<CRISTOPH's POV>
Tapos na kami magdinner at nagkayayaan magnight swimming kaya nagmamadaling umuwi ang iba habang kami nila Andrei, Raymond at George ay namili ng iinumin.
Andito kami sa sasakyan dahil medyo malayo ang convenient store.
"Musta 'pre? Di pa din kayo okay ni Ash?", tanong ni George sa'kin.
"Akala ko pa naman pagtapos namin kayong abutan sa hallway kanina, ayos na kayo. Eh parang lumala pa ata.", singit ni Andrei.
"Ewan ko ba.", nagpakawala ako ng buntong hininga. "Pero mahaba pa naman ang gala natin, madami pa kong oras para kausapin siya."
"Sabagay. 'Yaan mo 'pre, tulungan ka namin.", sabi ni Raymond sabay tapik pa sa balikat ko.
—
Pagbalik namin sa rest house ay inabot namin ang ibang nakapagpalit na ng swimsuit. Si Peter, Vincent at Faye ay nakalusong na sa dagat.Nilapag ko sa lamesa malapit sa pool ang mga pinamili namin. Nagawi ang tingin ko kay Gizelle na nakangising nakatingin sa'kin.
"Si Ashley ba hinahanap mo? May kinuha lang sa kwarto.", may halong asar na sabi sa'kin ni Gizelle. Sakto namang lumabas na din si Ashley mula sa bahay. "Speaking of your princess."
Sinamaan ko naman ng tingin si Gizz.
"Your princess ka 'dyan! Sinong princess?", tanong ni Ash paglapit niya.
"Ako kako. Princess.", palusot na lang ni Gizelle.
"Princess ka 'dyan?! Evil step-sister pwede pa.", asar ni Ash kay Gizelle.
Kinuha ni Ashley si Georgie na kanina ay buhat ni Gizelle saka dinala malapit sa dagat para makipag-asaran siguro sa mga nakalusong sa dagat.
"Di kayo magsiswimming?", tanong ko kay Gizelle saka abot ng beer. Hinindian niya ang inaalok kong beer saka inangat ang iced tea na hawak niya.
"Bukas na lang ako. Magpapatulog pa ko ng bata.", sabay turo pa nga niya sa baby niya. "Hindi pa rin kayo in speaking terms?"
"Hindi pa din.", uminom ako ng kaunti mula sa beer na hawak ko. "Di ko nga maintindihan ba't parang ang tindi ng galit niya sa'kin. I mean, kung ang kinakagalit niya ay 'yung di ko paghatid sa kanya sa airport, di ba parang masyadong mababaw naman 'yon?"
"Para namang di mo kilala 'yang babaitang 'yan. For sure she has greater reasons on why she's mad.", alo sa'kin ni Gizelle. "Kausapin mo kasi. Bibigay din 'yan sa'yo."
"Susubukan ko mamaya.", sagot ko.
"Pati bukas. Sa susunod na bukas. Sa susunod na susunod pang bukas. Wag mong sukuan.", nangiti ako sa sinabi ni Gizelle.
Bakit nga ba kailangan akong panghinaan ng loob? Hello? Si Ashley ang pinag-uusapan natin dito. Bakit mo susukuan ang babaeng kagaya ni Ashley.
Sa tagal naming magkaibigan kilalang kilala ko na siya. Sobrang selfless niya, lagi niyang inuuna ang ibang tao over herself. She's giving and caring, at di ko inakalang magiging isa ko sa taong sumayang sa kanya.
Bumalik naman sa pwesto namin si Ashley, saka inabot si Georgie kay Gizelle. After 'non eh dumiretso si Ash sa boys na nag-iihaw ng barbeque.
"Ano pang hinihintay mo dito? Wala kang mapapala sa'kin nako! Lambingin mo na 'yung ex mo!", taboy sa'kin ni Gizelle.
Naglakad na nga ko palapit sa ihawan kung nasaan sila. Maririnig mong nagtatawanan silang lahat pati na rin si Ashley. Namiss ko 'yung ngiti niya, 'yung tawa.
Kumuha muna ko ng beer saka ako lumapit kay Ash para iabot sana sa kanya. Ang tagal nakaangat ng kamay ko pero di lumilingon si Ashley. Para di mapahiya ay hinablot na lang ni Raymond 'yung hawak ko, "Salamat 'pre!"
Naglakas loob pa rin akong kausapin siya. Di ako papayag ng matapos ang getaway namin na hindi kami nagkakaayos.
"Musta ka naman Ash? May bago ba sa'yo?", nasundan ito ng katahimikan. Para bang lahat kami ay nag-aabang kung sasagot si Ashley.
Pero gaya dati, tumalikod lang siya na akala mo eh walang nadinig. Lumapit na ulit siya kay Gizelle.
Inakbayan naman ako ni Andrei. "Ako 'pre ayos lang ako. Wala namang bago sa'kin!"
Binatukan ko si mokong. "Gago!", sabay tawa naming lahat.
—
<ASHLEY's POV>Maaga kaming ginising ni Faye para daw masunod namin ang itinerary na ginawa niya. Ako ang pinakahuling lumabas at nakita kong maraming motor na nakapark sa harap ng rest house.
"Di ba natin dadalin 'yung kotse?", tanong ko kay Faye.
"Nope. Nagrent ako ng motor 'don sa tour guide na nakuha ko. By pairs na lang tayo.", sagot niya sa'kin.
"So tayong dalawa magkasama? Marunong ka ba magmotor?", tanong ko.
"What? No! Aangkas ako 'don kay papi.", may kilig pa na bulong sa'kin ni Faye.
"Sino 'yan?", tanong ko ng tignan ko kung sino tinuturo ni Faye.
"Si Billy. Tour guide natin.", sagot ni bakla na ngiting ngiti pa.
"What? Eh sino kasama ko?", tanong ko.
"Ako.", sagot ng nasa likod ko. Si Cristoph.
"Hindi ba pwedeng 'kala Gizz na lang ako, nakasasakyan naman sila eh.", medyo taranta kong suggestion. Hello?? Iniiwasan ko nga si Cristoph tapos siya makakasama ko sa motor.
"Sorry can't sis. Kasama namin sa car 'yung pinsan ni Peter na katulong ko mag-aalaga kay Georgie.", sagot ni Gizelle mula sa kotse.
"Kay Peter na lang.", suggestion ko ulit. Halatang halata bang umiiwas ako?
"Cannot be din sis. Si Vincent angkas ko. Tapos si Raymond at Andrei ang magkasama. So sumakay ka na at anong oras na!", sabay kindat pa sa'kin ni bakla.
"Ako na lang aangkas 'don sa tour guide.", huling suggestion ko.
"Magtigil ka nga Ash. Tampalin ko nguso mo, kontra ka sa lablyp ko ha!", at nagmamadali pa nga si Faye na sumampa sa motor nila 'nung guide.
Lumingon ako sa likod ko. Andon pa din si Cristoph, inaabot sa'kin ang helmet na gagamitin ko. As if losing, kinuha ko na nga ang helmet at diri diretsong lumakad sa motor na gagamitin namin. Pag-angkas ko sa likod ni Cristoph ay sabay sabay naghiwayan ang mga kaibigan ko. Galing talaga!
"Planado niyo 'to 'no?", singhal ko kay Peter ng magtapat ang mga sinasakyan naming motor.
"Wala kong kinalaman 'dyan sis. Sumusunod lang ako kay Faye.", depensa ni Peter na tatawa tawa pa.
"Kapit ka sa'kin.", sabi ni Cristoph.
Nagkunwari akong walang nadinig. Akala ko ay didiretso na ng andar si Cristoph, pero saglit pa lang na andar ay bigla siyang prumeno ng malakas. Napakapit ako sa bewang niya.
"'Yan, better. Sabi sa'yo kumapit ka eh.", wala na nga kong nagawa at kumapit na lang ako. Kalokohan ng mokong na 'to eh!
BINABASA MO ANG
Truth or Dare?
RomanceWould these two bestfriends DARE test their friendship, or the TRUTH would just break them?