pa kaming natawa saka naghug.
"Kumusta kayo? Going strong ba??", pang-uusisa ko sa magjowa. Yep, they're both bisexuals and I'm so happy to have friends who can be themselves. #LoveWins
"Hanggang ngayon napagtitiisan pa din ako nito ni Vincent. Buti nga hindi napapagod sa topak ko 'to.", sagot ni Peter sa'kin.
"Arte niyo 'dyan! Sakalin ko kayo iniinggit niyo ko!", sagot ko.
Dumiretso naman agad ako kay Faye saka yumakap. "Hello Best, kamusta ka na?", tanong ko.
"Eto, unlike ng dalawang 'yan, sawi pa din sa pag-ibig! Namiss kita!", sagot naman niya sa'kin.
Pumwesto na nga ako sa gitna nila Gizelle at Peter dahil itong dalawang 'to ang pinakaclingy sa'kin.
Bakit nga ba ko umiwas sa mga 'to? It's been almost two months since I got back pero I never told anyone most especially them. Kaya nga wala silang slightest idea na nandito na ko ulit sa Pilipinas.
Simula kasi 'nung napunta kong States, I decided to cut ties with everyone including my closest friends. I don't exactly understand why I did that. What I know is I just needed it so I can move on. Kaso parang di rin naman nagwork.
After almost an hour, sabay na dumating sila Raymond and Andrei na parehong surprised din to see me.
Nakita kong may in-accept na tawag si Raymond. Di ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan. Could it be Cristoph that he's talking with? What if sabihin niya na nandito ako! I only decided to come kasi Gizelle told me Cristoph don't usually show up na because he's busy with work.
I decided to brush it off my mind. Isa pa, di ko naman kailangang mabother whether Cristoph is here or not? I mean, why would I?
I saw Raymond approached Gizelle and whispered something. Myghad just tell me already! Nagpapanic kaluluwa ko with just the thought of Cristoph coming over!
Gizelle later approached me then whispered, "Sorry Baks I didn't know. Raymond told Cristoph that you're here. He said he's on his way.", di yata matago sa mukha ko ang worry ko that's why napatanong si Gizelle kung ayos lang daw ba sa'kin? Tumango na lang ako. Wala eh, ito na 'to!
It's been three years! Siguro this is the right time to finally see him and not be bothered by his presence. Basta Ash, di naman ikaw ang may atraso sa kanya eh. Just keep calm okay!!
BINABASA MO ANG
Truth or Dare?
RomansaWould these two bestfriends DARE test their friendship, or the TRUTH would just break them?