CHAPTER 5

5 0 0
                                    

<CRISTOPH's POV>

*Flashback from three years ago, year 2016*

Nagising ako ng dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Kinapa ko ang cellphone ko at agad kong tinignan ang oras. 11AM na pala. Tuminag na ko saka nagbihis bago ako lumabas ng kwarto.

Wala kong inabutan sa sala, di tulad 'nung mga nakaraang araw na lahat ng tao ay aligaga. Narinig kong tila may tao sa kusina kaya 'dun agad ako nagtungo.

Pagpasok ko pa lang ay amoy na agad ang sinangag na nanggagaling sa niluluto ni Ashley. Lumapit ako sa kanya saka kinapa ang noo niya. "May lagnat ka pa? Kelan ka pa natuto magluto?"

"Tangek!", sabay hampas niya sa kamay ko. "May natira kasing kanin mula sa inalmusal nila kanina kaya naisipan kong isangag na lang."

"Infairness, mabango siya. Ang tanong kaya eh masarap?", pang-aasar ko pa din.

Sinamaan ako ng tingin ni Ashley sabay amba ng hawak niyang syanse. "Hampas ko sa'yo 'to! Umupo ka na 'dyan kesa bwisitin mo ko!"

Tawa tawa pa ko saka tumalima sa utos niya. "Asan pala sila? Nasa beach?", usisa ko. Lumingon pa ko sa dagat na kita mula sa glass door ng rest house nila Peter.

Nasa La Union kami, mga tatlong araw na din. (A/N. Karugtong 'to ng Chapter 1 pips, just in case malito kayo!) Pilit hinahanap ng mata ko ang barkada sa labas ng bahay.

"Wala na sila. Umuwi na!", sagot ni Ashley sa'kin sabay ng paglapag niya ng bandehado ng sinangag.

"Pa'nong umuwi na? As in, umuwi? Sa Manila?", paglinaw ko.

"Oo. Ayaw mo ba?", sagot niya habang patuloy na naghahain ng kakainin namin. "Kasi kanina 'nung nagising ako nakabihis na silang lahat. Di na nga daw dapat tayo iistorbohin sa pagtulog. Uwi na daw sila, nagmamadali si Gizz umuwi sa boyfriend niya. Kaya ayon, sumabay na lahat sa kanya."

"Seryoso ba? Edi tayong dalawa na lang nandito?", nginitian ko pa si Ash.

"Hoy Cristoph! Ngiti mo pa lang halatang may binabalak ka ng masama. Kumain ka na 'dyan!", natawa naman ako sa itsura ni Ashley.

Pagtapos namin kumain ay nag-ayos na din kami para makabyahe pauwi.


Pagtapos ng La Union, halos araw araw na kaming magkasama ni Ashley. Sinusundo ko siya sa trabaho niya, panay kami kumakain sa labas, o kaya nagmu-movie marathon lang sa bahay nila.

Ang kasama niya lang kasi sa bahay nila ay 'yung pinsan niya, si Qiana. 'Yung Mama niya, pumanaw two years ago. 'Yung father niya naman, matagal ng di umuuwi simula 'nung napunta ng US.

*End of flashback*
*Present day, year 2019*

"Di ko talaga maisip 'pre ba't galit na galit sa'kin si Ashley eh.", nandito pa rin kami sa KTV bar na inarkila ng tropa. Pero halos nag-uwian na lahat. Si Andrei at Raymond na lang ang natira.

"Sigurado ka 'pre? Ang lalim ng hugot ni Ashley sa'yo eh.", sagot ni Raymond sa'kin.

"Baka dahil hindi mo siya nahatid sa airport 'nung umalis siya?", sabat ni Andrei.

"Parang ang OA naman ng galit ni Ash kung dahil lang 'don?" -Raymond

"Eh dba kasi boyfriend niya 'tong si Cristoph 'nung umalis siya? Dba 'pre, kayo pa ni Ashley 'nun?", usisa ni Andrei.

"Baka dahil nga 'don. Kasi parang after a month pagpunta niya ng US saka niya ko blinock sa FB." -Cristoph

Pero parang ang babaw pa din. Napatungga na lang ako sa beer na hawak ko saka sapo ang mukhang napayuko.

Ash bakit ba? Bakit ba ganon na lang ang galit mo sa'kin? Ano ba talagang naging kasalanan ko sa'yo?

Truth or Dare?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon