<CRISTOPH's POV>
*Fast forward three years after*
Grabe almost 6PM na pero tambak pa din ako sa trabaho. Hirap pag ikaw ang acting supervisor pero wala ka namang employee to assist you. Hayy, buhay nga naman.
Anyways it's a typical day for me. It's Friday today, and to some people it's the perfect time to unwind after a stressful week. Pero for me? My evening is just about to start.
"Hey Cris!", napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Boss ko pala. "Can you please give me the powerpoint for my presentation early on Monday? But if possible, can you give it to me tonight so I can study it?"
"Sure Ma'am. I'll email it to you tonight before I go home.", pagsang-ayon ko kahit pa medyo tambak na ko sa gawain talaga. Wala din naman akong magagawa eh, boss ko 'yon.
She then went off. Nagpatuloy na din ako sa ginagawa ko para mas maaga akong matapos.
—
Mabilis na lumipas ang tatlong oras. Shit! 9PM na pala. Di pa man din ako nagdinner dahil di ko naman in-expect na aabutin ako ng ganitong oras.Sa pagod ay napapikit na lang ako, habang ang ulo ko naman ay nakasandal lang sa swivel chair ko.
~PING!~
Napadilat ako sa tunog ng skype ko na nakalog in sa PC ko. Chineck ko kung sinong nagchat. Si Raymond pala, katrabaho/barkada.*thru chat*
Raymond: 'Pre san ka?
Cristoph: Office 'pre, bakit?
Raymond: Di ka man lang ba sasaglit dito? Ikaw lang kulang.
Cristoph: May pinapatapos si boss eh! Tsaka anong ako lang kulang, si Ash gago wala 'dyan haha
Raymond: ????
Raymond: Wala pa bang nag-inform sa'yo??
Raymond: *sent a photo*Tinitigan kong mabuti 'yung picture na sinend ni Raymond sa'kin. Hindi ako pwedeng magkamali, si Ash nga 'to! Pero kelan pa siya bumalik ng Pinas?
Agad kong kinuha ang phone at agad agad na tinawagan si Raymond. Di pa tapos ang unang ring ay sumagot na siya agad.
*thru phone call*
Cristoph: Kelan pa siya nakauwi dito 'pre? Ba't di niyo agad sinabi sa'kin?
Raymond: Akala ko kasi alam mo naman! Tsaka nakasalubong lang daw ni Gizelle si Ash sa mall, pinilit lang sumama dito. Ano 'pre, sunod ka ba?
Cristoph: Text mo sa'kin address kung nasaan kayo. Sunod ako, send lang ako email kay boss.Binaba ko agad ang phone ko saka nagkukumahog na sinend ang report sa boss ko. Para kong sabog na ewan na natataranta kasi sa wakas after almost three years bumalik na ng Pinas si Ash. Pero ba't di man lang niya sinabi sa'min? Loka loka talaga 'yung babaeng 'yun eh.
Pagtapos mag-ayos ng gamit ay dali dali akong bumaba ng building namin. Buti na lang at malapit lang pala ang karaoke bar na tinext sa'kin ni Raymond. Pumara agad ako ng taxi para mas mabilis akong makarating doon.
Sa wakas, magkikita na ulit kami ni Ash. Miss na miss ko siya!
BINABASA MO ANG
Truth or Dare?
RomansWould these two bestfriends DARE test their friendship, or the TRUTH would just break them?